For Her (part 7)
Stories That Will Make U Fly, Sigh and CryHindi sya yun, lasing ka lang, maraming Irene sa mundo. Nangingiti na nga lang ako kakapaulit-ulit ng mga salitang yan tuwing naririnig ko yung pangalan mong tumatak na sakin. Sabi ni Joy nung gabing yun tiyahin mo ang nag papa-upa at pansamantala ka lang ditong tumira dahil malapit sa pinapasukan mong part-time job.
Hindi ikaw yun, lasing lang ako, maraming Irene sa mundo. Hanggang sa nakatulog ako sa sofa sa sala dahil di ko na kayang maglakad pa papuntang kwarto. Nagising akong may kumot sa katawan, amoy alak at parang binibiyak ang ulo kinaumagahan.
Gusto ko sanang kumbinsihin ang sarili kong muli sa mga pangungusap na yan, hindi ko maiwasang hindi mag-isip na ikaw yung Irene na tinutukoy ni Joy. Naamoy kita sa hoodie, gaya ng amoy ng panyo mo, yung amoy na sayo ko lang nalanghap.
Nababaliw na nga ata ako. Wala pang lunch pero nag mamadali na kong lumabas ng campus para i-check kung nasa resto ka na. Out of my mind... indeed, kasi pag labas ko palang ng gate para nanaman akong nakikipag karera sa mga kabayo.
Maliliit ang hakbang na patingin tingin sa malalaking salamin kung saan tanaw ang looban ng kainan. Hinahanap ka ng mga mata kong lalong nagiging singkit sa pag babakasakaling makikita ka nito.
"Lookin' for someone?"
Nalaglag ata yung puso ko sa gulat na literal na napahawak ako sa dibdib para icheck kung nasa loob pa ba ito.
"Ooohhh para kang nakakita ng multo"
Magandang multo. Maganda, pero ayokong makita sa oras na to.
"K-kry-s-stal?"
"I was waiting for you kanina sa baba ng building nyo and I saw you walking so fast, para kang may hinahabol."
napa oo nga pala ako sa lunch na treat nya. Bat kasi natatanga ka pag mga magaganda kausap mo Kang? Aish!
"I called your name repeatedly pero you never heard any of it kaya i followed you nalang here"
Ayan na nag pout na
"You agreed na sabay tayo mag lulunch"
Hala ka
"H-"
Ready na ko mag palusot eh, kung hindi ka lang nahagip ng peripheral vision ko na palabas ng kotse ng isang binatang pinag buksan ka pa ng pinto.
Nakikita kita kahit may kalayuan sa pwesto namin yung pinag parkingan nyo.
Nakikita kita, nung natawa ka sa pag bow sayo nung lalaki na kung itrato ka ay parang prinsesa.
Nakita ko din nung hinalikan ka nya sa pisngi at gumanti ka ng ngiti saka ka nag paalam.
How to unsee?
Sana,
Kahit ngayon lang...
Mapaniwala ko yung sarili kong muli sa mga pangungusap na...
Hindi ikaw yun.
Comments