For Her (part 10)

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

 

Ramdam nyo ba yung kakaibang feeling pag unang araw ng klase tapos wala kang kakilala? Yung takot kang gumawa ng kahit na anong ingay kasi baka pagtinginan ka. Nahihiya ka sa lahat. Pilit na ngingiti pag may nakipagkilala. Bago ang lahat... Hindi ka sanay. 

Iba din naman kapag somehow nasa isang section kayo ng mga tropa mo. May mga kasama ka na. May kausap ka na. Hindi ka out kasi may circle of friends ka. 

"W-wala na bang ibang gising?" 

"Baliw bat ka bumubulong?"

"Mag aala una na oh"

Muntik na kong mahampas ni Joy

"Ang creepy ng tunog para kang manyak"

Pigil tawa kaming pumasok sa sala nila. 

"Uuwi ka pa nyan?"

"Siguro? Nag text ako sa bahay na sinugod si Krystal sa ospital kaya gagabihin ako"

"E bat kasi ngayon ka lang?"

Sasabihin ko ba? Baka mabulahaw lahat sa kumunidad pag nalaman na ni Joy.

Kinwento ko nalang yung mga nangyari kanina, saka yung pinagdadaanan ngayon ng... Girlfriend ko.

"H-hinintay ko pang makabalik si Ate Jessica sa ospital para magbantay kay Krystal."

Saka nag halikan din pala kami. Hhhh

"Ahhh"

Siguro sa ibang araw nalang. Di pa ko handa

"E bat namumula ka?"

"Huh?"

"Yung tenga mo huy! namumula"

"Joy"

"Hmm?"

Bahala na.

"S-sinabi ni Krystal sa a-ano..."

"Ha? Ayusin mo nga!"

"K-kami na"

"As in?"

"Yun yung pakilala nya sakin sa pamilya nya kanina"

Halatang nagpipigil lang sya pero kitang kita ko sa laki ng butas ng ilong nya yung pagkabigla.

"Tangina ang haba ng hair mo ah!"

"Shhhh"

"So official na kayo? As in kayo na talaga like? Girlfriend mo na sya? Legal na din kayo sa fam nya shet naman Kang Seul ang lakas mo ah"

"Joy, h-hindi ko nga alam na kami pala eh"

Mata naman nya yung lumaki na parang kinikwestyon ang pagkatao ko. 

"Ikaw pa choosy no? Wow"

"Hindi yun choosy, gaga"

Alam ko naman kung gano kalayo ang agwat namin ni Krystal sa estado palang sa buhay. 

Natatakot ako. 

Hindi ako nababagay.

Nakakapanibago.

"Ginayuma mo ba si Krystal?"

"Hindi no"

Tumunog yung phone nya.

"Ewan ko. Mahal daw nya ako"

Ngumiti lang sya at muling humarap sakin.

"Sino yan?"

"Si Irene, ang lakas daw ng boses ko, may pasok pa daw sya bukas"

Binigay ba ni Joy yung number ko kay Irene? Malamang ganun na nga. 

"Bakit parang mali Seul?"

Nawala na yung mapaglarong ngiti ni Joy, hinarap nya na ko ng seryoso. Bakit feeling ko nasa hotseat ako bigla?

"Diba dapat nagpapaparty ka na sa tuwa na kayo na?"

Mahina yung boses nya, di gaya ng una... Pero rinig na rinig ng konsensya at kaluluwa ko bawat salita. 

"M-masaya naman ako"

"Bakit parang di ka sigurado kay Krystal?"

"Pshh wala, siguro nabibilisan lang ako"

"Baka naman di ka pa moved on"

"Huh?"

Nilapag nya yung phone nya saka sya tumayo.

"Kay Joohyun"

"..."

Ito yung scene na para kang kumupit ng kendi sa ref tapos pag talikod mo andyan yung nanay mo. Parang nalaglag kasi yung puso ko sa sikmura ko pagkabanggit nya nung pangalan eh. 

Ni minsan hindi ko nakwento kahit kanino ang tungkol sa nakaraan ko. Mo... Lahat 

Panong? Bakit? Saan? Ano...

"Kunin ko lang gamit mo"

 


To: 0932*******

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta