Etched (part 1)
Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
"Mom... B-bakit ka..."
"Irene, anak... Look hindi ka na bata kaya dapat maintindihan mo, your Dad and I..." You looked at her face... Full of sorrow and pain.
"Irene lumabas ka muna sa kwarto"
"D-dad... Don't let her go. Iiwan niya tayo, don't-"
"Labas" malamig ang boses na pakiusap sayo ng ama mo.
His face screams anger and a hint of fear.
'My Mom left us...'
you run your fingers through the etched sentence sa isang puno. Takbuhan mo sa tuwing hindi maganda ang mga araw mo.
"I told you do not shout at your mom!"
"Dad she's not my mom!"
"Yes she is!"
"She's just a you picked up from some bars or filthy alle-"
Tagos sa buto yung sakit. Sa gulang mo ngayon, hindi mo mawari kung anong ginawa mong mali para maramdaman ang ganitong klaseng sakit. Hanggang sa musmos mong puso dama mo yung hinanakit.
'I hate Daddy'
Nakasanayan mo na ang ganito... Lumaki ka kasing walang kapatid o kaibigan man lang. Iilan lang... Sa kanila ang nangangahas lumapit at magpakilala.
'I graduated Highschool today hooray!'
Napaka bihira... Kung ika'y ngingiti.
'Got admitted na sa University'
Kaya wala kang masabihan ng mga ganito
'Wendy said Hi to me...'
Kundi ang punong kaharap mo ngayon.
'Sabay kaming nag lunch at bukas sabay daw kaming uuwi'
Ano lang bang meron ka?
'Jackson tied my bag sa chair ko!'
Ito...
Isang puno...
'Dad had fever...'
Kung saan mo laging ibinubuhos ang iyong mga emosyon.
Kung saan ka laging nangsusumbong.
'None of his women came to take care of him'
Kung saan lagi mong isinusulat ang iyong damdamin.
'What a hell week at school!'
Ano nga bang meron ka?
'How's your day?'
Ito...
Pwede na 'to.
'Hi?'
'u okay?'
'Study hard!'
Maingat mong hinawakan ang mga nakaukit sa puno. Sa tabi ng mga sulat mo. Sa tabi ng mga daing mo. Sa tabi ng bawat sumbong at pangyayari sa araw mo...
Bakit ka narito?
Ah...
Kasi may gusto kang ipaalam.
'Me and Wendy fought'
Malelate ka na sa iyong klase ng 8 am kaya mabilis kang tumakbo palabas ng parke. Nakabangga ka pa ng isang babae sa daan.
May galos ka sa kamay pero wala ka ng oras para umangal.
"Miss okay ka lang?"
"Oo, sorry"
Bakit kasi late ka na nagising.
Pumasok ka saglit sa 7/11 sa tapat ng university para bumili ng bandaid. 6 mins nalang para tumakbo sa room.
Nangiti ka. Siguradong bukas... May panibagong ukit na sasagot sa isinulat mo gamit ang iyong ballpen ngayon.
'She maybe left... But remember this, ur mom still luvs u'
'He luvs u more than he luvs his women or even himself. He loves you so much.'
'Make friends! It'll be fun'
Kung sino man siya... Wala kang ideya
'Maybe he's a for messing u'
Baka kung sino lang na napadaan din sa palaruan at nabasa ang mga desperate calls at rants mo sa kawawang puno.
'Congrats!'
'He needs u'
Pero ang mga salitang nakaukit sa tabi ng mga daing mo...
Sa mga sumbong mo.
'More than anyone else... He needs his daughter'
Ang pumupuno sa kakulangan sa iyong puso.
Ganun naman... Tuwing papasok at uuwi, Bago ka muling sumulat ng iyong hinanakit... Binabasa mo ulit ang mga isinulat niya.
'Magkakaayos din kayo'
Kahit siguro talikuran ka ng lahat. Basta may isang taong ganito. Sapat na.
'Atleast I got u ;)'
"Bakit ginabi ka nanaman?"
"Group report"
"Araw-araw ba yang report nyo?"
"Presentation na next week"
"Bakit hindi ka nagsabi sa text? O kanina?"
"Dad... I'm tired"
"Bakit hindi marunong mag paalam bata ka?"
<
Comments