Chapter 11- Jackson

The 12 Zodiacs
✔Chapter 11
ELLAINE
        Nakatunganga lang ako dito sa room namin. Ang boring kasing magturo ng teacher namin sa math tapos ang boring pa ng tinuturo. Napatingin na naman ako kay Luhan, ito lang ata ang bagay na hindi boring sa ginagawa ko eh. Hindi kasi siya nakakasawang titigan. Kahit na paulit ulit na lang.
        “Class Dismissed…” Yung mga kaklase kong malapit ng matulog biglang nabuhayan at tumayong bigla pagkalabas ng teacher namin. Lumapit naman samin si Xiumin at nakangiting nagsalita.
        “Guys punta tayo sa quarters natin,” yaya ni Xiumin. “,nandun na daw yung iba.” Siguro sina Chanyeol yung tinutukoy niya. Lumabas na kami pagkatapos naming ligpitin yung gamit namin.
        Hindi ko alam na may quarters sila dito sa school, excited na tuloy akong makita kung ano ang itsura nun! Si Kyungsoo ang kasabay kong maglakad tapos nasa likod namin sina Xiumin at Luhan. Sabi naman kasi sa inyo, medyo malapit na ang loob namin ni Kyungsoo.
        Super kulit niya, kahit mas matanda siya sakin ay kung umakto siya ay parang nakababata ko lang na kapatid. Ang cute cute at sarap pisilin ng pisngi. Kapag ngumingiti siya ay hindi nagbabago yung mata niya, malaki parin. Sabi kasi ni Tricia na kapag ngumiti daw ako ay naniningkit lalo ang mga mata ko.
        Pagdating namin binuksan na ni Kyungsoo yung pinto at pinauna na ako. “Hello Ellaine!!! ^_^” Bati ni Kuya Sehun, anong ginagawa niya dito? Hindi ba nasa school parin naman itong lugar na 'to?
        “Kuya Sehun? B-bakit ka nandito?” Tanong ko.
         “Alam mo kasi Ellaine, labas na ‘tong quarters na ‘to sa school kaya pwede na ako,” sabi niya habang nakangiti parin. Napatango na lang ako dahil sa sinabi niya. Ang akala ko naman kasi ay nasa loob parin kami ng campus.
        “Tara upo ka na Ellaine at nakakangawit ang tumayo,” sabi ni Chen na inaakbayan akong umupo, nilapag ko na yung bag ko sa ibaba dahil mukhang kakain kami!
        “Nasan na yung mga pagkain natin?” Tanong ni Chen, nilabas na nina Kuya Sehun yung pagkain at hinain na sa mesa namin.
        “Si Kyungsoo ang nagluto niyan kaya for sure masarap,” sabi ni Kuya Sehun. Mukha naman silang batang natuwa nung malaman nilang si Kyungsoo nga ang kumain noon dahil alam naman nating lahat na napakasarap magluuto nito.
        Sinimulan na naming kumain. Miryenda lang naman ‘to kaya hindi na din marami ang makakain ko, isa pa busog pa ko sa tanghalian namin kanina eh. Kahit ano ata ang lutuin ni Kyungsoo ay masarap. Kahit simpleng pagkain ay kaya niya pang bigyan ng kulay!
        “Akin kasi 'yan, ano ba?!” Sabi ni Chen nung agawin ni Kuya Sehun yung pagkain niya. Mukhang nagsama ang dalawang may pagka-isip bata ah?
         “Akin ‘to noh!” Sabi naman niya, melon bread kasi yung kinakain nila eh. Hindi pa ako nakakatikim nun pero mukhang masarap. Ang dami ko pang pagkain ang hindi ko natitikman. Sa susunod kailangan maging updated ako sa mga pagkain!
        “Hey!” Sabay na sabi ni Chen at kuya Sehun dahil kinuha ni Chanyeol yung pagkain nila at siya ang kumain, natatawa na lang ako sa kanilang tatlo. Ganito pala talaga sila kapag magkakasama.
        “Gusto mo Ellaine?” Tanong ni Xiumin sakin sabay abot ng inumin. Nginitian ko rin siya at sabay tango.
         “Salamat~” Pagkahawak ko sa baso hindi sinasadyang nahawakan ko din ang kamay niya “Ang lamig!” Sigaw ko.
        “Sorry, haha kakalabas lang niyan sa ref eh,” sabi niya habang kinakamot ang batok niya. Natural na ba talaga sa magpipinsan na ito ang pagiging cute? Wala pa nga ata akong ibang mapintas kay Xiumin. Ang sarap pisilin ng mataba niyang pisngi!
         “Okay lang, salamat ulit,” sabi ko na lang sa kanya.
        Grabe naman ang lamig ng inumin na ‘to, hindi naman nagyeyelo at malamig lang talaga. Tinuloy ko lang ang pagkain ko habang pinapanood ko din silang magkulitan, close talaga sila sa isa’t isa noh? Pero pansin ko lang lagi nilang binubully si Luhan! Kawawa naman siya.
        “Hoi Luhan, bulag ka ba? Ayan lang yung lalagyan sa likod mo oh!” Sabay turo sa likod ni Luhan, kinuha naman niya yun at hinagis kay Kuya Sehun.
        “Bakit mo binabato si Kuya Sehun? Hindi mo na ba siya ginagalang?” Tanong ni Kai sa kanya habang nakangisi. Hindi naman din siya nakasigaw, basta parang nang-aasar lang ang dating.
        “Haist!!! Bahala na kayo diyan, utos ng utos tapos reklamo ng reklamo,” nakakunot noong sabi ni Luhan sabay labas ng room , tawa naman sila ng tawa. Halata mo namang naaasar na talaga si Luhan sa kanila kanina pa.
        “Bakit niyo naman siya ginanun? Ang sama niyo, bullying ang tawag dun!” Sabi ko at tumayo. “Excuse me,” pagpapaalam ko. Tumakbo ako sa labas at sinundan si Luhan, nag aalala lang naman ko eh.
 LUHAN
        Nakakainis!!! Bakit ba hilig nila akong inisin? Tapos sa harap pa talaga ni Ellaine, sobra na yung kahihiyan na yun kaya lumabas na lang ako.
        Nandito ulit ako sa rooftop at nakaupo sa railings, tinitignan ko yung mga tao na naglalakad at tumatawa sa baba, buti pa sila nakukuha pa nilang tumawa noh?
        Tinignan ko na naman yung langit, hugis puso na naman hindi lang ang ulap pati na din ang mga bituin. Napansin kong nagiging pula na naman ang mata ko, ano na naman bang nangyayare sakin?
        “Luhan…” Nawala ang balanse ko sa pagkakaupo kaya naitukod ko sa sahig ang kamay ko, pula parin pala ang paningin ko kaya pumikit ako. “Anong ginagawa mo?” Tanong niya.
        “Wala, ikaw? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko at umupo ng maayos, bwisit ‘tong mata ko. Natatakot akong tumingin kay Ellaine, hmm kahit naman normal lang ang mga mata ko hindi parin ako makatingin sa kanya eh. Wala nang nagbago dun.
        “Sinundan lang kita,” sabi niya at tumabi sakin, alam kong hindi siya nakatingin sakin kaya naman tinignan ko siya, may iniisip siya.
        “Ang ganda nung ulap oh, hugis puso,” sabi niya. “.naniniwala ka bang kapag nakita niyo yan ng taong mahal mo ng sabay magiging sila?” Napatawa naman siya dahil dun. Tinignan ko naman ang ulap, kulay pulang ulap. Natatakot ako sa mga naiisip ko, hindi pwede.
        “L-Luhan, anong nangyare sa mata mo?” Tanong niya, hindi ko namalayang nakatingin pala siya sakin.
        “W-Wala ‘to,” sabi ko habang pilit na iniiwas ang tingin ko sa kanya pero siya naman hinuhuli ang tingin ko kaya wala akong ibang nagawa kundi tumalon, tumalon sa harap niya kahit na kita niya ako.
        Wala na akong magagawa kundi ang gawin ‘to kahit na matakot pa siya sakin. Nawala kasi ako sa sarili lalo na nung hawakan niya ang mukha ko para mapatingin sa kanya. Hindi na ako nakapag isip ng ayos kanina kaya kung ano na lang ang una kong naisip ang ginawa ko.
        At iyon ay ang pagtalon dito sa gusali, hindi ako uuwi dahil hindi magtatagal uuwi na din sila. Dumeretso muna ako sa gubat at nagtago, ito na lang muna ang magagawa ko sa kanya. Ang magtago...
        May pasok pa naman sana mamaya kaso nga lang mukhang hindi naman ako makakapasok. Paano ko na lang siya haharapin? Baka matakot lang siya sakin.
        Bigla naman akong nakaramdam ng presensya kaya napatigil ako sa pagtakbo ko. Bakit ganun? May naaamoy akong kakaiba, ngayon ko lang yun naamoy at dahil dun namula na naman ang paningin ko.
        “Kamusta na Luhan?” Siya na naman! Pero ngayon hindi na nakatago ang mga mukha niya. Kilala ko na siya, nakita ko na siya noong kasama si Ellaine hindi ako pwedeng magkamali.
        “Ano na naman, hindi ka pa ba masaya dahil sa ginawa mo sakin?” Tanong ko, bakit ba lagi na lang niya akong ginugulo? Wala ba siyang magawa sa sarili niyang buhay kaya ako ang napagiinitan niya?
        “Hindi naman kita ginugulo, gusto ko lang naman kamustahin ang aking imbensyon,” nakangising sabi niya sabay tawa na naman ng parang demonyo. Ang sarap niyang upakan pero bakit hindi ko magawa?
        “Itigil mo na ‘to, ano pa bang gusto mong gawin ko?” Pagmamakaawa ko sa kanya. Sapat na kasi sakin ang sumpa na ibinigay noon saming magpipinsan pero hindi ko na kaya na pati siya guluhin pa yun!
         “Hindi mo pa naman nagagawa ang una kong misyon para sayo,” seryosong sabi niya na para bang ako ang pag-asa niya sa kung ano mang misyon ang ibinigay niya.
        “Ano?” Pagtatakang tanong ko. Hindi ko na maintindihan ang isang ‘to kanina lang tatawa ngayon naman seryoso na yung mukha niyang nakatingin sakin. May toyo na ata ang isang 'to at ako pa ang napagbuntungan ng kabaliwan niya!
        “Hindi mo pa nahahanap ang taong itinakda,” sabi niya at nawala ng parang bula, alam kong nasa likod ko na naman siya pero hindi ako makagalaw. Ito na ang pagkakataon para masapak ko siya sa mukha pero napako ako dito sa kinatatayuan ko.
        “Kailangan mo nang mahanap ang taong yun hangga’t hindi pa huli ang lahat,” bulong niya sa tenga ko at nawala na ang presensya na pati na din yung amoy kanina. Nangangamoy na at lahat hindi parin nakuhang maligo! Ang sakit tuloy ng ilong ko...
        Nalilito rin ako sa mood ng taong yun, minsan ang bait dahil binibigyan ako ng payo pero utos naman ng utos, kaya ayokong nauutusan ng kahit ano eh naaalala ko ang taong yun
        Ang nakakapagtaka, ano bang kailangan niya at sakin pa niya pinapagawa ang bagay na yun? Hindi ko naman alam kung paano ko malalaman kung yung tao na ba na yun ang itinakda o hindi pa at nagpapanggap lang yun. Napaka komplikado ng sitwasyon ko...
 
        [A/N] Tulungan niyo naman si Luhan oh! Haha xD Sino kaya yung itinakda? Mga readers? Baka isa na kayo sa itinakda ah?
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet