For Her (part 17)
Stories That Will Make U Fly, Sigh and CryFuture glimpse*
"Miss na miss na kita alam mo ba yun?"
Hinaplos kong muli ang lapida sa tabi ko.
"Ang daming bituin ngayong gabi... Isa ka ba dyan?"
"Alam kong binabantayan mo kami kahit nandyan ka na."
"Ang daya mo kasi... Iniwan mo ko agad. Sabi ko lumaban ka eh. Sabi ko kumapit ka lang. Siguro oras mo na talaga that time. Habang ako, nandito, buhay at humihinga, pero gustong gusto ng dumating yung oras ko. Nakakatawa no? Naiinip na kasi ako."
Tumunog na ulit ang phone ko, sunod sunod na text ni mama...
"Uwi na daw ako sabi ni mama. Nakakainis. Minsan na nga lang kita madalaw kapag uuwi ako ganito pa."
"Pero wag kang malungkot. Babalik ako pag may time na ulit."
Hinalikan ko na ang bato na may nakaukit na pangalan.
"I love you, sa susunod nalang ha?"
Bumalik na ko sa kotse ko at nagdrive na pauwi.
"Anak kanina ka pa nyan hinihintay! Ang tagal mo namang mag reply!"
"Lahat nalang ma... Lahat nalang"
"Aba'y oh? bakit bawal ba?"
"Mag-uusap lang ho kami ma..."
"Anak go na!"
"Ma naman..."
"Hay bahala ka sa buhay mo"
Ilang beses ding naulit na dumalaw ako sa hospital. Halos apat o limang beses sa isang linggo. Minsan kasama ko si Irene. Minsan hindi. Minsan alam nya. Minsan..... Hindi.
"Hi Krys, kain ka na?"
Hawak ko yung mainit na lugaw at kutsara habang nasa tabi ni Krystal.
"S-seul ay-oko n-nga"
"Hindi pwede... Kailangan mo kumain sabi ni doc. Saka pinapakain ka kagabi ng parents mo, ni isang subo hindi mo tinanggap. Nganga na dali"
Iniwas nya yung bibig nya sa kutsara na inilapit ko.
"Krys... Kailangan mong kumain"
"You c-care for me?"
"Oo naman"
"A-aft-er mo ma-kipagb-break"
Humawak na sya sa tyan nya.
"Wag mo na munang piliting magsalita"
Umiwas siya muli sa isusubo kong pagkain. Sabi ko pa naman ako magpapakain sayo. Lagot ako nito aky General pag lumabas akong hindi pa kumakain ang anak nya.
"Krys..." Nilapag ko muna sa side table ang mangkok at hinawakan ang kamay nya.
"Kailangan mong magpagaling. Kasi... Nag aalala na lahat"
"N-na-g a-alala k-ka?"
"Syempre naman. Kaya nga ako nandito at pinapakain ka. Ayoko nang lumala ka. Sabi ng doktor naggagamot ka kaya kailangan mo talagang kumain. Nurse ka, alam mo yun. Ako na din mag papainom ng gamot mo gusto mo yun?"
Naluluha ang mata niyang tumango.
"Kaya kakain ka... Para mas mapabilis ang pag galing mo, say aaaa"
"S-sana l-la-gi na-lang a-ko m-may sak-it"
"Nanghihina ka pa, wag ka na muna mag salita"
"Pa-ra nan-di-to ka l-lang"
Kahit sino naman... Gagawin din to... Kasalanan ko to e. Naaawa ako sa taong minahal ako ng husto. Ganito ka na Krystal. Sinira kita. Sana mapatawad mo ako.
"Ahhmm ehem... Seul, tumawag si tita"
"Hyun"
"Ako na muna mag papakain sa kanya"
Okay lang ba yun? Tiningnan ko si Krystal na nakahawak sa braso ko.
"Kausapin ko lang si mama"
Bumitiw na sya at lumapit na ako sa may pinto. Hinila naman ako ni Irene para humalik sa labi ko.
Sana hindi nakita ... Sana hindi. Sana
"Labas lang ako saglit"
Lagi silang ganyan pag nagkakaharap harap kaming tatlo. Laging magiging extra touchy and sweet si Irene tapos bigla namang magiging needy si Krystal. Nahuhuli ko din yung minsanan
Comments