Chapter 30 - Ang wakas (First half)

The 12 Zodiacs
✔Chapter 30
LUHAN
        Hindi na siya ang Ellaine na nakilala ko noon, ibang iba na siya. Napatay niya ang isang inosenteng lobo ng walang pagaalinlangan. Natatakot ako sa pwedeng mangyare, pwedeng sumaliwa siya at kalabanin kaming mga zodiacs dahil alam kong may bumabagabag sa kanya.
        Bakit ganun ang pakiramdam ko ngayon? 'Thirst for blood...' yan ang nakikita ko sa kanya ngayon kahit na sabihing nakatakip ang mukha niya. Kitang kita ko sa mga mata niya dahil kanina ko pa siya tinitignan.
        “Okay ka lang ba Luhan? Namumutla ka?” Tanong ni Kyungsoo sakin. Napatingin din yung iba sakin. Namumutla na pala ako, hindi ko namalayan. Bakit nga ba ngayon pa ako natakot?
        “Don’t tell me ngayon ka na susuko,” tinignan ko si kuya Sehun, akala ko inaasar niya lang ako pero seryoso ang mukha niya.
        “Hindi ako susuko pero,” sabi ko. Hindi niya ako pinagsalita pa.
        “Natatakot ka sa pwedeng maging desisyon ng Orion? Dahil yan din ang kinatatakutan ko ngayon,” pagpapatuloy niya. Ngayon lang nagsabi ng ganyan si Kuya Sehun. Ngayon lang siya nagsalita at nagsabi tungkol sa bagay na kinatatakutan niya, for sure natatakot siya dahil alam kong hindi niya rin kayang saktan si Ellaine, napapikit na lang ako.
        Bakit ba hindi niya ako matignan? 'Wag niyang sabihing tinotoo niya ang pakikipaghiwalay sakin? Hindi pwede yun!
        Kinuha ko si Baby Ellaine at kinausap. “Lapitan mo siya, gusto kong sabihin mo sa kanyang tignan ako,” sabi ko, alam ko namang hindi sila nagsasalita pero alam kong naiintindihan niya ang sinabi ko.
        Tinignan ko lang siyang pumunta kay Ellaine at napansin niya naman iyon at sa wakas tinignan niya rin ako! Pero ang problema hindi ko makita ang itsura niya at kung anong naging reaksyon niya.
        “Luhan, ikaw na,” tawag nila sakin. Napatayo naman ako sa inuupuan ko, ako ang unang laban sa pagitan ng zodiac at witch kaya naman nakatingin sila sakin na parang sinasabing mag ingat ako.
        Pagtayo ko nakita ko ang lalaking nakatakip ng coat ang mata, hindi ba kailangan iyong tanggalin kapag magsisimula na? At nagsisi ako ng isipin ko yun dahil pagtanggal niya nakita ko siya, ang coat man. Alam kong kilala siya ng mga pinsan ko kaya nagulat din sila.
        “Maligayang pagkikitang muli, Luhan,” nakangiti siya ng nakakaloko sakin kaya naman nag ngitngit ang mga ngipin ko, bakit ako kinakabahan?
         “Walang maligaya sa pagkikita natin ngayon,” asar na sabi ko. Parang wala siyang ginawang mali kung makaasta siya ngayon! Nakakabanas!
         “Ah ok sorry,” sabi niya sabay taas ng dalawa niyang kamay. Bigla siyang nawala at napunta sa harap ko, good thing naharang ko ang katana ko.
        “Huwag kang mag-alala Luhan wala akong balak patayin ka,” sabi niya. Pagkatapos nun lumayo ulit siya tapos lumapit ulit, ano bang sinasabi niya?
        “Gusto ko lang malaman mo ang tungkol kay Orion,” nagtuloy lang ang ganun habang unti unti niya akong kinakausap, sinasadya namin na wag patamaan ang isa’t isa at alam kong nagsasabi siya ng totoo.
        “Hindi ka dapat mamatay hanggang sa huli Luhan,” sabi niya. Napangisi naman ako sa sinabi niya. So, akala niya magpapatalo na lang ako ng ganun? Matapos kong sanayin ang kakayahan ko magpapatalo lang ako?
        “Ha! Wala naman talaga akong balak magpatalo eh,” sabi ko na lang.
        “Sinasabi ko lang, dahil hindi natin alam kung anong pwedeng maging patakaran sa huling pagsubok,” sabi niya, nalito naman ako sa sinabi niya at bigla siyang nagkadugo sa tagiliran niya, woah~ hindi ako ang may gawa nun!
        Ako ang nanalo pero alam kong sinadya niya yun, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Maaaring maging iba ang patakaran? Hindi ko gets, okay?
        Nagtuloy tuloy ang pagsubok hanggang sa si kuya Sehun na ang lumalaban, mukhang nahihirapan siya ngayon dahil pinagpapawisan na siya. Ang lakas ng hangin pero pahina iyon ng pahina, natatakot ako para kay kuya Sehun. Ngayon ko lang siya nakitang makipaglaban ng ganyan, parang nauubusan siya ng lakas.
        Ang kalaban niya ngayon ay si Travis, at hindi na ako magtataka kung mahirapan man si kuya Sehun pero hindi ko naman naisip na matatalo si kuya Sehun. Nag-uusap sila pero hindi naman namin rinig hanggang sa mapatulala si kuya Sehun, para bang may sinabi ito sa kanya na kakaiba…napatayo lahat ng Zodiac pati na rin si Ellaine.
        Sinugod ni Travis si kuya Sehun pero hindi naman gumagalaw si kuya Sehun. “Kuya Sehun!!!!!” Sigaw namin sa kanya hanggang sa makita namin kung papano tumagos ang patalim sa likod niya. May lumabas din na dugo mula sa kaniyang bibig.
        “H-hindi,” nasabi ko na lang, nakita naming may tumulong kulay bughaw sa dulo ng patalim at hindi ako pwedeng magkamali, isa iyong patalim!
        “Walanghiya ka!!!” Sigaw ni kuya Suho at sumugod sa gitna pero nakaalis si Travis, pinigilan naman namin si kuya Suho dahil baka matanggal siya. “,papatayin kita, hintayin mo!!!” Galit na si kuya Suho at may mga tubig sa likod namin ang nagsitaasan.
        Galit na talaga si kuya Suho, alam kong natatakot at nagagalit siya, nilapitan na lang niya si Sehun at binuhat sa upuan niya. Isa sa rules ang hindi pwedeng gamutin ang kasangga hangga’t hindi pa natatapos ang laban.
        Nakakuyom na ang mga palad ko. Ako, ang Orion, si Travis at ang isa niya na lang kasangga ang natitira pero nagulat ako sa in-announce ng hari...
        “Nakaabot tayo sa huling round ng pagsubok kaya naman, congratulations sa inyong apat!” Pinatayo kaming apat sa gitna.
        Hindi niyo alam kung anong pagpipigil ang ginawa ko sa gitna, una gusto kong bikwasan ang Travis na yan na nakangisi parin hanggang ngayon at pangalawa, gustong gusto kong hawakan at yakapin si Ellaine na nasa tabi ko lang.
        “Ang huling paligsahan na ito ay kayong apat,” sabay turo samin, nagpapasuspense pa ang isang ‘to! Nakita na ngang hindi ako mapakali. “,sa isang ring...” Nagbulungan naman ang mga tao sa sinabi ng hari.
         Ito na ba ang sinasabi ni Coatman na bagong patakaran? Pero natatakot ako, hindi ako masyadong makakagalaw kung may inaalala akong isang taong pwede kong masugatan.
        “At kayong dalawa,” sabi ng hari sabay turo niya kay Ellaine at yung kasama ni Travis. “Kailangan niyong tanggalin ang mga saplot ninyo,” sabi niya, kinabahan ako ng mga oras na yun para kay Ellaine.
        Ano kayang itsura ng kasama ni Travis? Babae din ba siya gaya ni Ellaine? O baka naman lalaki rin? Hindi na ako natatakot dahil may tiwala ako sa kakayahan ko pati na rin kay Ellaine.
        Ang kinatatakutan ko ay kung sino ang nasa likod ng coat na iyan, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero naunang magtanggal ang kasama ni Travis. Isa itong nakangising lalaki, kilala ko siya.
        “J-Jackson,” sambit ni Ellaine, ah! Yung kasama niya nung program sa school, sigurado akong sinadya niyang magkita sila ni Ellaine. Pero teka nga, bakit parang kamukha niya yung coatman? Kung titignan siya sa malapitan magkamukhang magkamukha silang dalawa.
        Unti unti naman tinanggal ni Ellaine ang saplot niya at nagbulungan na naman ang mga tao, kung titignan mo kasi ang buong arena mga 3 lang ang babaeng lumaban tapos kabilang sa witches tapos pang apat si Ellaine sa mga babae.
        “Ah! Ellaine?” Tanong ni Jackson guy.
        “Oo ako nga,” sabi ni Ellaine, ang lamig ng boses niya. Hindi na nga talaga siya ang Ellaine na nakilala ko.
        Hindi ko alam kung matatakot maiinis o kung ano ang mararamdaman ko ngayon dahil magkakaharap na kaming apat. Ang sama ng tingin ni Travis sakin pero nakangiti parin si Jackson kay Ellaine.
        “Don’t look at her like that or else I’m gonna break your neck,” banta ko sa kanya pero pabulong lang naman.
         “Okay okay, sorry ang hot mo eh,” sabi niya, pinapwesto na nila kami sa gitna at hindi parin gumalaw, hinihintay na lang namin ang tunog ng gongs. Tahimik lang din ang mga tao sa paligid namin at gaya namin naghihintay lang din sila.
        Hanggang sa hindi nagtagal, tumunog na ang pinakahihintay namin. Nawala agad si Ellaine sa tabi ko. Napunta naman siya sa likod ni Jackson pero nakaiwas din siya, hindi ko namalayan na nasa likod ko na rin si Travis.
        “Huwag mo silang pakialamanan, may sarili rin tayong laban,” sabi niya kaya naman pinagbigyan ko na...
SUHO
        Pinanood namin ang laban nilang apat, naiinis parin ako. Natatakot sa pwedeng mangyare sa kapatid ko pero alam kong igaganti ni Luhan si Sehun. Kung hindi lang nila ang pinigilan baka napatay ko na ang lalaking yun!
        Masyado siyang seryoso sa pakikipaglaban. Ngayon ko lang din nakita ang Travis na iyan at sa tingin ko baguhan lang siya. Para sa isang baguhan napakalakas naman niya. Parang hindi siya ordinaryong nilalang gaya nung iba.
        Nagulat at napatayo ang lahat ng magsanib ang armas ni Jackson na espada at kapangyarihang lason ni Travis na sinugod sina Ellaine at Luhan, mahirap ‘to...
        Doble na ang lakas nila kina Luhan kaya alam kong mahihirapan silang dalawa na kalabanin sila. Anong gagawin niyo Luhan? Ellaine?
 
        [A/N] Sad to say guys, pero ang susunod na chapter ang huling chapter :3 Sorry~~~
Baka matagalan pa dahil sa nawalan talaga kami ng net T_T Isusulat ko na lang siya kapag nasa bahay at kapag nakapagcomputer shop ako ulit ay ipost ko agad. Last chapter at proceed na sa season 2 ;)
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet