Etched (part 10)

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

"Ugh! Nakakainis lang kasi hindi niya sinabi na busy siya sa iba niya"

"Irene? Kala ko ba hindi selos?"

"Hindi nga"

"O e bakit ganyan?"

"Anong ganto?"

"Wala lang"

"Grabe lang na kahit isang araw sa loob ng tatlong linggo walang kahit anong explanation"

"Need ba mag explain?" Napanganga ka. Parang sobrang offensive ng sinabi niya.

"Joy? Bigla nalang siyang nawala! Syempre hindi yun tama"

"Okay so bakit nga ganyan ka nalang magreact?"

"Anong dapat ireact after mong ma... Wendy what do you call that again?"

"A-alin?"

"That... Pinakilig lang then iniwan"

"Ohhh so pinakilig ka ng 'friend mo from states'?"

"No shut up! Wendy?"

"Ghosting"

Nablangko ang mukha ng kaharap mo pero tuloy ka lang sa pagsasalita.

"Yeah! Somehow ganun na rin yung akin."

"Binalikan ka naman na ah... Diba? Sabi mo andyan na ulit? So hindi yun ghosting"

"Oo nga Irene... Baka naman valid yung reason. Baka naman talagang kailangan."

"Ano namang reason ang valid. Isang beses lang naman niya need sabihin na hindi muna siya magpaparamdam. Maiintindihan ko naman."

"Death anniversary ng parents nung tao."

"Huh?"

"Huh?"

"I-I m- ibig ko sabihin, malay nyo? Ewan. Pano kung ganun?"

"Ah basta! Ayoko na rin siya kausapin"

"Bat kasi ang big deal sayo nung bigla niyang pagkawala ng ilang linggo?"

"Sinabi ko naman na diba?"

"Nag-aalala ka?"

"Hell no"

"E bakit hinahanap-hanap mo?"

"Edi sige... Nag-aalala ako. That's it."

"Miss mo ba kaya ka nagtatampo o nagtatampo ka kasi hindi ka makapaniwala na miss mo?"

"You're not getting my point here Joy"

"Sino ba kasi yan Irene?" Yung ngiti sayo ni Wendy na hindi mo maintindihan kung anong kahulugan.

"Oo nga... Sino ba yan? Irene..."

 

 


Napadaan ka dito ulit pero hindi ka huminto. Paninindigan mo yung pride at pag ganti mo sabi mo pa. 

"Tzuyu pala ha? Sige... Dyan ka na. Magsama kayo"

 

 

 

"Pinansin mo na?"

"Sino?"

"Labs mo"

"Hindi mo nga kilala kung sino yun"

"Yeah yeah hindi ko kilala"

"Wala ba si manang dito?"

"Maagang umuwi. Don't worry ako lang nandito"

"Buti naman... Haysss"

"Pag sinigawan mo ulit si lola lalagyan ko talaga ng hinimay na manok lahat ng kakainin mo dito"

"H-hindi ko naman sadya... Hindi ko na rin kasi makontrol yung sarili ko"

"Ganun lang talaga siya... Kapakanan mo lang ang iniisip niya kaya niya sinasabi sayo na layuan mo yung puno"

"Kapakanan ko? I don't get it. Hindi niya alam ang lahat about it yet pinapalayo niya ako."

"Ayaw niya lang sigurong masaktan ka"

"Masaktan saan?"

"Uhh s-sa mga chismis! Oo tama sa chismis. Pinag-uusapan ka na rin ng iba na nakakakita sayo diyan na nakatambay ka sa puno madalas"

"Well ngayon hindi na nila ako makikita dun tsk."

"Ayan... Isa pa yan"

Inilapag niya padabog ang plato mo na may mainit pang kanin at ang dalawang mangkok na may ulam. 

"Ang taas ng pride mo. Dahil lang dun hindi mo na rin siya kakausapin?"

"J-joy?"

"Oh? Nibhindi mo nga maitanong kung ano yung totoong reason bakit hindi siya nakabalik agad."

"Y-yung puno yung... Sinasabi ko"

"Ahhh y-yung puno ba?"

"So alam mo?"

"A-alin?"

"Joy..."

Yung pagtambay lang sa puno yung issue... Tapos napunta dun sa nireklamo mong 'friend mo from states' na inimbento mo lang para hindi na sila magtanong pa kung sino yun o ano yun. Baka kasi tawanan ka lang nila pag sinabi mong tao 2 years ago na kausap mo sa puno yung tinutukoy mo. 


"Wala akong alam promise!"

"Pero sabi mo kanin-"

"Irene... Please. Kumain ka nalang"

"Kilala mo ba siya?"

"Sino?"

"Siya..."

"Si Tzuyu o si Seulgi?"

"Seu-..."

"Ah... Ksg pala"

"Seul...gi"

Yakap niya ang tray saka nagpakawala ng hininga bago umupo sa harap mo.

"Malulungkot yun... Pagpinagpatuloy mo ang hindi pagpansin sa kanya."

"Kilala mo siya?"

"Huh?"

"Sino sa amin ang mas maganda?"

"An- teka ha?"

"Nung Tzuyu nya!"

 

 

'Sorry na'

'Irene sorry na'

'Ngayon lang ako ulit nakabalik sa puno'

'Na miss kita sobra'

'Irene please talk to me'

'Babawi ako promise'

 

 

 

"Lahat yun?"

"Lahat oo"

"Seul kahibangan na to"

"Sabi nyo nga... Baliw na ko. Paninindigan ko nalang"

"Akala ko ba nasaktan ka nung nakit-"

"Naisip ko lang... Baka may pag-asa ako sa kanya."

"Tch pag-asa? Seul? Pano mo nasasabi yan ha?"

"Kahit konti... Malay mo. Saka iniwan naman na sya nun. Ako yung nandito para sa kanya"

"Nandito? Akala ko ba 2 years siyang ahead tapos sasabihin mo nandito? E hamak na kachit-chat ka lang niya sa isang pun-"

"..."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta