Etched (part 9)

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

 

Bakit hindi ka mapakali? Siguro dahil gutom. Baka dahil hindi ka rin makatulog? Dahil ba maraming ginawa sa school?

Inisip mo ulit.

Bakit hindi ka mapalagay? 

"Ksg..."

Ayun. Wala ng halong panghuhula o pagbabakasakali. Ayan na mismo yung sagot. Ilang araw na ba yung huli? 

"Ughhh! Nakakainis ka!"

9. Siyam na araw at ika-sampung gabi ngayon. 

Oo binibilang mo.

Hindi na kayo nag-uusap. Wala na siyang sinasagot sa mga tanong mo. Wala na siyang oras para kamustahin ang araw mo. Siyam na araw kang naghihintay na magparamdam siya. Siyam na araw mong inaasam na makausap siya. Siyam na araw mo na siyang miss. Wait... Hindi lang kasi basta miss. Miss na mi-

"Anak?" Naputol ang pag-iisip mo sa mga katok sa pinto. 

"Anak kumain ka na muna... Maghahating gabi na, hindi mo pa ginagalaw yung nakahain para sayo sa mesa"

"Busog po ako Dad"

"Hindi ka pa nakain mula kaninang tanghali anak... Magkakasakit ka niyan"

"Inaantok po ako.. Sige na Dad bukas nalang po" napasabunot ka sa sarili nang mawala na sa may pinto ang ama mo. 

Ano ba talaga? Sabi mo gutom ka? Sabi mo hindi ka makatulog? 

"... ... Halaaa" kakaisip mo ng kung ano-ano pati yung ballpen na hawak mo nagkalat narin ng kung ano-ano sa sinasagutan mong assignment. 

"Uulit nanaman ako arrgh!" Pinunit mo nalang tuloy sa gitna ito saka nilamukos at inihagis sa basurahan. 

Sabay salampak sa kama na para bang napakabigat ng pasanin mo sa mundo. 

"Tinatamad ako..."

Ano ba Irene? Sabi mo maraming gagawin? Bakit ngayon ka pa tinamaan ng katamaran?

Nilingon mo ang digital clock sa side table mo. 

11:56 pm

Apat na minuto. Apat na minuto nalang ika-sampung araw na na wala siya sa buhay mo. Kaya mo pa ba? 

Para kang gutom pero walang gana. Parang pagod at antok pero hindi makapikit. Parang mahal mo pero ma-

Ekis tayo jan. 

"Asaaaaaaaaaan ka ba kasiiiiiiiiiiii!!!!!!!!" Tili mo sa unan mo. Sana hindi ka ulit katukin kung okay ka ba o napano ka na. 

Ano ba talaga? 

"Sampung araw ka ng wala ksg... Asan ka ba?"

"Bakit hindi mo ako sinasagot?" "Sabi mo andiyan ka lang lagi?" "Sampung araw na kitang miss"

Ksg... I miss you.

Binibilang mo ang araw at gabi na hindi siya naging parte ng buhay mo. Pero bakit hindi mo na mabilang ang luha?

Ipinagpaubaya mo na sa unan mo ang trabahong ito.

 

 

 

Hindi ka kumpleto pag ganito. Hindi ka buo pag wala siyang paramdam manlang. Kulang yung araw mo at hindi ka masaya. 


"Wala nanaman..."

Kaya pumasok ka sa klase na tulala at lutang. Sobrang dami nanaman ng nasa isip mo. Lahat naman tungkol lang sa kanya. Pero madami parin yun kamo. Kasi ang laki ng parte niya sa buhay mo. Kaya pati sa isip mo big deal siya. Pati nga sa pus-

 

 

 

"Huy, Irene" 

"Hmm?" Wala sa loob mong sagot.

"Uhm. Ano kasi, ... Niyaya ak-"

"Wen... Ikaw nalang muna pumunta kila Joy."

"Huh?"

"Ayoko muna pumunta dun"

"Bakit naman?"

"Bakit?"

 


"Iha, ilang araw ka ng pabalik balik sa puno ah?"

"M-may hinihintay lang ho"

"Wag ka ng babalik dun"

Hindi mo nalang pinansin

"Iha, huwag ng matigas ang ulo... Walang mabuting idudukot sayo ang puno"

Sumagi sa utak mo lahat ng mga nangyari sa pagitan niyo. Yung saya... Yung pamilya mo... Sa sarili mo.

Hindi mo nalang pinansin

"Hindi mo gugustuhing masaktan"

Naiinis ka na pero pinuno mo nalang ang bibig mo ng pagkain habang hinihintay si Joy na dumating at awatin ang bibig ng lola niya dahil ano mang minuto ngayon baka ang sarili mo na ang hindi mo maawat.

"Hindi pa huli ang lahat... May oras ka pa para lumayo"

"..."

"Habang hindi ka pa nawawala sa katinuan"

"Habang hindi ka pa nagagaya sa kanya"

Pasensya... Bakit kung kailan kailangan mo saka wala?

"Lumayo ka na..."

"Kahit kailan... Hindi kayo sasaya s-"


"Tama na! Pupunta ako sa punong yun whenever I want so STOP! Wag nyo nalang pakialaman ang desisyon ko dahil wala kang alam! Wala ka-"

"Irene... Lola-"

Ibinagsa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta