Weary Wheels (part 2)

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

"Mahirap ba dun?"

"Hindi naman"

"Maliit sahod?"

"Hindi din"

"Di mo trip mga co-workers mo?"

"Uy hindi ah, tatlo na nga inaanak ko sa kanila e"

"Ay alam ko na"

"Oh"

"May nakachukchakchenes ka dun no?"

"Hoy! Yung bibig mo naman. Nakakahiya ka"

"Ay weh? Kahit fling wala?"

"Tingin mo sakin?"

"Ay... Bet ko yan. Gusto mo ba yung sagot na honest o yung kaibigang may pinagsamahan?"

Napainom ako sa juice ko ng wala sa oras. 

"Wag mo na sagutin"

"Kahit yung cutie na parang may crush sayo?"

"Kahit yun"

"Yung kasama mo sa dance lessons?"

"Magkaibigan nga lang kami ni Momo"

"Suuus pero papansin sayo"

"Iniisip mo lang yan"

"Wala ka naman palang problema e, bat ka naman mag reresign?"

"Hindi ko alam" tinawanan mo yung sariling sagot mo. Hindi na impress si Byul.

Natahimik kayo pareho. 

"May balita ka pa ba sa kanya?"

"Wag na nating pag-usapan please"

"Huli kong narinig, lumipad sila pa Germany"

"..."

"Tingin mo? Babalik pa yun ng pinas?"

"Ewan... Di ko alam"

"Hmm"

"..."

"Dalawang taon ka palang dyan sa work mo... First work mo yan diba? Sayang naman"

"Gusto ko munang magpahinga"

"Pag isipan mo muna, mas lalo ka lang mabobored niyan kung wala ka na ngang ginagawa, wala ka pang pagbubusyhan"

"Mamumundok nalang ako"

Tiningnan mo ang kaibigan mo. Yung tawa niya... Bakit hindi mo na kaya.

"Tapos papasok ka sa kumbento pucha!" minsan na ding sumagi sa isip mo yun kaya nung hindi ka natawa sa joke, muntik ka na niya batuhin ng baso. 

"Baka mas pinakikinggan ng langit yung hiling ng mga banal"

"Seulgi..."

"Pinag iisipan ko okay? Wag ka munang mag freak out"

"Kilala kita Seul"

"Buti ka pa"

"Naguguilty ka parin tama ba?"

"..."

"Sige nga... Anong mangyayari sayo kung gagawin mo talaga?"

"Wala naman akong ibang hihilingin kundi ang sumaya siya at lagi siyang maging ligtas" 

"Pano naman para sa sarili mo?"

"Sawa na ko maging makasarili"

"Ewan ko ba sayo, mahal mo pero pinakawalan mo"

"Naisip ko nun... Hindi kami para sa isa't-isa"

"Kaya tinapos mo?"

"Kahit naman ilang ulit nating pag-awayan to wala ng mababago okay?"

"Ayaw mo lang gumalaw Seulgi."

"Anong palang dapat kong gawin? Sundan siya dun? Magmakaawa? Ayusin yung sinira ko? Gusto ba niya? Willing ba siya? Malay natin... Masaya na siya dun"

"Nung nakipag break ka? Tinanong mo ba siya kung... Anong gusto niya?"

"..."

"Dalawa lang naman yan... Mag move on ka na o magbabakasakali ka pa"

"Hindi ko alam"

"Lagi namang hindi mo alam"

 

 

May point talaga sa buhay natin na kahit alam nating mali. Yun yung pipiliin natin. 

Sana pala kahit saglit kumapit ka pa. 

Sana lumaban ka din.

Sana nakinig ka muna. 

Tapos nung nagkita na kayo saka ka pa bumigay. Sinira mo lahat. Ikaw yung bumitaw.

Ngayong tapos na ang lahat. Ngayong nakalipas na lahat sa inyo. Nabubuhay ka nalang sa salitang sana. 

 

 

Gustuhin ko mang ayusin lahat ng sinira ko. Gusto kong bumalik sa dati. 

Nasaktan na kita. Tinapos ko na. Kahit habulin pa kita, huli na lahat. 

Gaano na ba kalayo ang napedal mo palayo? Gaano ka sakit nung hinayaan kitang masaktan? Nagpadala ako sa pagod, hindi kita nasamahang lumaban.

Sana hindi nalang kita tinuruan magbisikleta. Sana hindi kita tinuruan pano mag-isa. Ngayong kaya mo na... Ako naman tong kulang ng isa. 

 

 

"Seulgi!"

"Yes?"

"Mag re-resign ka na ba talaga?"

"Naipasa ko na yung letter"

"..."

"Makakahanap naman ata ng kapalit yung HR kaya di kayo masyadong mahihirapan."

"P-pano... Ako?"

"Hanggang next week pa naman ako. Matutulungan pa kita sa presentation mo."

"I-I me... Ano- S-Sasama ka sa outing?"

"Oo naman"

"..."

"..."

"M-magkikita pa ba tayo if- Anong plano mo after nito?"

"Sorry I can't promise a thing"

"Mahirap bang makipag kita once in a while?"

"Hindi ko lang kasi alam kung nasaan ako 'once in a while'"

She sighed and lower down her gaze.

"Uy Tzuyu... Okay ka lang?"

"Call me... Pag kailangan mo ng kausap"

'Oh diba oh dibaaa sabi sayo e dibaaaa' yung boses ni Byul sa utak ko. Shuddup

"I will"

"Promise?"

Meant to be broken naman so...

"Yeah promise"

 


Pagtapos mong iparada yung mountain bike mo sa gilid ng isang coffee shop... Kinapa mo yung katawan mo kung san mo inipit yung coin purse mo. Muntik mo nang makalimutang tanggalin yung helmet mo bago pumasok kaya bumalik ka ulit.

 


"I told you not to drink coffee alot diba?"

"Hyun kahit ito lang please?"

"Yung tyan mo sasakit nanaman"

"Pangatlo ko palan-"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta