Etched (14) End of dreams
Stories That Will Make U Fly, Sigh and CryNung nabasa mo yung nakasulat...
Sinabi mo sa sarili mong talo ka na.
Wala na.
Finish na.
Isa... Dalawa... Tatlo...? Di mo na mabilang ilang beses mong binasa yung mga salitang iniukit niya.
Wala ka nang magawa.
Natawa ka pa, bago napatakip ng bibig sa biglang pagsabog ng iyong emosyon.
Tears rolled down followed by muffled cries.
Mahal na mahal mo na nga.
Di naman kasi ganito kasakit kung hindi.
Lalo pa't para sa kasiyahan niya. Willing kang magkapatanga.
Para sa kanya. Para kay Irene.
Kagabi... Magdamag mong hinintay ang sagot niya sa request mo. Isip mo... Baka hindi niya lang nabasa o ano. Kinapa mo ulit ang mga iniukit mo
'KSG asan ka?"
'Seulgi! Nakita ko si Jennie kanina'
'Hindi siya mawala sa isip ko, i really regret that day na di ko manlang nasabi yung feelings ko sa kanya. Gusto kong sabihin pero hindi ko na nahabol. Naduwag akong umamin. Ni hindi niya narinig na mahal ko siya, gusto ko rin siya at may nararamdaman din ako para sa kanya. Ang hirap. Gabi-gabi di ako mapalagay. Gabi-gabi akong dinadalaw ng nakaraan. Gusto kong baguhin. Sa sabado sana puntahan mo kami dun. Pigilan mo siya Seulgi. Make her listen to me. Stop her please. She needs to know na mahal ko siya. I want her to know."
Is it selfishness?
Gusto mo lang lumaya.
Baka matulungan ka niya.
Malubak kasi ang daan. Pero pinananalangin mo na sana mainitindihan niya.
Sasamahan ka pa kaya niya?
Gusto mo lang naman siyang mahalin ng buo.
Gusto mong mahalin siya ng totoo. Di mo na rin alam. Naguguluhan ka man, alam mong mahal mo siya. Kailangan mo lang ng closure.
The end
Fin
Sa chapter nyo ni Jennie.
After all... If you two were meant to be...
Kahit pa sa pinaka magical, supernatural and sobrang out of this world yung pagtatagpo niyo...
Love will lead you back.
Like two halves of one heart
She'll be back.
And you are more than willing to wait.
Para sa kanya. Para kay Seulgi.
I wish time had better timing for you and me.
May 13, 2017
Ilang linggo na halos mula nang hindi ka niya pansinin. Wala ka naman kamong ginawa. Nasasaktan ka na makitang unti-unti na siyang lumalayo sayo...
She called you one time para kumain sa labas. You are more than excited and relieved to say yes in an instant.
Naisip mo... Siguro ito na yung oras para mahalin mo siya pabalik.
"Ako naman"
Bulong mo sa sarili mo habang nakaharap sa salamin.
Kaya nung nadatnan mo siyang hinihintay ka, you gathered all your confidence as you say "Jennie ako naman"
10:20 am
She smiles towards you as soon as makaupo ka... Tinatago ang hiya, ang kaba sa munting mga kamay na mahigpit na nakasara.
"Jen-"
"Rene-"
Laughter escaped... Warming up your heart more that the sunlight na tumatagos sa katabing glass pane.
"Sorry if... We gotten awkward lately"
"Para saan nga yun?"
"I was trying so hard na alisin ka dito" she points at her chest.
"Your curious eyes... Your cute smile... Your charms."
She's always like this.
"P-para saan naman yan"
"Lagi ko namang pinapaalala sayo kung gaano ka kaganda. I always wonder kung ni minsan pinaniwalaan mo man lang ba."
Hindi mo mapigilang mamula. You wonder too kung napapansin niya ba ang epekto niya sayo.
"Here..."
Glass tube vial na may buckwheat flower sa loob.
"Hindi na kita mabibigyan ng flowers pag alis ko"
"J-jen..."
"Irene, mag iingat ka dito ah"
"A-alis ka b-ba?"
"Atleast... Hindi yan mag wi-wilt if ever"
She smiles... A sad one.
Para bang sinunundan ka ng ulap. You left early dahil hindi ka rin naman makatulog. You didn't check the tree... Strangely, ayaw mo itong makita.
Hindi mo mabilang kung ilang beses kang naglabas ng iniipong hangin sa loob... Iniipong tensyon.
Gagawin mo ang lahat para sa kanya...
Paulit-ulit mong pinapaalala sa iyong sarili ang mga salitang ito.
Maingay ang paligid, maraming taong nag hihintay na makatawid... Mga ugong ng sasakyan sa kalsada, nagmamadali, nag-uunahan, paspasan.
Kabilang ka sa kumpol ng tao sa kabilang parte, pero tanaw mo na siya mula sa kabilang dako.
Naka yuko, malamlam ang mata, kumikinang sa sinag ng araw sa balat niya.
Nababakas mo sa mukha niya ang lungkot. Kaya lahat ng hinanakit at pansariling daing ay nabura... Tila misyon mo na sa buhay ang pasayahin siya.
You are in the middle of busy crowd in a busy city, fast walks... People in hurry loud noises around. Pero wala kang ibang makita bukod sa kanya... Wala kang ibang marinig kundi ang tibok ng puso mong nagmamakaawang sana ay marinig niya.
Nakatitig ka lang mula sa kinalalagyan mo. Pinag-iisipan ang dapat na gagawin. Now is a matter of all or nothing.
Comments