For Her (part 8)
Stories That Will Make U Fly, Sigh and CryPinag-isipan ko naman talaga ng maigi yun eh. Sabi nila kung di ka sure, pag isipan mo ng sampung beses... Mga walo lang ang ginawa ko pero napagod na kong umisip ng dahilan para hindi pumunta at injanin nalang sila. Paano ako pupunta kila Joy kung ang lakas ng pakiramdam ko na ikaw nga yun ha? Irene? Tapos may humalik pa sayo sa pingi. Tapos yung dapat laman ng puso't isip ko ngayon sinabing gusto na nya ako i-date? Anong bang gagawin ko? Magpanggap na di ako nasaktan nuon? Sa dami ng rason kung bakit ako dapat pumunta, isa lang... Isa lang nag hohold back sakin.
Nasasaktan padin ako
Psh... Umaacting na yung mga characters sa utak ko actually. Yung kukumprontahin kita, last choice ko yung iyakan ka at mag makaawa.
Saan?
Sa explanation mo...
Oo dun lang...
Pramis
Cross my heart
Pero wala eh, huli na lahat. Nagsusuka na si Byul pag dating ko, at lintek lang talaga kase pati shirt ko napagdiskitahan ni shunga.
Ugh! hope to die.
Nakwento naman ni Joy kung ano meron sa kanila ni Miss Sol.
"Like mehhhn? She wants to break...? The relationship?? They never had??? Bulliest ever"
Tatawa sana ako sa pag english ni Joy dala ng kalasingan kaya lang... Naawa ako sa isa. Wala silang label... Masaya naman sila... Mahal naman na nila ang isat-isa... Tapos biglang drop. Woah I felt that. Sobrang pamilyar na feeling ko bumalik ako sa oras.
Malapit ko na mahabol yung state nila byul sa pag aasam na makalimot sa kung ano-anong mga naiisip ko ngayong gabi.
Saka ka naman dumating.
Lulan ng isang kotseng umalis din agad pag tapos mong kumaway at pumasok.
Lasing ako...
Pero alam kong ikaw yan. This time alam kong sa dami ng Irene sa mundo... Ikaw yan
Yung paghinto mo pag pasok mo palang, yung tayo mo, yung mga mata mong kumikislap at lito, yung bahagya mong ngiti kay Joy.
Ikaw nga yung babaeng mahal ko,
nuon.
Nagulat ka pa sa kalat namin bago nag tuloy-tuloy sa kwarto mo sa itaas.
"J-woy, i-ilang beshes na ba kong nakapunt-hik-a dit-o?"
Nakakapit sya sa leeg ng bote at yung baba nya naman ay nakapatong dito. Itinaas nya yung apat nyang daliri at nakapikit na sumagot
"Five"
Wala na ko sa tamang pag-iisip nung tinapos ko yung dalawa pang bote habang
Comments