Chapter 28 - Preparation

The 12 Zodiacs
✔Chapter 28
ELLAINE
        Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw, naramdaman ko ring may dumidila sa mukha ko kaya naman dinilat ko na ang mata ko at nakita ang napakagandang wolf na nakita ko.
        “Good morning Baby Lulu,” bati ko, ang ganda ng bungad ko pagkagising at mukha ni Baby Lulu ang makikita ko. Bigla naman niyang hinimas ang pisngi niya sakin na para bang nanlalambing.
        “Nagugutom ka na ba Baby Lulu?” Tanong ko habang kinukusot ang mata ko, pinangko ko naman siya at tumayo na. Patuloy lang siya sa pagmake sound na parang ang dami niyang sinasabi sakin pero hindi ko naman maintindihan.
        “Okay wait lang, Baby Lulu. Kakain na tayo,” sabi ko. Para naman siyang bata na tuwang tuwa, feeling ko talaga anak ko ang isang ‘to.
        “Good morning Kuya Suho, Kuya Kris,” nakangiting bati ko sa kanila dahil sila palang ang nasa harap ng hapag kainan. Nginitian naman nila ako pabalik.
        “Good Morning Ellaine upo ka na at makakain na kayo ni Baby Lulu,” sabi ni kuya Suho. Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ni Baby Lulu.
        “Paano mo nalamang baby Lulu ang pangalan niya, kuya Suho?” Tanong ko. Nasabi ko na ba, o nakalimutan ko lang?
        “Ha? Hindi ba sinabi mo kahapon habang buhat mo siya?” Sagot niya.  Tumango na lang ako at hinayaan na lang siya, siguro nakalimutan ko lang dahil naaaliw akong tignan si Baby Lulu kahapon.
        Maya maya bumaba na rin si Kuya Lay sa hagdan at sumabay na samin kumain. Isang linggo...isang linggo na lang at magsisimula na ang tournament na sinasabi nila. Kinwento na nila sakin kung anong meron sa tournament ngayon.
        Dito matutukoy kung sino ang mamumuno sa kanila...sa amin. Kung ang mga Zodiacs ba o ang mga witches. May kasalukuyang hari ang mamumuno ng tournament at kung anong rules niya ay kailangan sundin ng parehong kopunan.
        “Handa ka na ba Ellaine para sa tournament?” Tanong ni kuya Lay habang pinupunasan ang mga labi niya.
        “Medyo kinakabahan na lang po ako,” sabi ko sa kanya, pinapakain ko rin si Baby Lulu. Nababawasan ang balahibo niya, bakit ganun? May sakit kaya siya, normal lang ba ang malagas ang mga ito?
        “Wag ka mag alala, alalahanin mo lang ang mga tinuro ko hindi ka masasaktan,” sabi niya at nginitian ako ng tipid.
        “Opo…” Nahawakan ko ang balahibo niya at natatanggal, nagtaka naman ako tinignan ang hawak kong natanggal na balahibo.
        “Natatanggal talaga ang mga balahibo niya,” sabi ni kuya Lay na para bang kitang kita ang ginagawa ko, ang galing talaga niya pero medyo nakakakilabot.
        “Ha? Bakit naman?” Tanong ko.
        “Hindi siya basta basta isang wolf, kung ang alam ng mga tao ang tungkol sa mga wolf nagkakamali sila,” sabi niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya. ‘Tulad ng mga tao’ hindi ako totoong tao at isa talaga ako sa kanila pero hindi ko na yun pinansin.
        “Ang mga wolf ay may kakayahang maging tao,” sabi niya, napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko kasi alam ang tungkol sa bagay na yun. Kung dati wala lang ako pakialam sa mga nababasa kong ganun.
        Minsan kasi ay gumagawa ang mga tao ng mga pelikula tungkol sa mga wolf na nagiging tao kung kelan nila gustuhin. Hindi ko naman inaasahan na kapag lumalaki ang mga wolf ay nagiging normal na tao.
        Basta ang alam ko lang sa kanila ay nakakapagpalit sila ng anyo, parang si Jacob ng Twilight lang...
        “Alam mo naman siguro ang ‘first class na uri ng wolf?” tanong niya. Naalala ko yung mga binasa ko noon pero may gusto akong itanong.
        “Si Luhan? Anong klase siya ng wolf?” Tanong ko, nagiging wolf siya pero hindi ko alam kung anong uri ng wolf siya.
        “Isa siyang first class wolf Ellaine,” sabi niya. Napatulala na lang ako sa sinabi niya, kung tama ang pagkakaalala ko sila yung…
        “Sila yung mga pinanganak na wolf at may shard sa puso nila,” sabi ni kuya Lay, nabitawan ko yung tinidor na hawak ko.
        “Si Luhan ang nag iisang first class wolf at ang hawak mo na yan ay and third class wolf,” sabi niya pa, too much info for today...
        Hindi ko inaasahang isang first class wolf ang tulad ni Luhan, I mean pwedeng pinanganak siyang wolf lang at nalagyan lang ng shard. Pero hindi ko alam na pinanganak siyang wolf at may shard din sa puso niya.
        “I think kailangan kong magpasalamat sa taong naglagay ng shard sa puso niya,” sabi niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
        “Ha? Bakit?” Natatakot kasi ako sa lagay ni Luhan ngayon, natatakot ako sa pwedeng maging disadvantage ng pagiging first class wolf niya.
        “Dahil sa kanya, nakilala ni Luhan ang sarili niya,” sabi niya, hindi ko man maintindihan pinili ko na lang tumahimik. Marami pa nga akong hindi alam tungkol sa kanila, kaya naman hindi na ako makapag intay na makita ulit sila.
LUHAN
        Habang tumatagal lalo akong kinakabahan sa pwedeng mangyare, isang linggo na lang para sa pag eensayo namin. Alam ko namang hindi ko makakaharap si Ellaine pero natatakot ako para kay Ellaine, ayokong masaktan siya.
        Baka nga mas okay na ako na lang ang makalaban niya at susuko ako agad pero alam ko namang walang sinasanto ang mga kalaban namin. Posisyon ang nakasalalay dito at alam ko naman kung gaano sila katakaw sa posisyon na iyon.
        “Luhan, wala ka na naman sa katinuan mo,” sabi ni Kuya Sehun sabay kotong sa ulo ko, hinimas ko na lang yun.
        “Anong magagawa mo kuya Sehun eh may namimiss na tao?” Tanong ni Kyungsoo sakin habang pinaglalaruan ang lupa.
        “Hay, kahit ngayon lang naman Luhan wag mo munang isipin si Ellaine,” sabi ni Kuya Sehun habang pinaglalaruan din ang hangin. Mukhang mas nakokontrol na nila ang kapangyarihan nila samangtalang ako hindi ko alam.
        “Yun nga ang gusto kong gawin para makapag focus pero kahit anong gawin ko wala parin eh,” sabi ko sabay higa sa hangin. Hindi man ako sanay lumipad ay kaya ko namang kontrolin at pagaanin ang sarili ko gamit lang ang isip ko. Kelan ko lang din nalaman ang ganitong istilo dahil sa tinatamad ako.
        “Ano? Handa na ba kayo para sa nalalapit na tournament?” Tanong ni Kuya Sehun samin, lahat naman sila nag eensayo na
        “Oo naman pero natatakot ako,” sabi ni Kyungsoo, dinilat ko ang mata ko at tumingin sa langit kulay pula ang paningin ko. Biglang humangin sa paligid ko, natatakot ako sa sign na binigay sakin. Isang madugong labanan ang magaganap.
        Nilagay ko si baby Ellaine sa tiyan ko, ang gulo nga niya eh at lakad ng lakad sa dibdib ko na parang hindi alam kung saan hihiga. Hanggang sa mapirmi na lang siya sa dibdib ko at natulog, hindi naman ako inaantok kaya hindi ako natutulog.
        Isa pa pagnatulog ako baka mahulog ako dito dahil hanggang ngayon nakalutang parin ang buong katawan ko.
        “Pumasok ka na Luhan at umaambon na,” sabi ni kuya Sehun kaya naman tumayo na ako at tumuloy sa loob ng bahay...
 
        [A/N] Luckily nakakapag update naman ako ;) kaya lang medyo mabagal po ah? Haha xD Dedicate sa kaniya. Grabe na flattered ako sa sinabi mo >.< @joedysimplengpasaway ... Maganda raw kasi stories ko, sing ganda ko :P tahahaha xD Pero natutuwa lang ako xD hahaha xD Kasi hindi naman totoo yun!
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet