For Her (part 4)
Stories That Will Make U Fly, Sigh and CryLate na ko nagising kaya hindi ako naka almusal manlang sa bahay bago pumasok. Pag minamalas ka nga naman. Bakit kase katabi lang ng building nila yung canteen? Ilang linggo na rin kasi akong umiiwas sa nursing building, nag babaon para di na magawi sa canteen, o kaya bumibili lang dun pag tapos ng lunch break or before ma occupy ng maraming tao. 2 weeks... 2 weeks na kong umiiwas sa mga naka puti.
"Seul!"
Not until this day.
Binilisan ko yung lakad ko at nag kunwaring walang naririnig. Naiwan ko pa yung 12 pesos kong sukli. Pota sayang!
Tuloy tuloy lang paakyat sa building namin. Wala naman na atang nakasunod. Nawala yung gutom ko sa fast walk na yun a-
"Tang- a-ARAY!"
" sorry"
"Pota naman Seulgi, bat para ka namang tren kung umakyat ng hagdan"
"Are you guys okay?"
Napatayo ako agad nung nakita ko na may tumulong kay Joy na tumayo. Matangkad at artistahin.
"Sorry sir"
Lumaki nanaman yung butas ng ilong ni Joy at binigyan ako ng sakin-di-ka-mag-sosorry-eh-ako-tong-tumilapon look na hindi ko nalang pinansin.
"Sige, Pasa nyo nalang sakin yung take home worksheets bukas."
"Bye sir" nahihiya kong paalam
"Bye sir Bogum" habol ni Joy habang hinihimas yung balakang nya.
"Tangina Seul ang sakit"
"Sorry na, si Krystal kasi eh"
"O bat? Hinabol ka ng itak?"
"H-hindi"
"O bat kung magmadali ka para kang mamamatay pag inabutan ka? Di ka pa tumitingin sa daan kaka madali"
"Iiihhhh alam mo naman na i-"
"Alam ko lang pero di ko naiintindihan kung bat mo sya iniiwasan"
Pano ko ba ipapaliwanag? Pano ko sasabihin? Pano ko ipu-put into words na maiintindihan ng damuhong na to?
Ayokong ma develop ng mas malala? Ayokong gawing kumplikado yung buhay namin? Ayokong lumalim kung ano man tong nararamdaman ko.
Kasi hindi kami bagay, kasi hindi ako dapat, kasi hindi dapat.
"Oo nga, bat mo nga ba ako iniiwasan?"
Sabi sa inyo eh,
Not until this day.<
Comments