Etched (part 7)
Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Puro kaluskos ng nag-aalangan mong tsinelas ang maririnig sa paligid. Nasaan ang daan pabalik? Saan ka patungo?
Ilang beses ka pang umikot. Napapagod na ang iyong mga tuhod. Napadaan ka na rin ng ilang beses dito.
Ito nanaman? Umiikot lang ba ako?
Malapit ng dumilim, tahimik na ang paligid. Pano ka uuwi kung hindi mo na alam pabalik? Paano ka makakabalik kung hindi mo na tanda pauwi?
Sa isang park na may malaking puno sa gitna. Sa isang punong kanina ka pa nahahalina. Bakit dito ka dinadala ng iyong paa?
"Nakuha mong mangbabae?!"
"Ikaw yung unang umiwan sa amin ng anak mo!"
"Sa akin mo isisisi?!
"Oo! Sayo at dun sa lalaki mong hanggang ngayon! Depungal magpahanggang ngayong kasal at may anak na tayo gusto mo paring sundan!"
"Mabuti pa nga na sundan siya!"
"Mom... B-bakit ka...?"
"Joohyun, anak... Look hindi ka na bata kaya dapat maintindihan mo, your Dad and I..." You looked at her face... Full of sorrow and pain.
"Irene lumabas ka muna sa kwarto"
"D-dad... Don't let her go. Iiwan niya tayo, don't-"
"Labas" malamig ang boses na pakiusap sayo ng ama mo.
Akala mo pag lumipat kayo... Mababawasan kahit paano ang mga ganitong eksena.
Lalo lang palang lumala.
'Oo tanda ko yung unang sinulat mo'
'Yep'
Maingay ang bawat kilos. Sa tahimik na gabi... Ang gumuguho niyong pamilya ang tanging umaalingawngaw na katotohanan. Nakakasawang marinig. Nakakasawang pakinggan.
"Mom an- teka bak-" ang bisig ng iyong ama ang pumigil sayo na mahabol mo siya.
Iniluwa na siya ng pinto palabas at wala kang magawa sa higpit ng pagpigil sayo ng iyong ama.
"Pigilan natin siya... Daddy ayoko. DAD DO SOMETHING!!!"
Hindi siya umimik. Tahimik lang siyang nananalig na sana... Isang araw, maligaw din ang paa ng iyong ina patungo dito. Sa inyong tahanan, sa inyong pamilya. Kahit pa siguradong alam niya ang daan pauwi, ang daan pabalik.
'I left home too after that.'
'San ka pumunta?'
'Naligaw ako ulit'
'Papunta rito?'
'Ito lang nakita kong walang tao and tahimik'
Pinagbabato mo ang puno. Yung mga bato na sumusugat sa punong-kahoy. Malakas ang iyong mga hikbi pati na rin ang tunog ng kawawang bato.
'My Mom left us...'
"Parehong pareho kayo... Tsk tsk tsk"
Kahit pa binuksan mo ang alak sa lata hindi mo pinutol ang panunuod mo sa iyong bintana.
"Irene..."
Hanggang ngayon, hindi ka parin makapaniwala.
"Tsk...Fools"
Nakapangalumbaba ka sa study table mo. Minamasdan ang mga emosyon sa kanyang mukha. Ang minsan niyang pag haplos sa puno. Ang minsan niyang pagtitig sa malayo at ang paglalim ng kanyang mga hininga.
Para silang mga tanga...
Sa kinikilos niya, masasabi mong iba na. Tama pa ba ito? Ito naman ang gusto niya. Sino ka ba para makialam? Sino ka para pumigil sa pagmamahalan?
"Sana lang... Makaya niyo hanggang dulo."
'Sana andito ka that time'
'Para ako yung nabato mo?'
'Para sayo ko ikukwento'
'Ang lungkot mo siguro nun'
'Galit ako sa mundo that time. Ang unfair ng mundo, para akong tinraydor.'
'Masakit talaga, pamilya mo yun'
'Kaya ganun nalang kahirap sa akin ang umasa ngayon'
'Mahal mo kasi sila'
'Buti nalang nandyan ka'
'Mabubuo na kayo ulit. Bigyan mo lang sila ng chance'
'U wont hurt me naman right?'
'Sorry, sa di malamang dahilan... Wala ako diyan, kapag kailangan mo ng karamay.'
Saglit lang. Sobrang bilis lang pero damang dama mo yung saglit na kirot sa mga salitang nakaukit.
'Sana nga... Nandito ka nalang'
'Sana nakakasama din kita'
'Andiyan ka lang naman palagi diba?'
'Wala naman akong balak iwan ka'
Sapat na ba yun? Tanong ng iyong puso sayo. Sapat na ba ito para sa inyo? Para sayo?
"Ang unfair ng mundo" inilabas mo ang bigat sa iyong dibdib sa pagbuga ng hangin sa iyong ilong. Hindi mo naman na
Comments