Hello

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

Tuwing makakakita ako ng libro...

Naaalala kita. 

Your creased forehead and focused eyes. Tatawanan pa kita minsan dahil palagi mong inaamoy ang kahit na anong libro na mahawakan mo. Bago man o luma.

Sabi mo pa each book has its own distinct scent.

Dahil sa libro mo na natapunan ko ng inumin ng di sadya kaya tayo nagkakilala. Kaya ilang ulit akong nag sorry sayo. Kaya sabi mo sayang pero okay lang. Medyo luma naman na kasi yun. Hiningi ko pa agad yung number mo kasi nangako akong ibibili kita ng bago. Sabi mo lang, di bale na.

Ginawa ko lahat para makahanap nun. Tinawagan pa kita para ibigay sayo. Natuwa ka naman dahil sa effort ko. Though hindi ko mapapalitan yung sentimental value nung libro na unang naging sayo... Nagkaroon naman ng bagong value yung librong yun since dahil dun kaya tayo naging mag kaibigan.

Naging sobrang close at...

Sino bang hindi mahuhulog sayo?

Nginitian lang ako ng guard sa bookstore na palagi natin noong pinupuntahan. Ibabalik ko na kasi ang mga hiniram ko last week.

Naaalala kita kahit saan.

Hawak kamay tayong maghahanap ng gusto nating basahin. Konting lambingan sa mga sulok at saka tayo lalabas para bumili ng inumin sa malapit na café.

Sabi nila... Lahat ng kwento may simula at wakas.

Kailan nga ba yun? 3 years and...

Ah! 4 months...

Yan yung simula nung sa atin. Nung nakilala kita. Hanggang sa minahal kita at nagtapat sayo. Ganun din naman ang nararamdaman mo kaya hindi ka manlang nag oo sa tanong ko, hinalikan mo na ako agad saka binuklat yung mga bagong libro na regalo ko sayo.

8 months ago...

8 months and 4 days.

8 months, 4 days and... 7 hrs.

Yan naman yung naging wakas sa kwento nating dalawa.

Napatingin ako sa gilid ng isa sa mga shelf nila.

Andun parin yung mantsa ng ballpen mo.

Pati na yung isang libro na pareho nating nagustuhan kaya inilagay natin sa pinaka taas sa dulong part.

Sabi mo pa, ibebreak mo ako kapag may nakahanap nun.

Natawa ako bigla.

Ang childish mo din minsan and I never found it annoying dahil ang cute cute mo tuwing naka pout at nakapamewang ka pa kunyari.

Tinago ko ng maayos yung libro na yun... Hanggang ngayon nga, andun parin siya sa pinaglagyan ko.

Wala namang nakahanap, nanghiram o nakabasa siguro.

Pero bakit mo ako binreak?

Nagbuntong hininga nalang ako saka kinuha yun.

Si Wendy parin ang bantay, masungit parin... Nakasalamin at ayaw sa maingay. Nakangiti ako sa kanya pagpunta ko sa counter.

Saglit lang din siyang ngumiti para kunin ang mga nahiram ko. Binigay ko naman yung luma nating libro para hiramin.

Tiningnan niya ako ng makahulugan.

"Ilang beses mo na bang nabasa to? Balak mo bang kabisaduhin to?"

Tanong niya.

Ngumiti lang ako. Mas tipid, may lungkot at hindi manlang umabot sa aking mata.

"Hay bahala ka" sabi niya saka ito inabot at nagpapirma sa akin.

Lumabas ako bitbit ang libro. Ngumiti muli sa guard at napahinto sa tapat mismo ng bookstore.

Maaraw ngayon.

You love sunny days. 

Tiningnan ko ang kanang kamay ko.

Hindi ko na hawak ang kamay mo. 

Wala na akong mahihiling pa... Sa lawak ng ngiti mo, sa magandang panahon na meron tayo, sa maganda mong mukha, sa inumin na inorder ko pero ikaw ang uubos. 

You love me too...

Sabi mo sa akin libro lang ang may ending.

Sabi mo... 

"Oh? Seul! Late ka na!"

If forever exist... It'll be your pleasure to spend it with me. 

"sorry... Nanghiram pa ako ng libro"

Ngumiti ako kay Joy. 

Sabi na eh. Dapat di ako naniwala. Isa kang scam. Malaking joke. Isang panaginip. Too good to be true. 

"Magpalit ka na" 

Nagthumbs-up ako saka pumasok sa loob. Another day... 

To forget you. 

 

 

 

 

 

Ang dami ko ng scenes and script sa utak ko kung sakali mang magkikita tayo. 

Merong yayakapin kita ng mahigpit at magmamakaawang balikan mo ako. 

Tuwing namimiss kita at nalulungkot ako sa nangyari sa ating dalawa. 

Merong ngingitian kita ng maluwang na kapag lumapit ka ay sasampalin kita para sa pananakit mo sa akin. 

Para sa biglaan mong pag-iwan sa akin. 

Para sa...

Puso ko.

Tuwing bwisit na bwisit ako sayo at sa mga alaala na meron tayo na hindi ko matanggal sa utak ko.

Paano pag may iba ka na? Syempre another story yun pero sana lang kapag ganun... Meron na din akong iba.

Para hindi na masakit.

Para hindi mo isiping mahal parin kita.

"Every week mo bang babasahin yan?"

Tanong ni Joy.

May isang maliit na patak ng kape sa counter at instead punasan yun ay pinaglaruan ko pa ito.

"ibang libro binasa ko last week noh"

Umismid siya saka "puro romance...tsk. Kahit ilang ulit mong basahin yan..."

Inilapag niya ang tasa sa tray at minustra na ibigay ko sa customer.

"...ganun parin ang ending Seul. Di magbabago yun"

Dalawang binata yung umorder nito? Bakit tatlo yung order?

"Sir... 2 black coffee? Saka... Strawberry milk shake"

"Ahh yung shake para dun" 

Sinundan ko ng mata ko ang kanyang daliri. 

Isang babaeng naka specs at nagbabasa sa ilang libro. Nag susulat din sa papel na para bang mas importante pa ito kaysa ang ayusin ang kanyang buhok. 

Lumunok ako. 

I nod to them saka muling inilagay ang strawberry milk shake sa tray. Nag lakad ako palapit sa babae.

She's wearing a white coat. Basa pa ang buhok at mukhang nagulo lang habang nagmamadali siyang makapunta rito. Naka uniform siya underneath. 

Nagkalat ang highlighters at ballpen sa kanyang mesa. Makakapal na libro about med and chem ang nakabuklat kasama ng dalawa niyang notebook. 

I can see her impatience sa mabilis but subtle na pag shake niya ng kanyang isang paa habang naka cross ang kanyang legs. 

I can hear the noises she's making habang tinatap amg ballpen niya sa mesa as if any moment she'll loose her mind sa sobrang lalim ng iniisip niya. 

Her forehead filled with creases and wide eye gazes sa papel. 

Her eyes with visible dark circles begging- no, screaming for some sleep. 

I step closer.

She's humming a song.

A song?

"Ma'am... Strawberry milk shake" I placed the drink sa maliit na space na nakita ko sa nakakalat niyang gamit. 

"I didn't order that... Sorry?" nakatulala parin siya while saying this

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta