Label

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

Napapansin ko lang...

Ngayon mo nalang ako ulit tiningnan ng ganyan.

At kahit pa itago ko, hindi ko mapigilang hindi mag-isip kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin mo.

Seryoso ka kasi, malalim kung bumaling at walang emosyon sa kakaunting segundo na titingin ka sa akin.

Galit ka ba?

May gusto kang sabihin?

Sawa ka na ba sa dinadala kong mga pagkain?

Hindi ko kasi maintindihan.

Baka naman, ayaw mo lang sabihin kasi ayaw mo akong masaktan. 

Nasabi ko naman ata sayo,

Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo.

Diba, sabi ko pa... Andito lang ako.

Dito lang ako.

Please... Hayaan mo lang ako dito.

 

 

 

Kaya never kitang kinulit.

Andito lang ako kung may kailangan ka or what.

Kahit pa nung may ibang nanliligaw sayo, di ako nagpatinag. Caps lock na para dama pero DITO LANG AKO.

Hindi ko nga alam kung nakakalimutan mo lang o hindi mo talaga yun naiintindihan.

Sa akin naman, okay lang. Uulitin ko nalang.

Tuwing itatanong mo kung hindi ba ako napapagod sayo...

Tuwing pinagtatabuyan mo ako kakasunod sayo.

Tuwing... Sasabihin mo na huwag na kitang antayin ng uwian dahil may ibang susundo sayo at may pupuntahan pa kayo.

 

"pls... Hayaan mo lang ako dito"

 

Nung huli mo akong tiningnan ng ganyan...

Yun yung unang beses na nakita kita ng malapitan.

 

 

 

Aamin na ako na... Tuwing nanunuod ako ng play offs sa school...

Hindi para sa mga pawisang players

Kundi para panuorin kang mag cheer for them.

Ang cute mo lang sa outfit mo.

Malamang narinig mo na to pero...

Bagay sayo.

Tanda ko pa nung minsang may player na nag papacute sayo. 

He's standing in the middle of the court at ishoo-shoot daw niya ang bola from there para sa pagkakataong maidate ka. 

Hindi ka naman humindi. 

Hindi ka rin naman um-oo.

Ni hindi ka nga tumingin at mukhang may iba ng nakakuha ng atensyon mo. 

Lihim akong napadasal na sana hindi pumasok. 

Kaya nung binato niya na yun...

Lahat kami dun lang nakaabang habang ikaw...

Wala kang pakialam.

Tumama lang yung bola sa ring tapos bumanda sa board at sa sobrang lakas ng impact, bago pa ako maka "Yes!" sa failed attempt niya na maidate ka, may kung anong tumama sa noo ko and with that...

 I found myself lying on the floor till I saw stars at 2pm. 

Yun na siguro ang simula.

Kung tama ang pagkakatanda ko at wala pang tornilyo sa utak ko ang nasira...

Basta nasa clinic nalang ako at nakaupo ka sa bangko, hinihintay na magising ako.

Yung mga mata mo nun...

Ganyan na ganyan. 

May laman.

May gustong sabihin.

Natatakot.

Nag-aalala "Okay ka na?" sabi mo lang.

Naaawa.

I forced a smile bago tumango. 

Hindi ko alam kung ano sa nangyari ang maituturing kong himala.

Yung hindi na shoot na bola at lumanding talaga sa noo ko

O

Yung makita kang nag-aantay sa pag gising ko.

 

 

 

Kaya sana maintindihan mo kung bakit hindi ako mapakali these days.

Ganyang-ganyan ka kasi tumingin 3 years and 9 months ago. 

Para parin akong injured patient na nabukulan ng manliligaw mo.

Natatakot ako.

Iba na kasi ngayon. 

Dati schoolmate lang ako na may crush sayo.

Pero dati pa yun, malayo na tayo dun.

Lalo pa't isa na rin ako ngayon sa mga humahabol-habol sayo. 

Siguro kasi magkaibigan na talaga tayo bago pa ako umamin sayo.

Siguro kasi babae din ako...

Siguro kasi nangako ako na hindi ako mangungulit gaya nila at tahimik ka lang na hihintayin...

Susuyuin...

Mamahalin. 

And you let me.

Siguro kasi... Wala ka lang choice.

Naaawa, ganun.

Isang taon after kong mabukulan...

Isang taon... Pinangatawanan ko ang pagiging ulirang kaibigan.

Saka ako nag confess habang nakaupo tayong dalawa sa kotse mo.

Sinundo kita nun galing sa practice nyo. Akala tuloy ng iba... Driver ako ng kotse mo.

Sa sobrang kaba ko nga, hindi ko ata nasabi lahat ng nasa yellow pad ko at tinapos nalang yun sa "Gusto kitang ligawan, Irene"

Hindi ka umimik.

Hindi ka nag react man lang.

Hindi ko mabasa ang nasa isip mo. 

No, scratch that... Natatakot akong basahin ang mga salitang tumatakbo sa isip mo.

Hindi ka naman humindi.

Hindi ka rin naman um-oo.

Ganito pala yung nararamdaman nung iba, at ngayong gaya nalang din ako nila, paulit-ulit kong tinatanong kung...

Paano na?

Close naman tayo. 

Pero sure na kasi ako sa gusto ko.

Sure akong ready na ako.

At sure akong it'll always be you.

Hindi ko lang alam kung mutual tayo.

 

 

 

Kahit pa nga ilang beses ko na sabihin na andito lang ako, feeling ko naman hindi mo ako kailangan.

Sa bawat "ako na" palagi kang sasagot ng... "wag na..."

At mga "tulong ako..." na magalang mong irereject sa isang "kaya ko na 'to"

Ano pa nga ba naman kasi ang need mo?

Maganda ka, mayaman din at matalino.

Hindi naman kita mapapakopya ng differentials dahil wala namang ganun sa course niyo.

Masipag ka din and on top of that... Alam mo kung anong ginagawa mo.

Pakiramdam ko pa nga, pinagbibigyan mo lang akong buhatin ang isa o dalawa sa mga libro mo,

O sa tuwing itatakbo ko ang school bag mo, hindi ka na lang umaangal... Sa nagmamakaawa kong mga mata na gustong magkasilbi sayo kahit paano. 

Hindi rin naman kita mailibre dahil kahit na gustuhin ko at iinsist pa sayo, alam nating triple ng allowance ko ang laman nyang wallet mo

 kaya kung hindi kkb, madalas... Sagot mo.

 

 

 

Matagal ko na sanang gustong aminin 'to.

Nung unang beses kitang na idate... Lahat yun planado.

I outwitted you, for the very first time in my life.

Napakunot ka kasi agad ng noo nung nasabi kong Ravenclaw yung crush mong si Robert Pattinson sa ipinilit mong panuorin kong series. 

Favorite mo kasi kaya go lang... Para relate ako sayo. 

Pinagpilitan mo pang Hufflepuff siya kaya nung naalala ko bigla... Sabi ko nalang sa sarili ko, this iz it pancit.

Nilabas ko nalang yung wallet ko sabay sabing "sige pustahan nalang oh!"

Grabe lang yung gigil mo nung hinamon kitang "pag tama ako... Ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta