Chapter 1 - Teenage Love

The 12 Zodiacs
Chapter 1
ELLAINE
        Inaayos ko na ang gamit ko para sa School, pagkatapos ay sinabit ko na ang bag ko sa likuran ko. Hoo!!! First day na naman ng school and super haggard na ako. Start na ang 2014 kaya naman kailangan maging handa!
        Paano ba naman kasi, wala na palang battery yung alarm clock ko kaya ito gahul na gahul na ako. Anong sabe?! Bago ang lahat, Ako nga pala si Patricia Ellaine Gamboa. Just call me Ellaine. Isang High school Student ng St. Patrick's High. Oh diba? Kahawig ng name ko?
        Nakatira ako sa Isang tent. Yhup!!! Tent lang sa isang tagong lugar ang bahay at tinutuluyan ko kaya naman loner ako. Ay naku! Late na nga pala ko, napapadaldal pa ako eh.
        "Late ka na naman ng gising noh?" Sabi ng Best Friend kong si Tricia Legaspi. Kaya nga gusto kong Ellaine ang itawag sakin dahil magka name kami. Hmm. Sa aming tatlo siya yung tipong kinatatakutan ng lahat pero siya din ay isa sa maharot kong kaibigan. Siya pa ba? Sa kanya ako nagmana noh!
        "Oo na, hindi ko naman alam na sira pala yung Alarm clock ko kaya ito ako ngayon," medyo paawang sabi ko sa kanya. Wala pa si Makino kaya siguro nasa school na yun, Isa pa yun sa early bird eh. May pagka-weird naman ang isang yun.
        Tipong kaya niyang basahin nasa isip ng isang tao ayon sa kilos nito. Weird right? Laging libro naman ang hawak niya. Siguro magbabasa din ako ng ganun para makabasa ako ng isip ng isang tao kaso ayoko naman tawaging weird.
        "Tara na baka kung ano na naman sabihin ng mga estudyante," sabi niya. Siya kasi ang President ng SSG kaya naman napakalaki ng responsibilidad niya sa school namin.
        Hindi din naman maiwasan ang siya mismo ang sumuway kaya marami ang nagagalit sa kanya pero wala rin naman silang magagawa dahil nakakatakot nga naman siyang magalit. Madalas din yang malate tulad na lang ngayon, kaya kayo 'wag kayong gumaya saming dalawa!
        "Haist!! Nakakainis naman si Makino bakit hindi tayo sinasabay ng babaeng yun," paghihimutok ni Tricia. Tama naman siya. Parang hindi naman niya kami kaibigan, madalas kasing hindi mamansin 'yun kaya nakakalungkot.
        "Nga pala Tricia, Alam mo na ba kung saan nakatira sina...hm...you know," nahihiyang tanong ko. Alam naman niya kung sino ang tinutukoy ko.
        "Ah, naku hindi pa! Sa haba ng bakasyon natin hindi man lang nagparamdam yung magpinsan na yun," sabi niya habang nakapameywang. Tama, para ngang ang ilap nila sa mga tao at parang may allergy lalo na sa mga babae pero kinakausap naman nila. Ay malay!!
        Minsan nga ay may nag-confess ng nararamdaman niya kay Kai at sinubukan pang yakapin pero alam niyo ang ginawa ni Kai? Tinulak lang niya iyon palayo. Sino nga ba naman ang mag-aakalang ang napakabait at gentleman na lalaki kayang gawin yun sa babae?
        Siguro curious kayo kung sino noh? Sila Luhan at Kai. Magpinsan silang dalawa pero magkaibang magkaiba ang mga ugali nila. Si Kai na matalino, tahimik, friendly, at super nice niyang kausap samantalang si Luhan naman ay mayabang, poker face at super sungit. Kaya nakakapagtaka kung bakit nagawa iyon ni Kai sa isang babae, ang alam ko malaki ang respeto niya sa mga babae.
        Pagdating namin pumunta na kaming dalawa sa Room namin and what do you expect sa klase naming section A? Tahimik. Natatawa na lang ako dahil ng makita nila si Tricia natahimik na naman ang mga kaklase ko at kunwaring nagbabasa pa. Yung iba nga halos hindi alam ang babasahin sa sobrang taranta. Nakakatuwa silang pagmasdan.
        "Wow~ Ang sisipag talaga ng mga kaklase ko," sarcastikong sabi ni Tricia ng natatawa pa at papunta sa upuan namin which is nasa likod. Ang laki talaga ng nagiging epekto ni Tricia sa mga kaklase ko noh? Tahimik lang ang klase namin hanggang bigla na lang may mga nagtilian kaya lumabas din kami, syempre baka mamaya kung ano na nangyayare sa labas kami nakatameme lang.
        "OMG ~ Ang gwapo talaga ni Kai!"
        "Tama ka jan Girl..."
        "EMERGHED! Ngumiti siya girl, ngumiti siya!"
        I think alam ko na ang dahilan kung bakit sila nagtitilian. Dahil nandito na ang magpinsan na kinahuhumalingan ng lahat. Wala namang nagbago eh, sa tinagal naming nag-aaral sa school na ito ay ganito na lang lagi ang pakikitungo sa kanila. Kay Kai to be specific. Siguro iniisip niyo na ako 'yung babaeng, 'Ayan na naman sila, masyadong pasikat. Porke gwapo makarampa sa daan feeling hari!'
        Well you’re wrong!
        Dahil isa sa kanila ang gusto ko and guess what kung sino ang gusto ko. Well, sa totoo niyan mas gusto ko si Luhan kesa kay Kai.
        Okay! Wag muna kayo mag react. Sa sarili ko din hindi ko alam kung bakit mas gusto ko siya pero isa lang ang alam ko. Gusto ko siya...hayy! kinikilig na naman si ako!! Pagpasensyahan niyo na ganito kasi ako kapag inlove eh. Ganito lang ang takbo ng isip ko pero hindi naman ako ganun umasta sa personal noh!
        "Kaya naman pala maingay, hindi na ako magtataka pa dun," sabi ni Tricia. Kaklase ko nga pala yang dalawang magpinsan kaya naman napaka swerte ko, right? Nakita ko ng pumasok sila kaya naman deadma na lang ako. Kunware nga wala akong paki diba? Pero joke lang ‘yun, ahihi. Shh lang kayo ah? Alam ko namang may ilan sa inyo na ganito ang gawain. Ayieeee !!~ Pare-pareho lang tayo guys, diba??
        "Good Morning class!" Nandito na pala yung teacher naming kalbo kaya naman tumayo ako para makibati.
        "Good Morning Sir!" Pinaupo niya na kaming lahat. Wow! Namiss ko talaga yung tahimik naming room .
        "So, How's your long, long weekend?" Tanong ng aming guro. Ayan, kanya kanyang comments naman sila. Merong iba nagsasabi "bitin" Which agree naman ako. ‘Yung iba naman nag-enjoy at nag-swimming pa raw dahil birthday nila.
        "Okay, so marami palang magagandang bagay ang nangyare sa inyo. Dahil diyan, we will have an activity," sabi niya tapos nagwala na ang klase. Natatawa na lang ako, mga kaklase ko nagiging wild tuwing ganito. Sino nga ba ang gusto ng activity? Ang dami ko tuloy memories ngayong high school.
        Napatingin naman ako sa kanya, tama sa kanya nga tapos bigla rin siyang napatingin sakin kaya ako naman itong si iwas ulit ng tingin. Nakakahiya! ",so, we will do this by group kaya naman come here in front at bumunot ng group niyo."
        Nagsimula sa Boys then girls. By surname yun kaya medyo nasa gitna ako. Ang nabunot ko... TADAA !! Group 2 !! How I wish group 2 din siya. Nagbuntong hininga na lang ako dahil sa naisip ko. Ito na naman ako sa paghanga hanga sa kanya pero kahit isang salita hindi ko pa siya nakakausap.
        "Okay, nakabunot naman na ang lahat, right?" Tumango lang at nag-yes ang klase. Nagi-ingay na nga at tinatanong yung mga katabi nila kung anong group sila. Nililibot ko naman ang paningin ko upang mahanap siya. ",so, All group 1 here, Group 2 in this area then group 3 there at the back and the last group sa kabila," sabi niya habang tinuturo ang mga pwesto ng bawat grupo. Nagpwestuhan na kami sa grupo namin. Meron pa ngang nagtatatalon dahil ka group nila si Kai.
                Sikat na sikat talaga si Kai lalo na sa mga babae. Muling nahagip ng mata ko si Luhan...OMG! Yes!!! Kagroup ko siya, ayieeeeh!! Ka-group ko siya..Yay! Naupo na ako sa harap niya ng parang wala lang pero sa loob ko nagwawala na puso ko. Nagw-wild na siya! Feeling ko anytime ay mawawalan ako ng malay dahil sa pagpipigil ko ng kilig.
        "Ganito ang gagawin. Kada Group kailangan lang ng isang papel, kailangan niyo iyang punuin ng mga naranasan niyo ng nakaraang bakasyon, easy, right? So, start na." Pagkatapos sabihin ng aming guro iyon ay walang gumagalaw sa aming group 2. Nagkakahiyaan?!
        Nakabilog kasi kami kaya magkakaharap kami tapos yung papel, manila paper to be exact, nasa gitna lang namin. Tinignan ko yung grupo nila Kai, ang dami na nilang nasusulat kami ni tuldok wala pang nasusulat. Ano kayang mangyayari sa grupo namin nito?
        Kukunin ko na dapat yung papel kaso lumayo. Hala!! Ayaw ata! Joke. Kinuha kasi ni Luhan ‘yun ng hindi tumitingin sakin at nagsulat, kaya iyon! Nagsulat na din kami. Hindi ko mapigilan ang mapa-pout, kailangan lang pala simulan ni Luhan bago sila magsimula eh.
        "So, Pass your manila paper at i post ko na yan sa board," sabi ni Sir pero may sumigaw ng...
        "Sir kami na lang magdidikit!" Kaya no choice si sir kundi hayaan na kami. Lahat naman kami maganda magsulat kaya hindi mukhang basura yung gawa namin. Halos lahat naman kami napuno kasi naman 10 members sa isang group eh.
        "Mukhang lahat kayo maraming nailagay ah? Dahil nandiyan na yan basahin natin isa isa," sabi ni Sir. Nagsiangalan na naman yung iba. Nilagay lagay nila tapos ayaw nila ipabasa, yung totoo lokohan ba 'to?
        Isa isa na itong binasa ni Sir at yung iba naman tawa ng tawa. Meron kasing nakita ko si Crush sa hindi inaasahang pagkakataon, nadulas ako pero deadma lang sa mga nakakita at kung anu anong ka ek ekan. Nakikinig lang ako sa kanila ng mapatingin na naman ako sa kanya. Nagbuntong hininga na naman ako, mukhang hanggang sulyap na lang ako sa kanya.
Hindi ko naman sineseryoso ang mga ganitong bagay pero hindi ko naman pwedeng baliwalain lalo na at lagi ko siyang nakikita. Mapapatingin ako sa kanya kahit na sabihin ng utak ko na huwag titingin. Bilugan ang mata, medyo matangos at maliit na ilong at napakaganda ng korte ng mga labi niya. Siguro dahil na rin sa magandang lalaki siya kaya ko siya nagustuhan.
Madalang ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya kaya siguro medyo may confidence pa ako sa kanya. Kaya nga lang wala naman siyang pinapansin kahit sino, kaya wala rin. Napa-yes na lang yung iba nang marinig namin ang nag aalingawngaw na school bell lalo na yung ilang hindi pa nababasa yung kadramahan sa manila paper.
        "Tara na mag lunch, nagutom ako dun ah," sabi ni Tricia pagkadismiss na pagkadismiss samin ni sir. As ussual tatango lang si Makino. Sumunod na lang din ako sa kanilang dalawa. Naglakad na kami palabas at nag deretso muna sa locker. Kinuha namin yung mga kailangan namin para sa klase mamayang hapon. Pumunta kami sa Canteen pagktapos at kakaunti lang ang taong nadatnan namin, I guess wala dito ang magpinsan dahil tahimik.
        "Tara dun tayo sa may dulo para walang masyadong tao," yaya ni Tricia. Naupo na kami at si Tricia na rin ang umorder para samin ni Makino. Don't expect na magdadaldalan kami dahil isa sa kasabihan niya ang "One Question, One answer". Kaya ito kami rinig na rinig namin ang naguusap sa canteen even ang bulungan dahil sa tahimik naming dalawa.
                Hindi naman sa hindi kami close pero hindi lang talaga siya sanay nang dumadaldal ng walang tigil. Saglit lang ang katahimikan at nakabalik na rin si Tricia.
        "Here you go, tara at kumain na!!!" Masiglang sabi ni Tricia. Sama sama kaming kumain. Syempre si Tricia ang pinakamadaldal. Ako medyo medyo lang at si Makino ang pinakatahimik samin. Mga ganyang tao minsan ay parang may mga tinatago, nakaka curious tuloy kung anong nasa isip niya.
        Pagkatapos nun ay vacant na naman namin. Si Tricia pumuntang Office dahil pinapatawag siya, remember President siya ng SSG? Si Makino naman iyon pinatawag ng captain nila dahil volleyball player siya. Kaya ito ako ngayon, Loner. Samahan niyo naman ako oh?
        Nagpunta na lang ako ng Rooftop, favorite spot? Kasi naman ang hangin dito yung buhok ko nililipad parang pang shampoo commercial lang, weeeee! Ang presko ng hangin. Itinaas ko pa ang kamay ko na para bang nilalanghap talaga ang bawat hangin na mapadaan sa mukha ko. Sana ganito na lang lagi kasaya sa school, tahimik at payapa.
Napatigil ako sa pagmumuni nang may narinig akong ingay sa labas kaya napatigil ako. Wait! Baka kung ano o sino na yan ...
        OMO, Sino kaya yun?! Nasa likod siya ng pinto. Naku baka mamaya sigawan na lang ako ng taong nandito. O kaya naman multo? Totoo daw kasi yun, may nagpapakita raw na multo rito kaya madalang ang pumupunta. Hindi tulad dati na tambayan ito ng mga mahilig mag-cutting.
        "S-Sino yan?!” Uutal utal na tanong ko. Medyo matatakutin pa naman ako sa mga ganitong sitwasyon. Lalo na at mag-isa lang ako! Napatingin ako ulit nang may narinig na naman akong kaluskos. Pagtingin ko ...
 
EMERGHED!! KILL ME NOW!!!!!!
 
[A/N] Hindi ko parin feel mag-first person's POV ulit. Nasanay kasi ako sa Third Person, sana hindi siya gumulo. Any Feed backs, guys?
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet