Bukod Tangi (Wakas)

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

a/n: inalikabok na sa files... To all who waited for this... para sa inyo 'to . Cheers!!!

 

 

 

 

 

 

 

Kung bibigyan ka ng langit ng isang hiling…

Ano ang mga salita na iyong bibigkasin?

“Sana…”

Huminga ka ng malalim, dinadama ang kaninang mahapdi mong pisngi.

Gaya ng sinabi ni Wendy sayo pagkatapos ka niyang masampal.

“Sana, hindi ko nalang nalaman.”

And you wished the same for your own.

Only your version was much hopeful, much desperate… much…

This is too much.

 

“Sana… isa lang muna”

“Ate, tahan na…”

“Yakap mo ang iyong mga tuhod. Mahigpit, na para bang natatakot kang iwan ka rin nila kung sakaling magkamali ka ng kapit.

“Ate…”

“Yeri… everything’s a mess” You managed to say sa kabila n sigok at mga hikbi.

Nakatingin ka sa mga mata niya, mga nagtatanong niyang labi at nangungusap na mata yet she never dares ask the same question Joy asked you.

 

Bakit kasi ‘di mo sinabi?

 

You struggled to find fitting word to embody your dilemma. Bakit nahihirapan ka?

Aminin mo na,

Sabihin mo man o ikubli…

Alam mong ilang ulit mo na itong pinag-isipan, pinagplanuhan at sinubukan.

Ilang salita na ba an naulit?

Ilang pangungusap na ang nakaukit?

Matagal mo nang gustong sabihin sa kaibigan mo.

 

Ano ba kasing pumipigil sayo?

 

“Naiintindihan ko” sabi ng kapatid mo kaya napabaling ka. Suminghot pa bago tumingin sa direksyon niya.

And her knowing eyes reflected yours…

As though they carry it on her own.

Na para bang… alam niya all along.

Kaya siguro hindi na niya kailangan magtanong…

Hindi niya na rin kailangan pang sabihin

At hindi mo na kailangan pang sagutin.

Kaya nagpatangay ka nalang sa bugso at alon ng pag-iyak, paghikbi at mga taghoy habang dahan dahan niyang binubudburan ng asin ang sugat.

“Mahal mo na rin si Deulgi”

Yun lang kasi ang kaya mo sa ngayon…

Tumakas…

Humiling…

Tumakas.

 

And you drift to sleep crying on your bed praying…

“sana, hindi nalang nila ako nakilala”

 

Sino bang mas matimbang?

Sino ang mas magaan?

Dahil kahit saglit mo lang nakasama ang isa,

At pinahalagahan ka naman ng sobra nung isa pa,

Sabay parin silang mahuhulog,

Babagsak…

Mawawasak.

You should have listened well when Galileo Galilei warned you that “objects do fall with same acceleration regardless of its mass.”

 

 

 

 

It’s just a matter of who will you catch and who is bound to crash.

 

 

 

 

 

Apples…

You often wondered how apples were almost always involved in every great stories of time.

Mula nung kinagat ‘to nila Eve and Adam...

Maging dahilan para matalo si Atlanta sa pustahan,

Hanggang sa maging rason ito ng digmaang Trojan

At nahulog ‘to sa ulo ni Newton ng hindi niya alam.

 

Apples…

“Wan…” You called her weakly.

“Wendy please, kausapin mo naman ako oh…” saglit ka pang napiyok sa mga sinabi mo. At kung saglit ka lang niyang tinapunan ng tingin dahil sa desperada mong boses, hindi mo nalang inisip pa.

She was cradling basket full of apples habang naghihintay sa tapat ng bahay nila.

Mukhang wrong timing ka pa dahil dadalaw siya sa hospital kung nasaan ang dalawa.

“ayusin naman natin to”

Kung papasampal ka ulit?

Kausapin ka na kaya niya?

Her eyes were everywhere but on you. Ni hindi ka niya tiningnan nung sinabi niyang “Irene… I have to go- “

But you are fast.

You are fast enough para pigilan ang isa pang taong malapit ng mawala sayo.

“Sorry na…”

But your tears are faster as they stained your cheek bago mo pa matapos banggiti ang dalawang salita.

You are holding her right wrist so tight-

So tight you can see her wince.

As if it was your lifeline but you held onto her, nonetheless.

“Sorry na kung naging makasarili ako”

Pinilit niyang tumakas sa mga kamay mo.

Nagtangkang pumiglas.

Ito na yung point na aaminin mo na.

At tatanggapin mo na sa sarili mo…

At hihingi ka ng tawad

For wanting them both

For loving them both

And needing both

Na hihingi ka ng tawad dahil naging duwag ka na mahalin ang isa at palayain naman ang isa pa.

Dahil pagdating sa kanila… naging maramot ka.

Dahil naghangad ka ng bukod sa isa.

Dahil ngayong naiipit ka na, at magiging rason pa ng pagkakasira nila, hindi mo na alam kung paano pa pumili.

O kung may karapatan ka bang pumili.

“Wendy…”

Sa sampal na yun... Natauhan ka kahit paano.

Na you never want their strong bond to end dahil lang sa isang gaya mo.

Hindi isang gaya mo ang dapat mag-mitsa ng away sa kanila.

Kalilimutan mo na...

Para sa kanya. Gaya ng sabi ng kapatid mo...

Para wala ng problema.

Ikaw nalang ang magpaparaya.

Kakayanin mo naman diba?

“W-wendy…”

Kakayanin mong lumimot makita mo lang silang dalawa na parehong masaya.

You called her as she turned her body towards you saka sinambit ang mga salitang “naiintindihan ko.”

At ang malumanay na “huwag ka na umiyak”

Yet you did.

Habang ang iyong ulo ay nasa balikat niya

At yakap yakap mo siya.

You hugged her with a bit of longing and missing.

She hugged you with a silent apology sa pagsampal niya sayo at hindi pagpansin.

Your phone rings…

With Seulgi’s name on it.

She started her statement with…

“S-si D-deulgi…” followed by her muffled cries on the other line.

 

 

 

 

 

 

 

 

2025*

“Nurse Irene!” kaaway niya pa sayo.

You beamed, more to yourself.

Kahit naman kasi pagod ka na o pasuko na, her presence is more than enough to cheer you up.

“hi,” tipid mong bati bago niya kinuha ang mga gamit mo and her hand automatically found its path patungo sa waist mo.

“Tara na?” mahina niyang bulong against sa sensitive mong tenga.

“Si mama mo? Nauna na ba?”

“On the way pa lang siguro siya”

Pinagbukasan ka niya ng pinto at inalalayan pa ang iyong ulo bago iniabot sayo ang gamit.

Pag pasok pa lang niya ng pinto, agad siyang pumikit at ngumuso paharap sayo.

“Ano yan? Ba’t nakapikit?” pinigil mong matawa kahit na parang sasabog ang dibdib mo sa kakyutan ng girlf-

Asawa... Soon to be wife.

Wife… how lucky you are?

“3 pm prayer…nagppray ako tsk…”

“Ilang taon na nga ulit?”

Nagsimula na siyang magmaneho. “today is the 9th year Irene… 9th year.”

Siyam na taon na pala nung nawala siya…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

---------------------

 

You kept praying na sana gumaling na siya. You stayed day and night sa tabi niya magmula ng matapos ang operayon.

Sabi mo pa when she wakes up... Magpapaubaya ka na. Nalaman mo kay Eunbi na kaya lang naman siya lumapit kay Irene the very first day ay dahil gusto nitong maging kayo.

But in the end, nahulog din siya.

Hanggang sa gusto niyang siya nalang ang nasa posisyon mo.

Hanggang sa gusto niyang... Siya nalang.

Kaya kahit huli na, pinilit niyang lumaban. Nag-pasurgery na finally kahit na nuon decided na siyang tahimik nalang na mag-paalam. Irene gave her something to live for. Irene... Breathed life to her again kaya gabi-gabi...

Sa tabi niya, na pinaliligiran ng mga makina...

Paulit-ulit kang nagdasal habang nakahawak sa kamay niya.

Gumising ka lang...

Maging okay ka lang...

We do not need to fight.

Deulgi...

We do not need to choose.

Mahal ko siya...

Mahal rin kita.

Kaya lalayo ako.

Bibigyang daan ang kwento niyo.

Kayo na muna, ayos lang ako.

Maging okay ka lang.

Hindi dahil ginusto ko, kundi dahil ito ang pipiliin ko.

 

Kinwentuhan mo pa siya. Kung paano mo kinantahan si Irene sa harap ng lahat nung CON night. Kung paanong, sabay kayong sumayaw sa mga kantang kayo lang ang nakaririnig. Kung paano niyo hinawakan ang kamay ng isa't-isa. Kung paano mo siya hinalikan habang nakatalikod ang papa niya.

Kung paano siya ngumiti bago siya pumasok sa pinto. Kung paano mo pinagsisihang hindi mo siya nayakap. Kung paano mo dinelete ang number niya pag-uwi mo at paanong...

Sa huling pagkakataon, binulong mo ang pangalan niya at ang salitang "mahal kita..." bago matulog.

Nung gabing yun... Nilubos mo na.

Total... Yun narin naman ang huli.

Kaya alam mong wala ka ng pagsisisihan pa.

Kailimutan mo na...

Hindi mo na aalalahanin.

Para sa kanya. Para sa kapatid mo.

Para wala ng problema.

Ikaw nalang ang magpaparaya.

Kakayanin mo naman diba?

Kakayanin mong lumimot makita mo lang silang dalawa na parehong masaya.

 

Joy called you about what happened sa may AC. How Wendy slapped her friend. Her best friend. Alam mong dahil sa inyo 'to. Alam mong kasalanan mo.

Kaya tinawagan mo si Wendy at saglit na nakausap. Humingi ka ng tawad at pang-unawa sa kung ano mang nangyari. Sabi niya, nagulat lang rin siya.

Sabi niya... Hindi naman daw niya sinasadya. And long after your conversation, a high pitch beep from her monitor made your head turn.

"Deulgi...?"

 

 

 

------------------------------------

 

 

 

“sinong iniisip mo?”

She said while pouting, feigning her sad voice. Para paring bata. Naisipan mo tuloy siyang asarin.

“Syempre si Seu- “

“Seulgi?”

Hindi ka na sumagot

“Kala mo naman…”

Natawa ka bigla sa seryoso niyang mukha. If teasing her is your job, well you are great at it. “na miss ko lang si Doc.”

“kala mo naman pinapansin ka” she showed you her annoying face “nye nye” dumila pa siya.

Red light naman kaya inabot mo yung tagiliran niya saka kinurot “hmp selosa”

“Special day niya ngayon… hayaan mo na ako” you opened your phone after saying that.

You heard her sigh “ako yung nandito…”

Napatingin ka sa kanya…

Hindi ka naman yung tipo na randomly gagawa ng bagay na alam mong makakasama.

Pero yung bigla mo siyang hinila para halikan habang nasa kabahaan ng traffic…

Grabe lang yung tibok ng puso mo

Nakakasama na sa kalusugan.

Pati yung ginagawa niyo sa kotse niya…

Kung hindi lang talaga kayo binusinahan.

 

 

 

 

 

 

 

Napapagod na ang talampakan mong tumakbo pero wala ka ng pakialam.

Hinihingal ka na sa haba ng narating niyo ni Wendy pero hindi mo nalang pinansin.

Si Deulgi…

Yung lagay lang ni Deulgi ang iniisip mo.

Yun ang mahalaga ngayon sayo.

Natanaw mo si Seulgi na umiiyak sa labas ng isang room kaya imbes na bagalan mo ang pagtakbo…

Binilisan mo pa, tinawag mo pa ang pangalan niya saka ka sumalpok sa pagyakap niya.

Si Wendy na nakasunod, sinalubong ni Joy na dumating ng mas maaga. Sabay pumasok ang dalawa habang pinapakalma mo siya sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta