Crazy...Messy...Roomie

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Mula nang dumating ka...

 

I never stopped blaming you.

 

Yung mga platong hindi mo nahugasan

 

Yung makalat mong higaan

 

At tambak mong labahan...

 

Ayoko kasi sa makalat.

 

Ayoko sa magulo.

 

Ayoko sa lahat… yung ganito.

 

Alam mo naman lahat ng yun...

 

Pero hindi ko alam ba't ako nagtagal kasama mo.

 

 

 

 

 

Nanandya ka ba?

 

Nang-aasar?

 

Nagpipigil lang ako pero baka hindi kita matantya.

 

At pasensyahan nalang tayo dahil one of these day... Makukutusan na talaga kita.

 

Pigilan niyo 'ko! Pigilan niyo ako! Pigila-

 

Pipigilan mo ba ako?

 

Nung huli kasi kitang muntik mabato ng platito

 

Imbes na umilag ka at magtago, tumawa ka lang.

 

Sobrang lakas. Yung parang walang bukas.

 

Tumawa ka saka nagsabing "alam mo tawag dyan??"

 

Sinigawan lang kita ng masungit na "hindi!" na nagpatawa muli sa'yo ng malala.

 

Nakaamba na ang platito sa kamay kong naitaas ko na.

 

Sinabi mo ang "edi... Flying saucer!" sabay karipas nang takbo.

 

Sabay ilag dahil sa akma kong pagbato.

 

Hindi mo lang alam. Nagpipigil lang ako.

 

Pinipigilan ang sariling matawa sa kacornyhan mo.

 

 

 

 

 

Minsan pa nga...

 

Kahit na alam mong ayaw ko, ipipilit mo talaga.

 

Gaya ng mga action movies mo na naka 85 pa ang volume na talagang pinagbabangayan nating dalawa.

 

Hindi kasi yan yung pinanunuod ko tuwing hapon.

 

Feeling ko mabibingi na ako sa volume.

 

At tuwing hapon nalang... Ganito lagi ang ating sitwasyon.

 

Sabi mo pa minsan nung pinalipat ko yung tv channel sa iba...

 

"Para naman tayong mag-asawa"

 

Kaya naupo ako sa couch habang nasa lapag ka.

 

At sinisisi kita sa labis kong pamumula.

 

Na sa tahimik kong mga pagsinghap ay bubulong ng himalang sana...

 

Sana huwag kang humarap.

 

Manuod ka nalang ng mga barilan movies mo!

 

Sana hindi mo makita kung ano ang epekto mo.

 

Huwag muna, hindi parin kasi ako sigurado.

 

Hindi mo lang alam, napapaisip na rin talaga ako.

 

Napapaisip ng sagot sa mga tanong na nagsisimula sa bakit at paano?

 

 

 

 

 

I still remember how timid and measured your smile was nung una kang kumatok dito.

 

Tutulungan pa sana kitang mag-ayos ng gamit mo.

 

Tinanggihan mo lang naman ako ng isang magalang at nahihiyang "wag na, ayokong makaistorbo"

 

Kaya ipinagtimpla nalang kita ng maiinom as a sign of welcome sa iyo bilang roommate pero pagbalik ko sa kwarto...

 

Nakabukas parin ang maleta mo sa kama mo at nakanganga ka pang nahihimbing sa pagtulog sa kama ko.

 

 

 

 

 

Rules...

 

Sa totoo lang ha...

 

Ilang beses na akong nagpaparinig sayo about sa mga pet peeves ko.

 

Yung mga dapat gawin...

 

Yung mga ayaw ko.

 

Mga rules na pareho nating dapat sundin.

 

Ilang beses pang uubo para ipaalala sayo yung mga pupunasan.

 

O labahin mo sa washing na dalawang araw mo ng nakalimutang banlawan.

 

Ang sarap mo lang minsan sigurong batukan.

 

Sabihin mo gawa! Sabihin mo gawa!!

 

Kaya in the end, ako nalang din ang gagawa ng mga gawain mong nakakalimutan.

 

Feeling ko nga minsan sinasadya mo talaga.

 

Aba... Sinusubukan mo ba ako?

 

Nahuhuli ko kasi ang malokong pagngiti mo pagtapos mong sabihing... "nako... Sensya na talaga"

 

Saka ka magdidisplay ng paawang mukha saying "sorry" o kaya kamot ulong "bawi nalang ako"

 

Dahil bakas na sa mukha ko ang inis at tampo.

 

Roommate kasi tayo pero para akong yaya mo.

 

Tatabi ka pa sa tuwing hindi kita papansinin at seryosong magpapasalamat "thank you"

 

Simple lang...

 

Sana hanggang dyan lang.

 

Kaya lang dadagdagan mo yan madalas ng "buti nalang nandyan ka sa tabi ko"

 

 

 

 

 

Hindi mo nga siguro ako naiintindihan.

 

Ilang ulit ko na kasing sinabi sayo na tanggalin mo muna ang sapatos mo sa labas bago ka pumasok...

 

Huwag mong lamutakin sa piga ang toothpaste tube…

 

Ihiwalay yung nabubulok sa hindi nabubulok.

 

Sasagutin mo lang ako na “huwag ka ngang OC”.

 

Aba't-

 

Tatlong taon na kitang pinagsasabihan...

 

Magpasalamat ka nalang na buhay ka pa talaga.

 

Yung stress levels ko sayo daig pa yung sa 26 students ko sa nursery.

 

Hindi mo siguro naiintindihan na ayoko sa mahaharot na gaya mong bigla nalang mangingiliti.

 

'pag minalas pang magtatago ka kung saan saan para manggulat at videohan akong tumitili.

 

Kapag ginagabi ka nga diba sabi ko naman sayo...

 

Kumain ka nalang sa labas dahil wala akong paki sayo.

 

Pero talagang sa sirang plaka ka siguro pinaglihi dahil yayakapin mo pa ako kahit tulog na ako.

 

Magpapasalamat sa niluto kong ulam at malambing kang bubulong ng "swerte ko talaga sayo..."

 

 

 

 

 

Sa ilang libong bagay na nagawa mo para kainisan kita.

 

Mula sa mga medyas mong pakalat-kalat sa sala hanggang sa fact na matagal kang maligo sa umaga.

 

Parte na kasi talaga siguro ng pagkatao mo ang mang-inis at mangbwisit...

 

Tipong napaka natural na sayo ang mangulit.

 

Sana yun nalang yung tinrabaho mo.

 

Kasi congrats if ever! Everyday kang promoted.

 

 

 

 

 

Umamin ka nga sa akin...

 

Sa mga day-offs mo, saan ka nagpupunta?

 

Humihithit ka na ba?

 

Durugista?

 

Ay! Alam ko na…

 

Nagkakatol?

 

Parang ang hyper mo lang kasi.

 

Nakakapagod mag keep up sa gaya mo

 

At to be honest, nagpipigil lang akong pumatol.

 

Umamin ka na!

 

Ikaw muna ang mauna!

 

Saka ko rin sasabihin yung akin.

 

Sasabihin ko lahat ng mga nililihim.

 

Gaya nung unang beses kang umuwi ng late at lasing na lasing.

 

Madungis, amoy suka at para kang batang nawawala.

 

Aaminin ko sayong isang oras kitang hindi pinagbuksan habang palihim na tumatawa.

 

Hinayaan ko lang ding makatulog ka sa lagay mong yun sa kalsada.

 

Nung napansin kong ginawa ka na ring pulutan ng mga lamok, napilitan na akong ipasok ka.

 

Hindi rin naman kita matiis at binuhat pa kita.

 

Tinanggalan ng sapatos at pinunasan pa.

 

Nung bibihisan na san

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta