Our Happy Ending

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

Titigil na ako. 

Yan ang sabi ko. 

Buburahin na kita sa puso ko. 

Masaya ka naman na. Tawang-tawa ka pa nga habang sinusubuan mo siya ng ice cream mo at para siyang tanga na ngingiti kahit na dinudumihan mo lang ang bibig niya.

Masaya ka naman... Tuwing tatawa ka sa sinehan at ihihilig mo ang ulo mo sa balikat niya. 

Masaya ka na... Habang hawak niya ang kamay mo at sabay kayong kakanta sabay sa kanta sa radyo ng itim na kotse niya. 

Mukha akong tanga na ngingiti lang kapag tatanungin mo ako kung bakit ako tahimik. 

Pareho kaming tanga... Pinagkaiba lang... 

Siya

mahal mo,

Ako 

mahal ka. 

Last na to... Kaya tama na. Ito naman ang gusto ko. Ang sumaya ka. Ang malaman na pinangingiti ka niya. Ang malaman kong kuntento ka. 

 

 

 

 

 

 


"umalis ba ako?"

"I mean... Palagi ka na andito ulit"

Maliwanag ang buwan. Nakikita ko ng malinaw ang saya mo. "Business trip yun... Ikaw naman"

"Bawal ka na mag out of the country without telling me hmm?"

"yes po" malambing kong tugon. Hindi na ata kakayanin ng puso ko.

"Lalo na ngayon" pasweet mong bulong.

"Lalo na ngayon..." pag uulit ko habang mahigpit na nakahawak sayong kamay.

 

 

 

 

 

 

 

Hindi na ako ulit nagpakita sayo. Hindi na ako nagparamdam. Ni hindi kita inimbitahan sa graduation ko. 

Tama lang naman siguro to, magmomove on na ako sayo... Ibabaon ko sa limot ang nararamdaman ko. Hindi na ako aasa na mag-exists pa ang salitang tayo.

Sa probinsya ko natutunang matulog ng maaga. Natutunan kong icancel ang calls mo. Humindi sa mga alok mo. Tiisin ang mga text na galing sayo.

This time... Sarili ko naman ang binuo ko. Sumubok pansinin ang isang kaibigan. Sumubok magmahal ulit. 

Kaya nang tumawag si mama... 

Dahil hinahanap mo raw ako.

At umiiyak ka. 

Dahil umiiwas ako sayo. 

At bago pa ako makapag-isip kung tama bang puntahan ka ulit at makita... Nasa pintuan ka na, kumakatok, nagbabakasakaling papapasukin kita. 

Pero sino bang makakatiis sayo? 

Sa mata mong namumugto?

At bagsak na balikat mo. Sabi mo kahit ilang linggo lang. 

Nagdidilim ang paningin ko nang marinig kong nag-away nanaman kayo. 

 

 


Ayaw kang ipakilala sa pamilya... Ipinagkakaila ka. 

 

 


Tangina niya. Binabalewala niya ng ganito ang babaeng pinangarap ko simula pagkabata. 

Ang babaeng bumuo ng mundo ko, binabasura niya.

Baliw ba siya? para paluhain ka ng ganito. 

Ewan ko ba naman kasi sayo... Ang tagal ko nang nandito sa harap mo, dun ka parin sa nanggagago. 

Nang gabing yun... Tabi tayong natulog sa papag. 

Tabi tayong nagkamustahan. 

Nakasiksik ka sa akin, habang pinapatahan kita sa kakaiyak. 

At mahimbing kang nakatulog sa aking yakap. 

Habang heto nanaman ako, walang duda, walang pangingiming handang ibigay muli ang lahat para sayo.

 

 

 

 

 

 

Tinuruan kitang sumakay sa kalabaw. Magpatuka sa mga manok ni lolo at sabay tayong kakain ng naka kamay. 

Tinuturuan ka ni lola magluto at magtanim.

Ayan nanaman ang tukso... Sabi nila, sa ganito sila nag simula.

Sabi ni lola, huwag daw masyadong papahalata kung ayaw mawala.

Sabi ni lolo, sunggab na bago pa maglahong parang bula.

Kinikilig pa ang dalawa tuwing makikita tayong magkasama. At ayan ka nanaman sa "Ito ho atang apo niyo, sa tingin lang yata magaling" bago ka yayakap sa likod ko. 

Eh, kung ako lang din naman ang tatanungin... Ayoko nang matapos ang oras na ito.

Tapos tabi tayong magsisyesta tuwing tanghali at panunuorin nating lumubog ang araw sa gilid ng dagat. 

Magkatabi, magkahawak kamay... 

Sana hindi na matapos.

Sana huminto ang oras. 

 

 

 

 

 

 


Kalokohan lang daw ang maniwala sa sinasabi nilang tadhana. 

Na lahat ng bagay ay may tamang oras. 

Sabi pa nila... Why wait for a perfect moment?

While you are in that moment, make it perfect. 

Kaya habang busy ka makipag toe wrestling sa mga daliri ko sa paa, niyakap na kita. 

Habang malutong pa ang iyong tawa, nilapit ko na ang katawan ko sa iyo. 

Ramdam ko ang tibok ng puso mo. 

Sa akin ba? Nadarama mo?

Papayag ka ba? Kung gusto kong subukan na pasayahin ka nang ganito sa araw-araw?

Papayag ka ba? Kung gugustuhin kitang hawakan ng ganito at ipangako sayong hindi ako bibitaw?

Lakas-loob akong bumulong sayo ng "masaya ka ba?" 

You eagerly nod against my shoulders and when I gently whispered your name... 

Narinig mo ba?

O nabingi ka sa lakas ng pagtawag niya?

 

 

 

 

 


So... Magkakabalikan pala kayo.

At extra lang ako ulit sa love story nyo.

 

 

 

 

 

 


Para kang panaginip. 

Ang sarap ulit-ulitin.

Ayun lang, ang hirap mong mapasaakin. 

Ganun-ganun lang yun? Dadating siya dito para sunduin ka? 

Magsosorry siya sayo? 

Patatawarin mo naman. 

Gustuhin man kitang hablutin palayo sa kanya at sapakin siya sa ilong para balaan na huwag na ulit lumapit sayo, wala na akong magawa...

Hinalikan ka niya. 

Buong puso ka namang tumugon. 

Tumalikod nalang ako... Sparing some mercy at my poor shattered heart. 

Ako na mismo ang nagimpake ng gamit mo. 

Taos puso kang nagpasalamat at humalik pa sa pisngi ko.

Nga naman... Andito lang ako lagi bilang kaibigan.

Andito ako handang gawin lahat para sayo pero para sayo isa lang akong taong maaasahan.

Saka ka umalis kasama niya...

Tapos... Ganun ulit. Wala na.

 

 

 

 

 

 

"sorry na..." sabi mo.

"Hmm parang hindi sincere..."

"tatampo ka pa eh hindi naman bagay" lalo lang humigpit ang iyong yakap sa aking beywang.

Nginitian lang kita "Bakit naman?"

"tanda na natin..." you scrunched your nose habang nakadikit sa dibdib ko ang iyong baba.

"Ikaw lang" natatawa kong tugon. 

Binatukan mo ako.

 

 

 

 

 

 

 

Adulting... Trabaho, 

Babae,

Alak...

Pera.

Hindi ko alam kung paano ang mga bagay na ito ay nakapagpapasaya. 

Well... Kaysa naman isipin pa kita.

Mas okay na to. Mas okay na wala ka.

 

 

 

 

 

 

Eh, kasi malaki na. Kaya hindi na umaasa para makuha ang gusto niya.

Eh, kasi malaki na. Kaya dapat di na padalos-dalos at pabaya.

Eh, kasi malaki na. Kaya dapat responsable at makatwiran.

Hindi na ako bata.

Hindi na ako bata kaya alam kong mahihirapan na akong tanggalin ka pa dito sa puso ko.

 

 

 

 

 

 


Ang daya lang kasi.

Pag ako nangungulila sayo, bawal.

Kapag ikaw, namimiss ako... Isang nguynguy mo lang daig ko pa si Moses kung hawiin lahat ng nakaharang sa ating pagitan. 

Biro mo pa, isa akong kaibigang laging nandiyan. 

Isang kapatid na kinalakihan. 

Bakit ba hindi ako makuntento na ganito tayo?

Bakit hanggang dito lang ako?

Bakit binabagabag ako na minsan mo lang ako gusto?

Na minsan mo lang ako naiisip. 

Na mahal mo ako, kasi convenient sayo. 

Na pinaparamdam mo sa akin lahat ng ito... Kasi ako yung nasa tabi mo. 

Kapag wala siya...

Kapag busy siya...

Kapag nag-away kayo...

Kapag galit ka sa kanya.

Dyan... Dyan lang ako lihim na sumasaya. 

 

 

 

 

 

 


Isang tanghali na tinawagan mo ako.

Pinagmadali mo pa't lahat dahil sabi mo, sobrang importante nito. 

Hindi na ako nag-isip pa at agad kang tinakbo. 

Wala e, sadyang ganito ako kaseryoso sayo. 

Sabi mo lunch lang naman. 

At inis pa akong bumaling sayo.

Excited ka pang ngumiti bago mo ako pisilin sa pisngi. 

"Pero this is something important" sabi mo.

Kinakabahan naman akong humarap sayo. Ito na ba yun? 

Dalawa lang naman kasi... Either ayaw mo na akong makita o may pag-asa na ako. 

Pero pumasok ang babaeng maganda... 

Mabango, makinis... Medyo hawig mo pa. 

"Seul... Suzy. Suzy... Si Seul" 

Nagtatanong ang aking mga mata na hinarap ka. 

ano ba to? 

Please tell me... Nasasaktan na kasi ako. 

Namula ang babae matapos naming magkamay. 

Sabay sabi mo ng... 

"bagay kayo" 

At palihim na bumulong sa akin ng "ingatan mo pinsan ko" 

 

 

 

 

 

 

Balita ko... Nagkakalabuan nanaman kayo. 

Umiiyak ka daw magdamag sabi ng mom mo.

I don't know what to feel.

I don't know what to think.

Gaya ngayong nanunuod kami ng sine pero ikaw tong lamang ng isip ko.

Gaya ngayong katabi ko ang babaeng nakahandang magmahal sa akin pero mukha mo ang gusto kong makita pag bumaling ako. 

Gaya ngayong nakakatawa ang nasa big screen pero mas nakakatawa yung hopelessness ko sayo.

Kasi naaalala ko yung itsura mo nung unang beses nating nag sine at lumabas. 

Our first time.

At pati yung itsura mo nung huling beses tayong nagsine... Yung saya at mga ngiti mo na iba ang may gawa. Yung mga tawa mong hindi ako ang rason.

Kaya nung tinapik ni Suzy ang mukha ko at may kung anong itinuro sa likod ko,

Ah, cake... Yung favorite mo. Yung kinain natin nung nag uwi ang dad mo.

Yung tinry nating ibake as partners sa TLE dahil sabi mo kaya natin at naniwala naman ako.

Yung nag laro tayo ng bato bato pik at papahiran ng harina yung talo. Isang cute na guhit ang nilagay ko sa iyong noo at nung manalo ka, sinupalpal mo sa mukha ko yung isang dakot kaya halos mamatay ako kakaubo. 

Lahat nalang tungkol sayo.

Lahat nalang may kinalaman ka sa kahit ano.

Kahit saan nalang, nakikita ko ang mga bakas mo.

Well... Siguro talagang mahirap umalis sa ganito.

Ngayon, huli na para pagsisihan kong ginawa kong mundo ang dapat lang na tao.

 

 

 

 

 

 

 

Suzy and I tried so hard in different terms.

She tried so hard pleasing me. Providing me love and everything I didn't even deserve.

I tried so hard... Believing I can love her.

Na kaya kong turuan ang puso kong magmahal ng ibang tao.

Na kaya kita burahin pagsamantala gamit ang pinsan mo.

Na handa na akong ibigay sa mas karapatdapat ang aking puso.

I told her I want to try but I'm not sure kung kakayanin.

Yet she slipped her fingers to mine then confidently say "I hope I can be the woman who will make you feel glad that you didn't get her"

I confessed that I like I like her. Somehow.

She told me she loves me. Undoubtedly.

And I can't find an answer t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta