Etched (part 3)

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter


Anong nangyari?

Nung nakaraan g na g ka makipag-ayos kay Wendy diba? Real friend. A friend... That actually exist, sabi mo pa.

Bakit ngayon ni hindi mo na matingnan?

Kaya pala nilayuan ka. Alam na ata niyang lalayuan mo rin siya pag nalaman mo ang feelings niya. 

Ikaw kase. Pinush mo pa. Ayan... Mas lalo mo lang siyang sinasaktan. Humihinga ka lang naman. Pero nasasaktan mo siya.

Nice.

Parang dati. Sanay ka naman mag-isa. Ganun nalang ulit. Kakayanin mo, kahit pa wala siya. 

Napuno mo na ang back part ng fillers mo ng puro 'ksg' , kung ano-ano ba namang isulat mo about it e. Lahat ng names na pwede mong mabuo sa tatlong letra. 

Lahat ng adjectives na tutulong sayo madescribe siya. 

Lahat ng alam mo tungkol sa kanya. 

May alam ka nga ba?

Iniiwasan mo yung puno pero hindi siya maalis sa isip mo. Hell, you can't even eat kakaisip sa mga nalalaman mo. 

 


2 years? Nuyon? Joke? 2016? Woah! 

Lokohin mo lelang mo ksg. 

Ksg ksg ka pa dyan. 

Ang pangit ng codename mo! baduy!

pwe! 

Ksg... 

 


Ilang araw na ba? 

Ang rupok mo naman kung wala pang 3 days e... 

Nakatayo ka na ulit sa harap ng puno. Nagbabalak mag-sulat ng mga kwento mong siya lang sa mundong to ang willing makinig. 

'Irene?'

'Always take care'

'Where are u?'

'Hey what happened?'

'I'll wait here okay?'

Ayan. Naguilty ka tuloy. Lalayo layo ka pa... Babalik ka rin naman pala kaya ibinaba mo muna ang supot na bitbit mo saka ka kumuha ng kahit anong matulis. 

Binilisan mo na ang kilos mo dahil lagpas 10 pm na at napalabas ka lang para bumili ng makakain sa convenience store. 

Hindi mo na inalintana kung ano mang kababalaghan ang bumabalot sa puno... Kasinungalingan lang rin kung idedeny mo na hindi mo siya miss. 

'Wen...'

Bakit ganito ang pakiramdam ngayon? Para bang may nakatingin. Parang may kung sino ang malapit at nag-aabang sa mga gagawin mo.

'...dy'

Kinikilabutan ka na. Yung mga kinakalawang na bakal na itinutulak ng minsang pag ihip ng hangin... Ang mga tunog ng dahon na naghihintay na tapusin mo na ang isusulat mo. 

'Conf...'

 


"Neng"

"Aaaaaahhhhhhhhh!"

 


Curfew na kasi... Kaya pinapauwi ka na nung medyo matangkad na mama, taga baranggay ata. Kahit pa nagets mo na na hindi siya multo gaya ng sabi ng utak mo, itinuloy mo nalang yung pag tili at pagtakbo palayo. Napahiya ka naman na... Nilubos mo na lang. 

 


Sayang. Hindi mo nakausap ang taong gusto mo sanang makausap sa oras na iyon. 

Habang kinukutkot mo ang gilid ng kumot na nakabalot na sa katawan mo... Hindi mo maiwasang mag-isip. Mga bagay lang naman na kahit isang libong beses mo pa isipin wala ka ring mahanap na matinong sagot... In the first place wala namang matino sa mga nangyayari. Everything feels strange. Parang work of magic. 

May matino bang puno na kusa nalang susulat ng mga letra sa sarili nitong kahoy? 

May matino bang puno na papangalanan ang sariling ksg? May park ba na kahit may palaruan na ng bata eh ni minsan mula ng nalipat kayo rito wala kang nakitang bata. 

Pero kahit na ganun...

Bakit? Inaalam mo sa sarili mo kung bakit? 

Bakit parang hinahanap-hanap mo? Para bang... Hindi buo ang araw mo na hindi ka nakakapag kwento sa kanya? Dala lang ba to ng desperation mo dahil isa kang dakilang loner? 

Kung ano man siya... Kung sino man siya... You want to know more. You crave for more. You want to know more about ksg... Or simply maybe you crave for ksg. 

No. 

Scratch the last one. 

Just no.

 

 


"Irene..."

"Akala ko ba sabay tayong mag cocollege?"

"Gusto ni daddy sa states ako mag-aral"

"..."

"...bakit di mo sinabi?"

"Magmimigrate na kami Rene..."

"Jen"

"I still don't know kung makakauwi ako ng pinas"

'I love you'

"Jennie I-"

"It's been months mula nang ligawan kita... I guess makaka move on din ako from you pag nasa states na ako" she just laugh... 

"..."

"Every moment we shared naman... Will always be here."

 

Itinuro niya ang kanyang puso. 

 

Ibinuka mo ang iyong bibig. Gusto mong ipagtapat. Pero gaya ng kagustuhan niyang lumisan... Iniwan ka na rin ng boses mo. Hindi sapat ang sinisigaw ng dibdib. Wala naman rin siyang naririnig. 

"Jen-"

"Bye Irene"

Tumingin ka sa labas ng salamin na katabi mo... Hindi niya dapat makita ang lungkot sa iyong mukha. Sapat na ang sakit dulot ng hindi mo pagsabi ng tunay na nararamdaman. Baka hindi mo na mapigilan ang emosyon mo kung pagmamasadan mo pa ang likod niya na unti-unting lumalayo sayo. Hinayaan mo nalang. Makakalimot ka rin.

Agad mong pinahid ang luha na biglang kumawala sa iyong mata. Walang dapat makakita. Walang dapat makaalam.

Maraming tao sa labas... Maraming tao sa loob. Ngunit walang kahit sinong nagtangkang pumuno sa upuang iniwan niya. Bigla kang nakaramdam ng yanig sa paligid... Natapon mo ang iyong strawberry smoothie... Wag-

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta