Weary Wheels (part 5)

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

"Seulgi!!"

Yung kakarampot na pag-asang kinakapitan mo unti-uting nabitak.

Akala ko ba you don't ing care kung meron na siyang iba? 

3 meters... 

Yun nalang ang layo mo. Yun nalang ang pagitan ng dalawang pusong pinaglayo.

Tumalikod ka na. Hindi mo siya kayang makitang masaya ng wala ka. Ang unfair no? Siguro ikaw nalang talaga yung nakakapit. Buti pa yung luha mo mas mabilis pa sayo. Wala pang tatlong hakbang palayo tumulo na agad. 

'Bakit pa kasi ako umasa'

"Hey"

A hand pull you back.

A familiar voice told you to stop.

Pag harap mo...

Wala na yung tatlong metro. Hawak na niya ang braso mo. 

Ito na yung pinaka malapit na distansyang tinawid niyo palapit sa isa't-isa. Ilang taon ka ring nangulila. 

"S-seulgi"

Nasabi mo na finally. Narinig na niya. Kaharap mo na siya. Ano pa bang kulang? In the first place bakit mo nga ba siya hinabol?

"Joohyun" 

Ngayon mo nalang ulit naappreciate ang pangalan mo. Syempre mahal mo yung tumawag sayo.  

"You... Followed me here?"

Ay asyumera. Napaatras ka ng hakbang. Gusto mong isigaw sa mukha niya na

'hindi ako umuwi para sayo noh'

'si Sehun nagdala sakin dito'

Asus totoo ba yan?

"Huh?" 

"Ikaw... Dito"

Ahhhhh 

Ikaw pala yung asyumera. Diba nga hinabol mo naman talaga siya?

"A-ahh ano uhm" kung kelan mo kailangan ng rason saka ka naubusan. Bakit wala kang maidahilan. Hanunaaa?

"Coffee? Want to c-catch up th-things?"

Napansin mong naubos na rin yung confidence niya. 

AYUN NA OH! MAGKAPE DAW KAYO TO CATCH UP THINGS

You can't help but to laugh. Para kayong teenager na nagkakahiyaan. 

You laugh..... Ang sarap sa feeling no? Sa edad mong yan ngayon ka nalang ulit kinilig. Aminin mo.

Napakamot siya sa batok. Thing na lagi niyang ginagawa pag nininerbyos siya. Di nagbago yun. 

"Uhm Seulgi?" Putol sa inyo nung magandang babae.

"Miss Arian..."

"Kakilala mo?"

"Uhm oho... Lalabas lang po kami muna"

Miss... Po... Oho... Magalang ba siya nung una ka niyang niligawan? 

Nung humarap siya sayo naputol yung pag-iisip mo ng kung ano ano. Magaan na rin ang ngiti sa labi niya. 

"So... Okay lang sayo?"

Napansin mo na rin na kanina pa siya nakahawak sa braso mo. Sayang lang din na napansin niya rin yun at akala niya awkward sayo kaya agad ka niyang binitiwan.

Hindi niya alam na...

"Hmm?"

"O-okay lang ba sayo?" 

You don't have the heart to say no. Because you never wanted to say no. Siya yan e. 

"yeah" mahina mong bulong. Enough na para siya lang ang makarinig.

Hindi mo mahanap sa puso mo kung masaya ka ba. Na finally magkakaroon na kayo ng time to talk... Kahit sobrang late... Kahit unexpected... Kahit pa tapos na kayo.

Meron kasing takot sa puso mo. Gaya niyan... Naka ngiti siya pero hindi abot sa mata niya. Ang hirap sumugal sa ganitong klaseng pag-ibig. Hindi mo kasi alam kung ano ang nangyari sa kanya sa loob ng limang taon. Maraming pwedeng mangyari diba? Maraming pwedeng nag-iba. Maraming bagay ang di na tulad nang dati. Malay mo... Wala na talaga.

Hindi mo naman to maiisip kung wala ka ng nararamdaman. Hindi mo naman gustong pag-usapan kung di ka umaasa na magkabalikan. 

Sa limang taon... Sa limang taon ng buhay mong wala siya. Tumigil na lahat sayo. Malay mo... Nagpatuloy siya. Handa ka bang masaktan ulit? Handa ka bang marinig na ayaw na niya 'ulit'? Alam mo, more than anybody... Kung gaano ka nawasak nung huli niya itong binanggit. Nang tinapos niya ang lahat. Kaya mo bang pagdaan ulit yun?

"Joohyun"

"Huh?"

"Asan kako sila"

Ayan nanaman yung ngiti niya. Ibang-iba sa nakasanayan mo. 

"Ayun..."

Paglapit mo sa pamilyang naiwan mo agad na yumakap sayo ang bata. Nag sabi ka rin sa kanila na aalis muna kayo at ganun nalang ang ngiti ni Sehun sayo.

Inabot naman ni Sab ang bag mo at nag wink pa bago kunin si Rowoon sa iyong mga bisig.

"Mommy!"

Nagbabadya ng umiyak ang bata. Hindi mo tuloy alam kung ano ang gagawin. 

"Sige na Joo... Kami na bahala... Ingat kayo"

Agad ka nalang tumalikod at inaya na si Seulgi palayo.

"S-san tayo ulit?"

"Dyan lang... S-sa malapit"

Sapat na ba yun? Sapat na siguro yun

"Joohyun..."

"Hmm?"

"Wala... Ang ganda lang ng anak mo"

 

 

 

 

 

 

 


Hindi ka mapakali. Sa totoo lang gusto mo na talagang umuwi o maglaho. Bakit kasi ganito ang pakiramdam? 

"Ma'am wait nyo nalang ho sa table... Iseserve nalang ho namin" sabi sayo nung barista na tinitigan ka muna dahil ayaw mo paring umalis sa harap niya after mong umorder.

"Ahhh... Sige lang don't mind me here"

Mali ata nasabi mo. Kasi mas nagmukha ka lang tanga na nakatayo sa counter ng walang dahilan nung iniwan ka na nito. 

Napalingon ka. Andun siya... Naka tingin sa labas ng bintana. Kinurot mo na ng ilang ulit ang sarili mo pero hindi ka parin makapaniwala. 

Huminga ka ng malalim at saka ibinuga sa mga labi ang naipong tensyon sa dibdib. 'Ito na yun...'

Napalingon siya sayo pag-ikot mo kaya wala ka na talagang ibang choice kundi maupo na sa table kasama siya. 

Bakit ba hindi ka makapag-isip ng maayos at tama? Nawawala ka sa mga tingin niya. Nilalamon ka ng sarili mong takot at mga tanong... Hindi ka rin makapaniwala na yung akala mong pinaka magandang babae sa mundong minsang naging sayo... Mas may igaganda pa. 

Para kang tanga na naka ngiti palapit na nakatulala sa kanya kaya muntik ka pang madapa. 

' ang lampa ng tuhod ko ngayon'

"Are you okay?"

"Y-yeah... Wala yun. Di lang ako nakatingin sa daan"

"Kung san san ka kasi nakatingin"

Sayo lang naman ako nakatingin.

"Kaya nga e..." Awkward laugh follows.

Tapos...

Wala na.

Sino bang dapat unang mangamusta? Yung nanakit o yung nasaktan? Ano bang dapat sabihin? In the first place san mo ba kasi nahanap yung lakas ng loob para yayain siyang mag kape? Kahit na di siya nagkakape? Kahit na ayaw niyang nagkakape ka? Kahit na nakipag break ka sa kanya?

How are you? It's been years... Long time no see. Bakit ang hirap niyong banggitin? Parang kanina lang ang lakas mo pa sa "coffee? To catch up things?"

"How are you?"

"How are you?"

Sabay pa kayong nagulat.

"Ikaw muna"

"Ikaw na muna"

Bakit ba ganito? Ugh!

"Seulgi"

"Joohyun"

Napa mental slap ka nalang sa sarili. 

"Here's your order ma'am"

Dadagdagan mo pa yung nerbyos mo sa pag inom mo ng kape. Unang higop...

"How are you Seulgi?"

...Muntik mo ng iluwa pabalik sa baso. Ayan... Siya na ang nauna.

"Uhm... Ayos naman. Nagbabakasyon... Nag papahinga"

Ayos sagot. Ended no?

"Uhhh ikaw?"

Nangiti siya sa medyo high-pitch mong follow up.

"Eto... Kakauwi lang from Munich. Sa Cebu kami tumuloy pag-uwi 9 days din kami halos dun... Then naextend dito sa Tagaytay"

Yan! Dapat ganyan ka sumagot! Hinangin na ata utak mo kaka bike jusko.

"Ahh di kayo nag Manila?"

Huli na nung marealize mo yung tanong mo. 

"Sino namang pupuntahan ko sa Manila" 

"Uhm ano... S-stop by... Yung p-plane nyo. Sa Manila muna ganun..."

Kita mo sa mata niya na gusto ka na niya tawanan. Ganito ka rin kasi pag hinuhuli ka niya nuon. Or may hindi ka sinasabi sa kanya... Di ka na nagbago.

Nahihiya siyang ngumiti bago sabihing

"Actually... Dapat hindi ako sasama sa kanila dito sa Tagaytay. Naisip kong mas okay sa Manila"

Muntik ka ng mawalan ng hininga. Hihigop ka sana ng kape kaya lang her words are enough dahil nag-iinit na yung mukha mo. Sana pala nag juice ka nalang.

"B-buti nalang andito ka"

Turn naman niya magblush. Lalo kasi siyang pumuti kaya halata mo agad na inaapoy yung mga pisngi niya.

"Y-yeah... I... Didn't know you're also here"

Tadhana nga naman. 

"A-ako rin... Di ko alam na... Dito lang pala kita makikita"

 

Hindi mo alam bakit inabot ka ng dalawa't kalahating oras maubos mo lang ang kape. Sa totoo lang wala ka talagang balak ubusin yung kape na yun agad. Yun lang naman ang dahilan para maupo kayo sa harap ng isa't-isa. Kaya kahit di mo trip ang lumamig na na kape... Hala sige... Higop... Paunti-unti. 

"I- I should probably go home now..."

"N-now?"

"Yeah"

Ayun... Ganun nalang yun? Oo nga pala. May pamilya na siya. Di gaya mo... Unemployed na emo. May mga priorities na siya. At wala ka sa listahan nun. 

"C-can I... take you home?"

Y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta