Bukod Tangi (part 6)

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Yeri... I'll go there" pumara ka na ng sasakyan at nagmamadaling sumakay. 

"ate I'll send it later" sagot ng kausap mo cellphone sa gitna ng maingay na paligid.

"I need it now!" usal mo.

"ma'am saan tayo?" 

"teka lang kuya" 

Gulong-gulo na ang utak mo... Hindi lang naman ang mga nagbabsa nito ang nahihirapan. 

Ikaw rin...

Naguguluhan ka na din. 

Nag lakas loob ka na lang din namang pumunta para iconfirm kung totoo lahat ng hinala mo and once and for all maliwanagan ka at the same time. 

Sino ba ang taong kaharap mo?

Sino ang minahal mo?

Sino siya?

Ba-bakit...

 

 

"sino sila?" a woman in her 40's in her uniform asked you after mong pindutin nang ilang ulit ang doorbell.

"si Seu-"

"Yes?" tapos sumulpot ang isa pang babae na alam mong pinanggalingan ng singkit niyang mga mata.

"You are... Irene... Right?" natulala ka. Biglang sumapi sayo ang kahihiyan na kanina lang ay di mo alintana.

 

 

 

 


She offered you something to ease your thirst. 

She offered answers to your wondering mind. 

"so you noticed it late?"

She asked you habang natatawa sa paliwanag mo.

"all this time..." bulong mo.


All this time nagmukha kang tanga. 


All this time nanghuhula ka.


All this time akala mo ikaw ang desperada.


All this time... 


"I'm sure... May decent reason kung bakit. I know... Kilala ko sila." sinundan mo ang tingin ng babae at dun naaninag mo ang isang kwarto. 

"are they valid enough?" 

"that's for you to decide. Parating na sila... Go ask them." she took your mug at saglit na tumalikod para magligpit.

"besides... Hindi ko sila pinalaki para manloko at manakit."

"Ma?" a familiar voice echoed

all over your head. 

All over the place.

It made other's action to stop

And made your heart skip some of its beat.

 

 

 

 


Your mouth agape as you...

 

You subconciously hold your breath...

 

Right in front of your eyes you saw...

 

The person you were with an hour ago


And


"Irene?" 

And another version of her sa ibang kasuotan na nakasunod sa likod niya at maingat na nagsara ng pinto. 

Two Seulgi in one room. 

Can you ask for more?

One of them says "" through a palm covering . 

"Kang... Seulgi?"

Nagtinginan pa ang dalawa at saka nahihiyang lumapit ang isa. 

"iwan ko muna kayo, m-may aasikasuhin pa ako"

Says the one with faded bruises sa pisngi. 

"i-ikaw yung kasama ko kanina?" tanong mo sa naiwan. Halata sa suot niya kaya para siyang batang nahuli sa kalokohan. 

"You're 24 mins late anak... San pa kayo galing ha?"

"n-nag ikot lang po muna bago umuwi"

She suddenly appeared again dragging her mom by her arm... Na parang sinasabing hayaan lang muna kayong mag-usap dalawa. 

Amazed ka parin kaya tulala ka lang na pinagmamasdan sila.

"h-hey" she called your attention.

"I don't get it" nakatayo siya sa harap mo. Hands shaky with a guilty voice.

"I'll... I'm really sorry" sabi niya sayo. Sincere at totoo. Hindi mo lang mahanap sa puso mo ngayon ang salitang it's okay.

"Seulgi?" she shut her eyes tight saka humugot ng malalim na hininga.

"Deulgi... Kang Deulgi" 

 

 

 

 

"Identical twins..." 

identical ulit mo sa isip mo. 

"magkaklase kami niyan nung elem... Tapos I was sick kaya naging home-schooled" 

"sick..." para kang sirang plaka.

Busy ang dalawa sa kusina. Ang isa naghahanda ng pagkain dahil hindi pa siya nag dinner at ang isa naman taimtim na nagpapaliwanag sa harap mo. 

"kahit naman kambal kami... Marami kaming pinagkaiba" nakatitig ka lang sa likod ng isa na nagluluto. 

"like... I'm younger" pinutol niya ang tingin mo sa isa kaya ngayon, magkaharap na kayo. Naupo siya sa tapat mo at maiigi kang tinitigan.

"yeah... 57 seconds younger" sabat nung naka apron. 

"I'm cool and she's not" biro niya sa isa. 

"yeah... Yeah..."

"you can tell a lot Irene since pareho mo na kaming nakasama" nagliwanag ang mata niya. Naubo naman ang isa. 

You squint your eyes and dive inside your head trying to figure out some...

"You like sports and she's... Uhhh"

"yes! I'm into sports and she's into creative stuff" napatango ka nalang along with the realization kung bakit minsan sa practice games hindi siya makapuntos pero kapag laban na, halimaw sa dos at pointguard pa ng team. Kung bakit pro siya minsan sa pictures and camera pero kanina puro blurred and shots and just said na aesthetic daw ito. 

"sino yung tutee ko sa chem?" you suddenly ask out of nowhere.

"ako" Deulgi answered right away.

"Sino yung kasama sa party ng Knights?" 

"ako" Seulgi answered as she placed plates for 3 at muling tumalikod.

Parang may bumbilya na umilaw sa ibabaw ng utak mo dahil kahit paano... Naliliwanagan ka na 

why oh why.


Which is which


Who is who.

"You two are... exact opposite" tanging nasabi mo nalang. 

"She enrolled sa university without me... B-bawal pa kasi ako." you are in the middle of your thoughts and somewhere lost sa bango ng inihandang pagkain ni Seulgi. 

"Don't get us wrong... Magaling naman talaga tong si Seul sa school may times lang na..." kaya pala minsan matalino at sobrang independent niya... Masipag at minsan naman-


Wait...

Isa kang magaling na pahirap sa buhay niya all this time.

Nagtama ang tingin nyo sa isa't-isa as if pareho kayo ng iniisip. Nagbawi ka nalang ng tingin at muling ibinaling ang atensyon kay Deulgi.

"gusto kong lumabas at you know... Makisalamuha. So minsan ako yung pumapasok sa school just to... Play or para lang makipagsocialize" 

"she's the reason why I failed some subjects even kumpleto ako sa requirements" sagot ni Seulgi bago uminom. 

"I didn't take the exam talaga since nakatulog ako sa clinic pero wow... I should be thankful"

Playful niyang sabi.

"because if I did passed the subject, hindi sana niya ako itututor sa coffee shop malapit sa bahay nila" she grinned. 

Cute.

"binigay ko sayo yung card?" tanong mo with much anticipation sa tono. 

"sa akin" Seulgi said while munching her food. 

So...

Here's the flirty cutie one. 

And she's the plain and shy one. 

"Tapos she gave it to me... So ayun. Nung nalasing ka hindi niya alam san ka dadalhin."

So she's on the other line habang nagpapanic yung isa sa tawag. That also explains why dalawa ang Seulgi sa kotse na akala mo dala lang ng labis na kalasingan at mga nararamdaman mo sa kanya.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta