For Her (part 18)
Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry"Huy! Gising! Taena Seul! Kang Seulgi!"
Umiikot pa yung paningin ko habang pilit na kinikilala si Joy.
"Tara na, iuuwi na kita"
Pati sikmura ko sumama kaya sinuka ko ng sinuka lahat ng pinasok ko sa sistema ko kagabi... Kanina...
"Tang ina mo Seulgi ano ba tong ginagawa mo sa sarili mo?"
Natawa ako. hindi ko mapigilang tumawa. Sinampal na nya ako.
"Umayos ka pota"
"Ewan"
Hindi ko alam.
"Uuwi na tayo"
Wala akong ideya... Kung bakit ako nandito sa bar, inumaga kaka inom, nagbasag ng mga bote kaya wala ng pamasahe pauwi. Wala na kong matandaan. Pati utak ko nalango na sa alkohol.
"Hahahahahaha seryoso hindi ko alam"
Inaakay na nya ako patayo. Gusto kong tumigil sa pag tawa.
"Seul tara na... Pls... Seulgi"
Tahimik nyang pakiusap
"Teka? Ilang araw na ba ako dito? Hahahahaha"
"Sige na, tayo na, dahan dahan"
Wala ng lakas ang mga binti ko. Nanlalambot din dahil sa manhid ang tuhod ko.
Ramdam ko na hirap na siyang bitbitin ako.
"Ayoko umuwi"
"Pls... Kailangan mo kaya ta-"
"Hindi"
Bumitaw ako sa kanya at nag padala nang tuluyan sa pwersa baibaba.
"Tara na parang awa mo na"
Itinabig ko na ang kamay nya saka lumuhod at pilt tumatayo
"Seulgi kailangan mo ng uwuwi kaya t-"
"Ayoko nga"
"Tang ina!"
Kelangan ko pa ng alak. Gusto ko makalimot. Saglit pa lang ako nag kamalay... Siya nanaman ang naiisip ko.
"Tang ina mo!. Tang ina ng mga ginagawa mo! tang ina niyang mga pinasok mo!"
Maawa ka. Nilalamon ako ng kirot. Nilalamukos ako sa loob. Kahit saglit lang.
"Ano? Nahanap mo ba siya? E sa putang inang bar ka nag lagi? Gago ka ba? Imbes hanapin mo siya. O kausapin mo. O ayusin mo... Eto ka... Naglalasing. Muntik ka pang ipakulong kagabi. Eto ba yun? Eto ba yung Seulgi na gagawin lahat?"
"..."
"Tang ina pano naman kami?"
Lumuhod na din sya at hinawakan ako sa balikat.
"Seul andito kami oh, andito lang kami. Pero bakit mo sinosolo?"
"Joy... Ang sak-it d-dito"
Paulit ulit kong pinupukpok ang kaliwang dibdib ko. Hindi ko na napigilang umiyak. Hindi kaya ng normal kong katinuan ang sakit, ang hinanakit... Lahat ng pag-aalala at takot.
"Joy? Asan na si Se---"
Niyakap na ako ni Joy... Kahit pa nakaluhod kami pareho sa suka. Kahit pa tinataboy na kami ng may ari. Patuloy lang siya sa pag papakalma. Hindi ko kaya.
"Joy ang sakit"
Hinaplos ni Byul ang buhok ko saka pinatahimik yung may-ari.
"Hintayin ko kayo sa kotse ah... Bayad na lahat"
"Shhh. Ayusin mo na muna ang sarili mo"
Nawawala na ako sa katinuan. Wasak pa ako mula ng iwan nya ako. Ngayon na lang ako ulit na buo. Ngayon... Gumuho lang lahat, mas triple pa yung sakit.
Ako na ang rason.
Kung bakit mo ko iniwang muli.
Ako na ang dahilan.
Kung bakit ka napagod at umalis.
Kasalanan ko.
"Hindi ko na kaya"
"Kaya mo, kakayanin mo"
In coming call Krystal...
"Seul?"
"Hmm?"
"A-asan ka?"
"Nasa bahay..."
"Nak? Seulgi? Kain na muna tayo"
Inilayo ko saglit ang cellphone.
"Busog pa ho ako... ma"
"Nak?"
"..."
"Nasa baba lang kami ha... Kung... M-may kailangan ka. Nasa baba lang kami. Palagi. Ha?"
"O-opo"
"Hindi ka pa kumakain?"
"Wala akong gana"
"Baka matulad ka sakin"
Tahimik lang at salitan kami sa pag buntong hininga. Malalim na ang gabi. Hindi na rin muna ako dumalaw... Ayokong makita niya ako na ganito. Paano kopapalakasin ang loob nya sa nalalapit niyang operasyon kung ako mismo lugmok na lugmok.
"Sana nga... Ako nalang ang may sakit"
Di sana hindi nangyari to. Di sana ako pumili ng mga desisyong dala lang ng awa at takot.
"A-ayokong nasasaktan ka S-seul"
"Ayos lang naman ako"
"Bakit hindi ka na dumadalaw?"
"B-busy lang sa school"
"Sabi
Comments