Unang Iyak

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Sabihin mo nga sa akin Sarah G? Normal bang ganito ako makareact sa edad ko?

Hindi ko alam kung bakit inggit na inggit ako kay kuya echosero! 


At dahil sa sobrang inggit ko sa kanya napaiyak ako huhuhu.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Nakakahiya! Sa harapan pa talaga ni Wendy ako nag iiyak.

Bakit ba kasi ganito?

 Bakit ko ba iniyakan si Ate Irene?

Naalala ko pa yung mga iniyakan ko dati. Umiiyak ako kapag sobra na akong asarin ni Kuya. Kapag inuubos nya yung mga chocolates ko sa rep. Kapag pinapalo ako ni mama. Kapag matagal syang wala  sa bahay at hindi nya ako sinasama sa mga lakad nya. Naalala ko din nung nakalimutan nya ako bilhan ng Pringles. Sabi nya hindi nya daw ako isasama ang kapalit nun bibilhan nya ako ng paborito kong Pringles. Yung original. Pag uwi nya wala syang dala. Grabe lang yung pagngawa ko nun. Grade 2 siguro ako that time. Sa sobrang ngawa ko, nakatulog ako.
 Paggising ko may Pringles na sa lamesa!

Hindi kaya ano ako ano nga ba yun?

Overreacting!

Sabi ni Ate Sophia OA daw ang tawag sa taong grabe makareact sa isang bagay.

OA ba ako Sarah G.?

Ganito kasi nangyari kanina.

Inutusan kami ni Maam kumuha ng mga snacks namin sa canteen. Kasama ko si Byul. Aangal pa sana ako kaya lang baka pagalitan ako. Wala akong choice kung hindi sumunod at isama si Byul.

Habang naglalakad papunta doon panay daldal ni Byul! Kinukulit nya akong isama sya sa bahay namin. Pinipilit nya pa akong payagan sya na pumunta dito sa Sabado. Titingnan nya daw rep namin.

Seryoso?

Ano bang problema ni Byul sa mga rep?

 Atsaka hinding hindi ko sya isasama sa bahay no! Alam ko naman talaga pakay nya doon.Baka ubusin nya yung mga prutas. 
Eto pa bukod sa naiinis ako dahil pasaway sya, amoy maasim pa sya minsan. Tulad ngayon, iba yung amoy nya paano kasi ang likot likot. Hindi mapirme sa room! Kung saan saan nagsusuot.

 Kaya in her dreams!. 

Hindi ko sya dadalhin dito!

Pagdating namin sa canteen, may iilang estudyante na ang nakapila.  May mga dala silang basket.

Bakit kami wala?

"Byul wala bang pinadala si Maam na basket?" bulong ko sa kanya na ngayon ay nakatingin sa mga junkfoods!

"Wala eh hala oo nga no bakit tayo walang basket?" sabi nya habang busy pa din magtitingin sa mga chichirya.

"Hingi ka kay ate dali na" utos ko sa kanya. Tinuro ko yung ate doon sa may counter.

"Ikaw nalang Seul nahihiya ako" tanggi nya.

Gusto ko syang suntukin! Nahihiya daw sya pero kung makipaghamunan ng suntukan hindi?

 Nagtitimpi lang ako sayo Moonbyul!

Padabog ko syang iniwan.

 Lumapit na ako kay Ate.

Sa totoo lang hindi din ako marunong mag approach. Nasa gilid lang ako habang nakatingin sa kanya.

Paano ba humingi ng basket? Anong sasabihin ko?
Dapat kasi si Byul ang nandito eh! Sya kaya yung madaldal sa aming dalawa!

Napansin ata ako ni ate Canteen. Magkasalubong ang kilay nya na nakatingin sa akin.

"Anong sayo? Bat ka nandyan? Pumila ka ng maayos" masungit na sambit nya. Natakot ako bigla Sarah G. Hindi kasi ako sanay na pinapagalitan ng ibang tao.

"A-ano po ate b-basket po?" nauutal na sagot ko. Mukha siguro akong kaawa awa doon. Feeling ko ang liit liit ko kay Ate Canteen!

"Abay bakit mo sa akin hinahanap ang basket nyo? Hindi ba pinadala ng teacher nyo?" medyo lumalakas na yung boses nya. Gusto ko nang tumakbo palayo dito. Pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng nakapila. 

"Ate wag nyo naman pong pagalitan yung bata" napaangat ang tingin ko sa taong nagsalita.

Matangkad na babae.

Maganda

Maamo yung mukha nya parang si Ate Irene. Yumuko sya para kausapin ako. 

"Eto baby gamitin mo nalang to" nilagay nya sa kamay ko yung basket. Hinarap nya ulit si Ate Canteen. "Asikasuhin nyo na po sya" utos nya dito.

Pero naalala ko na kay Byul nga pala yung listahan ng mga snacks!

"Ahm ano po nasa kasama ko pa po yung listahan. Kukunin ko lang po. Salamat ate ha" nakangiti akong nagpaalam kay Ate Tangkad.

Mabuti nalang talaga nandun sya.

Habang papunta ako kung saan ko iniwan si Byul, napansin kong may dalawang taong pumasok.

Si Ate Irene at si Kuya Echosero. Na naman.

 Nakangiti sila sa isat isa.

Sa sobrang pagkakangiti nila hindi nila ako napansin.

Hindi ako napansin ni Ate Irene.

Nilampasan nya lang ako.

Hindi nya ba ako nakita?

"Ang corny ng jokes mo pero benta hahaha" rinig kong sabi nya sa kasama.

"Bibilhin mo ba? Ibebenta ko"....

Hindi ko na narinig pa yung pinag uusapan nila dahil nakalayo na sila.

Bakit ganun?

Galit ba sya kasi hindi ko sya pinansin kahapon nung tinawag nya ako?

Apat na pares na estudyante ang pagitan namin nina Ate Irene. Kitang kita ko kung paano sila mag asaran. Hanggang sa lumabas na sila.

Hindi nya talaga ako pinansin.

Siguro nga wala talaga syang paki sa akin no?

Si Wendy na ang lumapit sa upuan ko nung recess na. Ako kasi yung pumupunta sa row niya dati. Siguro nagtaka sya nung hindi ako umaalis sa upuan ko. Hindi ko na maubos yung kinakain kong burger.

Iniisip ko pa rin yung kanina.

"Huyy Seulgi bakit malungkot ikaw?" tanong ni Wendy. Inusog nya papalapit sa akin yung upuan sa gilid ko.

"Wala" walang ganang sagot ko. Nakayuko ako. Hindi ko sya tinitingnan. Baka kasi umiyak ako.

"Eh bakit hindi mo maubos yung paborito mong burger? May sakit ka ba? Okay ka lang?" pinatong nya ang palad nya sa noo ko.

"Wala 'to Wan" maikling sagot ko ulit. Hindi ko na kaya!

"Uyyy share ka naman dyan parang hin-

Hindi nya na natapos yung sasabihin nya nang bigla akong umiyak. Ganun kasi ako kapag may nagtanong kung okay lang ako bigla nalang parang may something na bumubukol sa lalamunan ko. Napapaiyak ako.

"Huhuhu si *sniff" ano k-kasi huhuhuhu" hindi ako makapagsalita sa sobrang iyak ko! Hindi naman ako ngumawa. Sakto lang.

"Lagot ka Wendy pinaiyak mo si Seulgi!" narinig ko ang mapang asar na boses ni Elton John. 

"Hoy hindi ha. Nagtanong lang kaya ako. Huy Seulgi bakit ka umiiyak? Sinong umaway sayo?" nag aalalang tanong ni Wendy. Hinahago

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
38 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi