Ika-anim na Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Tara na, lunch…” Ibinaba ko ang hawak kong paint brush at nag-stretch. Kanina pa tunog nang tunog ang tiyan ko, halos mag-1 pm na rin.

 

“Hintayin natin si Ate Rina.” Napasimangot ako. Oo nga pala, sasabay raw siya sa’min. Nakakapagtaka na hindi siya umalis sa stage kahit may mga kasamahan sila na umalis para sa classes nila. Free sched niya ba--Teka, ba’t ko ba iniisip? It’s none of my concern!

 

Napailing na lang ako sa thought at tiningnan siya--silang mag-practice sa stage. Natutuwa lang ako kasi sobrang synchronized ng galaw nila. Halatang-halata mo na pro na talaga sila pagdating sa pagsasayaw ng iba’t ibang genre.

 

“Galing niya ‘no?” Wala sa loob akong napatango habang nanonood.

 

“Ikaw ha? Wala akong sinabing pangalan... “ Hinampas ko agad si Ryujin sa sinabi niyang iyon.

 

“Manahimik ka muna please… ang sakit na ng tiyan ko, hindi pa ba sila tapos?” Feeling ko mauubos ang allowance ko today sa gutom na ‘to.

 

“Konti na lang, nagsasabi na lang ng instructions ‘yung President nila oh…” Ilang saglit pa nga ay bumaba na sa stage ang members ng Culto college, isa na dun si ate na naka-white scrubs.

 

“Tara na?”

 

“Gutom na si Winter, ate… tara na. Sa’n ba tayo kakain?” Tahimik lang ako habang naglalakad kami palabas ng gym. Sa gitna na naman nila ako naka-pwesto.

 

Hindi ko alam kung anong klase ng pag-uusap ba ang ginagawa nila at nakarating na sila sa pag-didiscuss ng P.E subject namin. Ang bilis ng takbo ng topic nila, nahiya ang introverted self ko.

 

“McDo?” Nagtatanungan na sila kung saan maganda kumain.

 

“Wala tayong gate pass, hindi tayo pwedeng lumabas…” Sabi ko kay Ryujin. Nilabas naman niya ang dalawang maliit na papel sa bulsa niya. May pirma na ni Ma’am Ramos, pati ng Principal iyon pati name namin.

 

“Si ate Rina kasama natin ngayong lunch so siyempre sa labas tayo kakain, kaya nagpapirma na ako kanina pa Recess time para diretso labas na tayo ngayon.” Nakangisi niyang sabi. Pagdating talaga sa mga ganitong trip ang bilis magplano ni Ryujin pero nung tinanong ko kung saan kami pupunta last time na nag-spontaneous laboy kami, walang nasabi.

 

“Basta pagkain ‘no?” Tanong ko, tumango naman siya.

 

Pumunta kami sa parking area at inilabas ni ate na naka-white scrubs ang susi niya. Ay wow, naka-car.

 

Isang black na Raptor ang sasakyan niya. Sabi ko na nga ba, rich kid ‘to.

 

“Nagpalit ka na pala ng sasakyan, ate?” Oh? Wow naman, iba talaga ‘pag mayaman.

 

“Hmm? Hindi, ‘yung car na dina-drive ko dati sa Dad ko ‘yun. Pero ayaw na niya ako pahiramin so ito… new car, regalo niya nung 19th birthday ko.” Sumakay si Ryujin sa back seat, tatabi na sana ako sa kaniya pero biglang nagsalita si ate na naka-white scrubs.

 

“‘Wag niyo naman ako gawing driver… too pretty to be one.” Sabi niya pa sabay flip hair. Ang hangin talaga!

 

“Winter, sa shotgun seat ka.” Bumuntong-hininga pa ako bago sumakay.

 

Tahimik lang naman ako sa sasakyan habang nag-uusap silang dalawa. Feel na feel ko pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
138 streak #1
reread~ 🥹
aerichandesuu
#2
Chapter 2: atay ka
yuji954 #3
Chapter 53: "A reason to wake up, and an assurance before I sleep" and "I was her shot of reality and she was a dream that has come to life" grabe na ba me wHEN ?!
evanesce_28
#4
Chapter 40: tapos ang laban unang nagsabi ng i love you si Benjamino hahaha
evanesce_28
#5
Chapter 31: Gagi!!!! Sana all my lagi jusq nakakainggit naman HAHAHA
readeronlysad #6
Chapter 31: KAYO NA MAY LAGI
readeronlysad #7
Chapter 26: tamis
readeronlysad #8
Chapter 20: shutaness
readeronlysad #9
Chapter 14: great circle
Blueyy #10
Chapter 2: Hala ka na liked yung bikini post ni ateng naka white scrubs 😆😱