Chapter 12 - Facts about wolves

The 12 Zodiacs
✔Chapter 12
        [A/N] Ang mga malalaman niyo tungkol sa wolves dito ay hindi totoo, kathang isip lang yun at galing sa imahinasyon ng author.
 
ELLAINE
        Umupo ako sa harap ng computer at nagsearch ‘Wolf’. Hindi ko alam pero unti unti ko nang nahiligan ang mga wolf at yun lang ang unang pumasok sa isip ko nung makita ko si Luhan. Pula ang mga mata, bigla siyang tumalon sa rooftop, ilang floor ang rooftop na yun at natalon niya. Hindi ko man lang siya nakita ulit pagkatalon niya na tiyak na tumakbo na siya ng mabilis.
        Pinauna ko na din sila dahil nag computer shop pa ako, ayoko ding malaman nila na interesado ako tungkol sa mga wolf dahil baka kung anong isipin nila. Pero diba magpipinsan sila? Malay natin lahat sila wolf, pero ayon sa article na nabasa ko endangered na ang mga yun at nasa 3 na lang ang bilang nila.
        Ayun din sa article na ito, minamana ang pagiging wolf sa mga ninuno. Hindi sa magulang nila kundi sa mga ninu ninuno pa nila, ibig sabihin kay Luhan napunta at namana yun. Kumbaga sa isang tao lang sa bawat henerasyon ang nakakamana nun at matagal pa ulit bago mamanang muli.
        Napahilot ako sa noo ko dahil sumasakit yun, muli kong tinignan ang iba pang imposmasyon tungkol sa wolf hanggang sa may nakapukaw ng atensyon ko ang ‘Types of Wolves’. Pinundot ko iyon kahit natatakot akosa kung anong malalaman ko.
*Types of Wolves*
3rd Class - They are born with the blood of being a Wolf, they are the weakest of all wolves. They are also known to be endangered because of a war long years ago.
2nd class - They are simple people that possess the power of Wolves though a powerful Shards. They are more powerful than the 3rd class that's why many people kill for a piece of shard.
1st class - They are born with the blood of being a wolf plus they possess the power of Shards. The most powerful Wolf and can also possess an unknown supernatural power.
*Descriptions*
        1. Some Wolves possess a powerful energy that is called Shard. It is a tiny piece of gem-like energy. This must be located near or exactly at your heart, once place on once body no one can take it off.
        2. Some Wolves do not have Shard but will never control it, If a shard is placed in their heart twice the power it will possess.
[Tagalog] May ibang mga wolf naman ang wala pang shards pero hinding hindi nila makokontrol ito, tulad ng kung kelan sila makakapag anyong tao at wolf, kapag nalagyan pa sila ng Shard magiging dalawang beses ang lakas nila
        3. Heavy and dangerous trainings are needed to 1st class wolves so they can manage how to use it only when needed.
        4. Wolves have a very important role in our society. They cannot defeat the witches and wizards without the ‘Orion Zodiac’ he/she is the most powerful creature in time.
        Na curious naman ako dun sa Orion Zodiac na yun, mas malakas pa siguro yung taong yun sa mga zodiacs pero ayon dito pinapasa ang kapangyarihan sa itinakda. Hindi ko na natuloy pa yung iba kong binabasa dahil sa gilid may nakita ako ‘The History of the 12 zodiacs’ bakit kasi hindi ako nahilig sa pagbabasa noon edi sana nabasa ko na ito noon pa lang.
        Pagpindot ko noon litrato ang una kong nakita at hindi ako makapaniwala sa nakita ko, hindi ko alam kung sadya o nagkataon lang na kamukha nila ang iba nito.
        Capricorn, Aquarius, Pisces, Aries, Taurus, Gemini, Cancer, Leo, Virgo, Libra, Scorpius at sagittarius nakita ko naman yung kamukha nila, as in kamukhang kamuka nilang lahat, hairstyle lang ang nagkaiba dahil ito yung mga ninuno nila! Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa.
        Isa lang ang Orion Zodiac at wala pa ang nakakakita sa kanya simula nang magharap ang mga witches at zodiacs noon which is mga ninuno pa nina Luhan kung tama ang conclusions ko. Ayoko namang maging padalos dalos sa mga natutuklasan ko.
        Hanggang ngayon kasi hindi parin ako naniniwalang totoo ang mga wolf, pero paano ko makukumbinse ang sarili ko kung nakita ko yung kayang gawin ni Luhan na imposible talagang magawa ng mga simpleng tao.
*Facts*
Zodiacs- are a family of constellations blah blah blah...
        Ito nabasa ko na ‘to dati nung pinag aaralan pa namin ang solar system eh. Pero hindi ko alam na may pinagmulan talaga ang mga zodiacs na tao
        “Time ka na Ellaine!” Napapout na lang ako dahil sa narinig ko. Ayan tuloy, pinrint ko na lahat lahat nung nakita ko at sa bahay na lang ako magbabasa, buti na lang may dala akong pera.
        Pagdating ko nakita ko na sila maliban kay Luhan, baka iwasan na niya ako ngayon nito. Well ang ibig kong sabihin, lalo niya akong iwasan dahil alam ko na ang tungkol sa kanya. Hindi pa naman ako sigurado pero gagawin ko ang lahat para malaman ko ang lahat tungkol sa kanila.
        Hindi ko pa masyadong kilala ang pamilya nila kaya naman kailangan ko ding mag ingat. Hindi dahil tinulungan nila ako at pinatuloy ay masisigurado ko na ang kaligtasan ko sa kanila. Ayoko magpadalos dalos.
        “Ngayon ka lang? Saan ka ba nanggaling?” Tanong ni Kuya Sehun habang pinaghahanda na ako ng hapunan sa mesa.
        “Nag computer shop lang po ako,” kabadong sabi ko at umupo na sa upuan ko, tinago ko muna sa ilalim yung envelope kung nasan yung mga na research ko at kumain muna. Medyo kinakabahan ako ngayon sa harap ni Kuya Sehun.
        “Nasa kwarto silang lahat at nanonood ng X-men, gusto mong manoood?” Tanong niya sakin, may babasahin pa ako pero hindi ko naman dapat sabihin sakanya baka itanong pa kung ano yun.
        “Inaantok na din po kasi ako kaya hindi na muna,” sabi ko. Pero naisip ko lang, nandun kaya si Luhan at nanonood o nasa room niya? Hay~ bakit hanggang ngayon concern parin ako sa kanya?
        Hindi naman malayong saktan niya ako dahil isa siyang wolf but there is a part of me na nagsasabing hinding hindi niya ako magagawang saktan? Stop thinking Ellaine! Masasagot mo rin yan pero hindi pa yun ngayon!
        “Aakyat na po ako,” sabi ko, tumango naman siya at kinuha ko na yung envelope. Nagmadali na ako at isinarado yung pinto, desperado na akong malaman ang totoo.
        Ayokong maging muwang sa mga bagay tulad nito lalo na at kapakanan ko din ang nakasalalay dito, pwede akong mapahamak dahil dito. Binasa ko lang lahat ng yun at isa lang ang napatunayan ko, totoo. Totoo sila at mga kakaibang nilalang, anong gagawin ko? Iiwasan sila?
        Pero mabait naman sila sakin ah? Hindi ko dapat iniisip na lumayo dahil bakit hihintayin pa nilang malaman ko ang tungkol sa kanila kung pwede naman nila akong patayin noon palang Pero sapat na nga ba ang mga panahong magkakasama kami para maisip nila ang pwedeng mangyare sakin?
        Naguguluhan na ako, hindi ko na alam kung ano at sino ang paniniwalaan ko...
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet