Ika-labing isang Silip
Himala, Mahal na yata kita!‘Yung ulan na akala ko ay titigil din kanina, hindi nangyari. Halos isang oras na kaming stuck sa traffic dahil sa aksidenteng nangyari. Masyado raw madulas ang daan kaya may nagkabanggaan. Hindi naman tumatawag ang parents ko pero nag-send na ako ng message na baka gabihin nga ako ng uwi.
Wala naman sinabi si mama maliban sa tumawag daw ako or mag-text if malapit na ako kasi baka sarado ang gate.
At isa pa, Sobrang lamig! Jusko lang! Pinaglihi yata sa yelo ‘tong si ate na naka-white scrubs kasi nakasagad pa rin ang aircon ng sasakyan niya kahit na may fog na ‘yung salamin.
Feeling ko konti pa ay maninigas na ako sa lamig dito sa loob.
“Here…” Ipinatong niya lang ang isang jacket sa lap ko.
“Sorry, mas sanay kasi ako sa malamig but I’ll turn it down for you…” Hindi na ako nagsalita at isinuot ang jacket na ibinigay niya sa’kin. Ang bango, amoy mamahalin talaga--tanong ko kaya anong fabcon nila?
“Dinner kaya muna tayo?” Tumingin ako sa kaniya at sa tinitingnan niya. May pwede kaming likuan para mag-drive thru sa McDo para hindi na kami bumaba sa sasakyan.
“Okay…” Hinayaan ko siya pati sa pag-order pero sa pagbabayad, hindi ‘no?! Siya na nag-provide ng lunch ko, siya pa rin ba pati dinner?!
“Bayad ko…” Iniabot ko sa kaniya ang two hundred pesos pero umiling siya at ngumiti.
“It’s fine, my treat…” Hay naku! Ate na naka-white scrubs ha, hindi naman tayo friends--
“We can be friends if you want to naman, baby girl.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. I did not say it out loud, didn’t I…?
Tumawa lang siya at iniabot sa akin ang pagkain--teka, paano siya kakain?
“Paano ka?” Tanong ko na lang. Actually… okay naman sa’kin na friends kami basta ba ‘wag niya akong kinukulit. Tama na ‘yung ‘pag nagkakasalubong lang kami saka niya ‘ko babatiin.
“Subuan mo ako.” Sinimangutan ko siya at tumango kahit labag sa loob ko. Binuksan ko ‘yung dalawang box ng pagkain pero natigilan ako after ko mapansin na iisang pair lang pala ng disposable spoon and fork ang meron.
“Hindi naman ako maarte, you can use the ones you have to feed me.” Biglang sabi niya. Medyo umuusad na ang traffic pero parang pagong lang, sobrang bagal!
Hindi rin naman ako maarte, pero hello? Si Mama lang nakaka-share ko sa spoon at fork ko.
“Malinis naman ako if you’re wondering. I brush my teeth at least two times a day and may baon akong Listerine sa bag.” Hindi ako nagsalita at pinaghalo na lang ang rice namin, mas madali ‘to kesa magkahiwalay pa. Inilagay ko ang bag ko sa sahig ng sasakyan para ipatong ang pagkain sa lap ko.
“Give me your bag, sa likod natin ilagay.” Masunurin naman ako so ibinigay ko na lang sa kaniya.
Walang nagsalita sa amin as soon as mag-start kaming kumain, lumuwag na rin ang daan so medyo mabilis na ang byahe though mabagal lang ang pagda-drive ni ate na naka-white scrubs dahil madulas ang kalsada. Sinusubuan ko siya habang nagmamaneho.
“Dito ba ako liliko?” Tiningnan ko muna ang daan bago tumango. Bago pa makapasok sa entranc
Comments