Chapter 6 - The Cloak Man

The 12 Zodiacs
Chapter 6
LUHAN
        Habang naglalaro ramdam ko ang panghihina ni Xiumin kaya pinalabas ko na siya, wala na naman siyang magagawa dahil kahinaan niya ang araw. Madalas din silang maglayo ni Chanyeol dahil minsan nararamdaman niya ang presensiya, bale kahinaan nila ang isa’t isa. Si Chanyeol kasi ang flame samin at si Xiumin naman ang froze, obviously.
        Sa lahat ng Zodiac si Xiumin ang ka-close ko sa lahat, siya lang din naman kasi minsan ang nakakausap ko ng matino eh. Madalas din siyang seryoso sa mga bagay maliban na lang kapag aasarin ako, hay~ nasa lahi na namin ang mga mapang asar and sadly sakin nila naibunton yun.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko nang marinig kong tumunog ito.
Calling Sehun…
Luhan: Oh bakit?
Sehun: [PHONE] Kailangan niyong bumalik dito, asap! Isama mo silang lahat.
Luhan: Ha? Bakit naman?
Sehun: Wag ng matanong bilisan mo na...
-End call-
         Sinabihan ko na sina Xiumin at yung iba pa, buti na lang at break na din nung iba at makakapunta na sila. May kakaiba din sa tono ng pananalita ni Kuya Sehun kaya nakakapagtaka. Kilala namin si Kuya Sehun bilang isang masayahin na tao at kung magbibiro man siya ay mahahalata mo sa tono niya.
        Pero ngayon, parang may kakaiba. Hindi naman nagtagal ay pumutan na kami at halos lumuwa ang mata namin pagdating namin sa bahay.
        “Anong nangyare?” Tanong namin kay Kuya Sehun, halos wala nang natira sa bahay namin. Kung hindi sira ay sunog naman ang mga ito. Wala na kaming matitiran, meron pa pala. Pero matagal ko na sinabi sa sarili ko na hindi na ako babalik dun.
        “Kagagaling ko lang sa bayan para bumili ng pagkain namin pero pagdating ko ganyan na yan,” sabi ni Sehun, seryoso yung tingin niya kaya naman alam naming galit siya. Lumalakas na din ang hangin kaya for sure konting tulak pa sasabog na siya…Kuya Sehun.
         “Ang mga witches,” tanging sabi na lang niya, lalo pang lumakas ang hangin. Kung titignan mo si Sehun mabait yan pero pagdating sa mga witches wala siyang sinasanto.
        “Huminahon ka Sehun, sa ngayon dun muna tayo sa bahay natin,” sabi ni Xiumin. Hinawakan niya kasi sa balikat si Sehun at nagyelo ito. At tama kayo ng dinig, hindi ito ang pinakabahay namin dahil maliit ito. Gusto ni Sehun na tumira nang nakahiwalay at sinama kaming dalawa ni kai.
        Madalang naman din akong umuwi kaya sumama na lang ako sa kanila. Magandang lugar din kasi ito para sa mga alaga kong halaman. Pero hindi ko inaasahan ang nangyare ngayon sa bahay namin.
         Si Kai ay bigla nang nawala, tiyak at nagteleport na yun papunta sa bahay habang yung iba naman mabilis na tumakbo. Naiwan ako, may naramdaman akong kakaiba. Isang presensya, hindi ko alam pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
        Nakita ko na lang ang isang bilog sa inaapakan ko, I’m trapped. Biglang humangin ng malakas pero hindi parin ako gumagalaw. Tanging ang buhok at damit ko lang ang sumasabay sa lakas ng hangin, bakit naman kasi iniwan nila ako dito mag-isa, alam naman nilang hindi ko kayang labanan ang mga witch kung sakali mang dumating sila. Ano na lang kayang mangyayare sakin kapag nagkataon na witch ang makasagupa ko?
         “Kung sineswerte nga naman at si Luhan ang nabiktima,” sabi ng isang hindi pamilyar na boses. “,Or… malas?” pagpapatuloy niya, niinsulto ako ng isang ‘to!
         “Sino ka ba? Magpakita ka?” Sigaw ko sa kanya, may lumabas naman na lalaki mula sa likod ng puno na nakasuot ng itim na kapote. Nakatakip ang mukha niya kaya hindi ko mamukhaan kung kakilala ko ba ang isang ito. Isa lang ang tinitiyak ko, isa siyang wizard.
         “Well well well, Luhan Xi telekinesis, haha pero paano mo magagamit ang kapangyarihan mo kung hindi ka makagalaw, o hindi mo lang kayang kontrolin?” Tumawa na naman siya ng nakakainis.
        Konti na lang talaga babangasan ko na 'to kapag hindi tumigil sa kakatawa. Mas nakakainis pa ang presensiya niya kesa sa mga pinsan ko na madalas akong inaasar.
        Bigla siyang nawala at naramdaman ko siya sa likod ko na may tinusok sa bewang ko, ang hapdi! Para akong natusok ng isang malaking kutsilyo dahil sa sakita pero kasing laki lang siya ng karayom. Iba ang pakiramdam ko.
        Naramdaman kong may dumaloy sa katawan ko na mainit na bagay pero hindi ko alam kung ano yun. Sana 'wag yun isang ‘shard. Dahil kung hindi, hindi ko na rin alam kung saan ako pupulutin kung sakali mang mabuhay ako.
        “Nababahala ka ba kung ano ang bagay na yun?” Tanong niya sabay layo sakin. “,natatakot ka bang isang shard iyon?” Tanong niya sabay tawa na naman. Nakakapanginit ng ulo ang mga sinasabi niya pero hindi ko na lang pinansin.
         Ang init ng pakiramdam ko, feeling ko mapapaso ako sa sobrang init. Ramdam ko ang bagay na yun, nasa puso ko! Kulay pula na ang paningin ko hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
        Napaluhod na lang ako dahil sa sakit ng katawan ko, ang ulo ko na parang binibiyak dahil sa sakit. Ano bang nangyayare sakin? Ganito ba ang epekto ng isang shard? Hindi ako makagalaw ng ayos.
         Bumalik na ako sa bahay nang maging okay ang pakiramdam ko, nakita ko sila sa sala at nagtatawanan kasama si Ellaine, alam na siguro niya ang tungkol sa nangyare.
        Ang nandito lang sa bahay ay sina Chen, Chanyeol, Kai, Sehun, Xiumin, at Kyungsoo. Si Chanyeol lang ang hindi namin kaklase. Habang sina Kris, Lay, Suho at Tao naman for sure busy yun dahil mga may trabaho na, si Baekhyun, kasama ni kuya Lay dahil magkapatid silang dalawa.
         Si Lay ay isang doctor ng tao at maging ng mga zodiacs, si Kris naman piloto, joke! Malay ko pinagkakaabalahan nun, masyadong misteryoso eh. Si Suho naman water boy este may spa siyang pinapatakbo at ilang mga swimming pools and beaches. Si Tao? Siguro isa na yung gangster, malay ko sa mga ginagawa niya.
         “Saan ka ba nanggaling, bakit ngayon ka lang?” Tanon ni Sehun, kung kanina para na siyang bulkan na sasabog ngayon naman makangiti wagas.
        Naramdaman kong may tumusok sa bibig ko, hindi pwede ‘to. Hindi ko siya pinansin at pumasok sa kwarto ko dahil baka kapag nagsalita ako makita nila ang pangil ko.
        Pagpasok ko para na naman bibiyakin ang ulo ko, kung dati nakokontrol ko pa ang pagiging wolf ko ngayon nahihirapan na ako. Yes, we also turn wolf kapag gusto namin. Hindi ko rin alam kung paano, isa siguro iyon sa sumpa na ibinigay samin.
        Bilog ang buwan, bakit ganito? Nakakaya ko pa naman dati na maging tao parin kahit bilog ang buwan pero ngayon... “Arghhhh~” Iniipit ko ang boses ko. Once na ibukas ko maririnig nila ko, kailangan ko muna makaalis dito. Ayokong kaawaan nila ako kaya tumalon ako sa bintana ng kwarto ko at lumayo.
        Sa gubat lahat ata ng puno sinira ko na dahil ang sakit sa ulo, kulay pula na naman ang paningin ko. Konti na lang magiging isang ganap na wolf na ako. Lumayo pa ako, konti na lang mawawala na ako sa sarili ko.
         “Awoooooooo~” Ang huling naalala ko lang ay ang pagtalon ko sa isang mataas na puno.
ELLAINE
        Grabe yung nangyare sa bahay nina Kuya Sehun, natupok! Sino kaya ang magsusunog nun dahil tago naman ang bahay nila. Kasama ko sila dito sa bahay nila, pagtingin ko nga sa labas ang laki eh lalo na sa loob. Mas malaki pa sa tinutuluyan ko dati. Medyo creepy nga pagtingin ko sa labas dahil gabi pero maganda raw ito tuwing nasisinagan ng araw.
        Ayaw ata nila na may nagpupunta rito tuwing gabi dahil parang hunted house. Ang iba naman nilang pinsan? Mababait naman pala silang lahat kaya natutuwa ako. Nakakatuwa silang kausap.
        Bigla naman dumating si Luhan. “Saan ka ba nanggaling bakit ngayon ka lang?” Tanong ni kuya Sehun pero hindi siya nito pinansin.
        “Anong problema nun?” Tanong ni Sehun.
         “Hayaan niyo na yun baka naligaw na naman kanina,” sabi ni Kai, nag-aalala ako sa kanya. Parang iba yung aura niya kanina. Parang anytime kakain na siya ng tao. Ang creepy! Oo, dati ganun na rin ang nararamdaman ko pero ngayon kasi kakaiba. Mas nakakatakot!
         “Sandali lang guys, san ba dito ang CR?” Tanong ko pero hindi naman ako magCR hahanapin ko si Luhan baka kung ano na nangyare dun.
         “Kumanan ka lang diyan tapos kaliwa, derederetso ka na hanggang sa kulay asul na pinto,” sabi nila at nagpaalam na ako. Medyo naguluhan nga ako sa binigay niyang direksyon pero hahanapin ko na lang yung kulay asul na pinto.
        Para kasing may kanya kanya silang kulay ng pinto. Siguro mga paborito nilang kulay ang kikinulay nila. Ano kayang paborito ni Luhan?
 
        Pagpunta ko nakita ko kung saan pumasok si Luhan kaya naman sinundan ko, dinikit ko lang ang tenga ko para marinig siya.
        “Arghhh~” Rinig ko sa loob, nag-aalala na ako. Baka kaya masakit ang ulo niya o kaya naman may sakit na talaga siya kaya ganun siya kanina? Bubuksan ko sana kaso ay nagsalita sa likod ko.
        “Hindi iyan ang CR, dito,” sabay turo ni Kai ng banyo, kinabahan ako dahil sa pagsalita niya. Nagulat kasi ako sa bigla niyang pagsulpot.
        “Ah sige salamat.” Bago ko isara yung pinto ng CR tumingin ako sa pinto ng kwarto ni Luhan, ano kayang nangyayare sa kanya?
         After kong mag CR. Hinatid na nila ako sa kwarto ko dahil inaantok na din daw sila gaya ko. Dati ayoko sa malaking bahay dahil parang nakakatakot pero ngayon gusto ko na dito. Ang laki ng kwarto ko at pambabaeng pambabae, bago nga ako pumasok pinigilan ako nina Xiumin at Chen tapos pumasok sila.
        Ilang sandali lang lumabas na sila at pinapasok ako, kulay pink ang pader tapos ang daming stuff toys sa kama kaya naman niyakap ko silang lahat.
 
        “Ang ganda naman ng kwartong ‘to,” sabi ko habang nilalaro ang mga kamay nito. “,pero ayos lang kaya si Luhan? Nag-aalala na ako,” sabi ko sabay hinigpitan ang yakap sa teddy bear at nakatulog na.
 
        [A/N] I need feedbacks again guys! Ano sa tingin niyo yung shard na iyon? Nakakasama o nakakabuti kay Lulu-babes?
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet