The 12 Zodiacs

Description

Ellaine is a simple girl with a simple lifestyle, but what if one day she'll meet this 2 boy's whole family? Will she accept their identity and become good friends with them?

Foreword

The 12 Zodiacs [Season 1]
by: xxRedPandaxx
 
Prologue
        Simpleng babae, masayahin, mabait, mapagmahal at palangiti. Kahit wala na akong magulang masaya akong nakatirang mag-isa sa tinutuluyan ko ngayon.
       Kontento na rin ako sa kung anong meron ako. Kasama ang Dalawa kong kaibigan, dahil simula pagkabata ay kilala at magkakaibigan na kami.
                Madalas akong sumali sa kung anong mga patimpalak sa paaralan kahit na hindi pinapalad kung minsan.
                Masaya na rin akong tinatanaw ang taong hinahangaan ko. Hindi dahil sa kanyang ugali kung hindi dahil sa sarili kong kagustuhan.
                Kung minsan hindi ko rin maintindihan kung bakit sa tuwing lalapit ako sa kanya ay lumalakas na parang tambol ang tibok ng aking puso.
                Sa kahit saglit na sulyap niya ay umaakyat ang dugo ko mula sa paa hanggang sa pisngi ko. Minsan nga naisip ko, normal pa ba ang ganitong bagay?
                Hindi kaya ay may sakit lang ako kaya ko ito nararamdaman? Sa tagal na pag-iisip ay saka ko lang nalaman kung ano ang ibig sabihin nito.
                Ito ang tinatawag nilang Pag-ibig. Hindi ko alam kung nakabubuti ba ito o masama pero isa lang ang alam ko, mahal ko siya.
        Ngunit ...
        Paano kung ang tahimik at masaya kong mundo ay maging isang magulo at maingay.
                Sa pagtuklas ko sa kanilang sikreto ay marami ang maaaring magbago sa takbo ng buhay ko. Makakayanan ko kayang itago ang nililihim ng pamilya nila?
                O dahil dito ay kamumuhian ko na siya at ang buong pamilya niya? Ano nga bang istorya ang nasa likod ng sumpa ng kanilang buong angkan?
        Kaya ko kayang lagpasan ang mga pagsubok na dadating sa buhay ko lalo na ang masaya kong buhay ay maging isang masakit at mapait na kasalukuyan?
        Ako si Patricia Ellaine Gamboa.
        Ito ang aking kwento. 
        Ano kaya ang mararanasan ko kasama ang ...
The 12 Zodiacs...

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet