Meant To Be

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Oh... Compress naman po para lahat kita."

Nauntog yung ilong ko sa ulo mo. You felt it. 

Pareho tayong nangiti. 

"Okay... 1, 2..... 3"

Smile.

 

 

 

 

 


Smile... 

Billions of smiles in this world pero sayo ang paborito ko. 

Kahit pa nung bungal pa tayo pareho, I keep on telling my mom how I wish I had your sweet smile. 

Sabi niya... Hindi ako dapat mainggit sayo.

Sabi niya cute din ako.

Hindi ko na matandaan kung kailan exactly. 

Siguro nung umiyak ako kasi pinitas mo yung unang bulaklak na napatubo ko sa garden ni mama. 

Siguro nung unang beses na nasira mo ang pinahiram kong laruan. 

Siguro nung namatay yung alaga kong goldfish at tinulungan mo pa akong magluksa at ilibing. 

"ang pangit mo umiyak" sabay ngingiti ka dahil saglit akong mapapatigil.

Saka mo ako yayakapin at icocomfort. 

I don't remember when was the exact time na hindi ko na kinainggitan ang ngiti mo. 

I don't remember when was the last time na kinwento ko sa mama ko na sana kasing cute mo ako.

Na sana meron ako ng mga ngiti mo.

Ganun nalang yun. 

Nagising nalang ako na nasa tabi kita dahil ipinaiwan ka saglit ng mom mo sa bahay namin. 

Nagising nalang ako at nagsabi sa sarili na...

Aalagaan kita.

Ang mga ngiti mo... 

Gagawin ko lahat, mapangiti lang kita.

 

 

 

 

 


Naalala mo ba nung...

Naglalaro tayo ng kasal-kasalan?

Hinila mo ako saka mo sinabing manunuod nalang tayo.

Pero hinila ka naman nung isa nating kaklase na kamukha ni Bimby dahil gusto ka daw niya maging bride. 

Sabi ko nun. 

Okay lang... 

Natatawa pa nga ako kasi mukha siyang ewan. 

Napako naman agad yung mata ko nung naglakad ka sa gitna.

May mga gumamela sa kamay

May santan crown sa ulo

May ngiti sa labi na tumingin sa akin. 

Tapos nung sinabi ng batang pari na kiss...

 

 

 

 

 

 


"OO! UMIIYAK AKO! ANO SA TINGIN MO?" sabay nating sabi.

"naaalala mo pa pala yun?" you said. I smile. Sweet yet somber.

"Syempre... Kinasal ka sa iba nun." You scrunched your nose. 

 

 

 

 

 


Inaway mo ako, hindi ko kasi pinigil at tumalikod lang ako. Galit na galit ka pa kasi ninakawan ka ng halik ni Bimbi. Hindi mo rin ako ininvite nung 10th birthday mo dahil dun. 

I saw you cry... I made you cry. 

I cried.

Sabi ko. Hinding-hindi na ko uulit. 

Ayokong makita ka ulit na galit sa akin. Ayokong umiiyak ka. Ayoko sa lahat, yung nasasaktan ka. 

Kaya nung naguidance ako, dahil binato ko ng sapatos ko yung nakabangga sayo sa hallway dahilan para mabasag ang salamin mo at ayaw niya magsorry, yan lang ang sinagot ko sa Prefect. 

 

 

 

 

 


"And ayoko na nasasaktan ka" it's your turn to smile. 

 

 

 

 

 


Sabay tayong gumraduate. Sabay tayong nagceleberate as we messily ate our spaghetti and cake. 

First time nating lumabas.

First time akong humingi ng pera kay mama na hindi school related ang pag-gagastusan. 

First time nating mag mall. 

First time manuod ng movie.

First time umorder for our own food.

First time. 

 

 

 

 

 

 

"Are you happy that time?" I asked you. 

You nod. And said "Sobra... Ikaw ba?" 

Maingat kong tinabi ang ilang hibla ng buhok mo sa gilid at muli kang tinitigan. 

"sobra pa sa sobra." 

 

 

 

 

 

 

Sophomore, pinilit kong matutong tumugtog sa gitara. 

Nabanggit mo kasing favorite mong song ang Perfect two. 

Sakto... Malapit na nun ang Valentine's. 

Kaya kahit puro band-aid sa daliri, kahit ilang beses akong napitikan ng string. 

Pinilit ko. 

I wanna make you smile e. 

I want to see you smile. 

Pero you received a lot of letters and chocolates. 

May ilan pang nangharana sayo. 

Pati na yung mukhang Bimbi na yun. Binigyan ka ng malaking Teddy bear. 

I ran home. Tired and... I don't know. 

What should I feel?

What should I do?

How would I react?

Maybe that's my first heartbreak? 

Mom even cooked my favorite dish pero... Wala akong gana. 

I even forced myself to sleep. Tapos kumatok sa pinto si mama. 

Hinahanap mo raw ako?

I saw you holding two bars lf chocolates. You gave me one. You even opened it for me. 

Your mood shifted from sweet as chocolate to bitter as dark chocolate nung nakita mo yung mga kamay ko. 

So we exchange smiles bago ko simulang tugtugin sayo ang kantang inaral ko. With shaky fingers and quivering lips... Sabi ko nalang.

Ito na yun.

Bahala na.

Pero you hugged me. 

And kiss me on my

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta