Chapter 26 - Missing you

The 12 Zodiacs
✔Chapter 26
LUHAN
        Puro training lang ang ginagawa ko at hindi ko ininda ang pagod, sabi ni kuya Lay kulang ako sa cardio kaya naman paghuhusayan ko. Kung saan ako mahina, iyon ang pinagtuunan ko ng pansin at pinalakas ko.
        Papatunayan ko sa kanya na hindi lang ako aasa sa kanya at sa mga kuya namin, pinapanood lang nila ako sa ginagawa ko. Para bang napagod na rin sila sa paulit ulit na ginagawa namin kaya naupo na lang at nanood.
        Kung dati pag sinusuntok ko ang puno nag kakaron lang ito ng bilog pero ngayon isang suntok ko palang tumutuwad na ang puno. Para bang may kung anong malakas na enerhiya ang dadaloy sa kamao ko kasabay ng pagsuntok ko.
        “Tama na muna yan Luhan, 'wag mo masyadong pagurin ang sarili mo,” sabi ni Kuya Sehun pero hindi ko siya pinakinggan. Nagpatuloy lang ako sa ganun hanggang sa makapunta na ako sa gitna ng gubat, umakyat ako sa pinakamataas na puno.
        Ang dami ko tuloy naisip pagkatungtong na pagkatungtong ko sa puno. Dito ko dinala si Ellaine noon, dito kami unang nagsamang dalawa. Tinignan ko ang kabuuan ng gubat, ang ganda...
        Nagiging pula na naman ang mata ko pero may iba, may halong luha ang mga ito. Ellaine, namimiss na kita...
        Habang inaalala ko si Ellaine...
 
        “Awoooooooooooooo~” sigaw ko, naging ganap na wolf na ko pero ang bago lang nasa katinuan parin ako. Hindi ko rin alam kung kelan ko pa ito nakontrol pero naramdaman ko ito noong nagsasanay ako.
        Tumakbo ako hanggang sa makalayo ako sa bahay, naupo lang ako sa isang tabi at pinanood ang umaagos na tubig sa dalampasigan. Sa hindi kalayuan naman may batis dito tapos ang susunod naman ay ang dagat na, kung alam ko lang kung nasan si Ellaine pupuntahan ko na siya.
        Kaya nga lang wala eh...hindi ko alam kung saan siya dinala ni kuya Lay at nina kuya Suho.
       Sa hindi kalayuan naman ay may narinig akong impit na tunog kaya hinanap ko ang kinalalagyan ng tunog na narinig ko at sa hindi kalayuan ay may nakita akong na stuck na wolf sa puno.
        Paano naman nakaakyat ang wolf na yun at ang nakakatuwa pa nun nang makalapit ako ay kulay pink ang wolf.
        “Wow~ ngayon lang ako nakakita ng wolf na ganito ah,” hindi ko mapigilan ang mapansin agad iyon dahil madalang talaga ang kulay rosas na wolf. Pagkakuha ko sa kanya ay bumaba na rin ako sa puno, hinagod ko ang makapal nitong balahibo.
        Nakauwi ako sa bahay na dala dala ang wolf, nakita ko naman sila na nakaupo sa sofa at nanonood ng basketball...lumapit sila sakin at tinignan ang dala dala ko. Tahimik lang ito sa bisig ko at para bang komportableng natutulog dito.
        “Wow, ano yan? Stuff toy?” Tanong nila. Napangiti na lang ako, iyan din ang nasa isip ko kanina pero bakit gumalaw?
        Nope, totoong wolf ‘to,” sabi ko sa kanila, tumabi ako sa kanila. Hindi naman sila mukhang naniwala sa sinabi ko. Natutulog na rin kasi yung wolf sa braso ko eh kaya hindi gumagalaw.
        “Weh? Wolf? Kulay pink? Haha patawa ka talaga Luhan, san mo nabili yan?” Tanong niya, hindi ko siya pinansin, ayaw maniwala eh. Bigla naman gumalaw yung wolf...gising na siya. Nakaktuwa dahil nag inat pa iyon at humikab, nag blink ang mga mata na tumingin sa mga pinsan ko.
        Napanganga na lang sila sa nasaksihan.
        “Wow *O* ang cute naman ng wolf na yan,” sabi ni Kyungsoo, nilapitan niya yung wolf at hinawakan ang balahibo.
        “Pink na wolf?” Hindi makapaniwalang tanong ni kuya Sehun.
        “Oo nga, hawakan mo man,” sabi ko, nung una ayaw niya pero sa huli hinawakan din niya.
        “Wow, just wow. Pink na wolf *O*” Ayan na naman ang hyper na kuya Sehun, hindi nga naman mawawala yan noh! Kunware pa eh, pasungit effect pa hindi naman bagay, sakin lang ata bagay ang magsungit eh.
        “Anong pangalan niya?” Tanong ni Kyungsoo.
        “Hm? Baby Ellaine,” sabi ko, kahit papano naman may makikita akong magpapaalala sakin kay Ellaine...
        Hindi na sila umimik dahil baka mabangasan ko pa sila kung aapila sila. Alam ko namang namimiss din nila si Ellaine, sabay sabay na halos kami lumaki kaya kilalang kilala ko na rin sila.
ELLAINE
        Bumalik na kami sa tinutuluyan namin dala dala si Baby Lulu na natutulog na sa braso ko. Hindi ko pa nakikita yun pero sa tingin ko kasya naman kaming apat doon. Sanay naman ako sa maliit na tirahan.
        “Teka, may naaamoy ako simula kanina. Isang wolf,” sabi ni Kuya Lay, bulag nga pala siya kaya hindi niya alam na may dala ako. Sinabi lang sakin kanina ni kuya Suho. Medyo nagulat pa nga ako dahil parang wala lang.
        Hindi naman siya nahihirapan na maglakad, hindi rin siya napapatid at hindi na niya kailangan ng stick para makapaglakad. May bago na naman akong nalaman tungkol sa kanila. Malalakas talaga ang pakiramdam nila.
        Napatingin naman sakin sina kuya Kris at Suho dahil sa tanong ni kuya Lay. “May dala po akong maliit na wolf,” sagot ko.
        “Natutulog siya ngayon sa braso ni Ellaine,” sabi ni kuya Suho. Akala ko magagalit siya dahil sa dinala ko pero hindi...
        “Saan mo nakuha ang wolf na yan?” Tanong niya.
        Kanina sa batis, nung nag eensayo tayo,” sagot ko, sana naman hindi niya ipatapon sakin. Kawawa naman kasi, parang nawawal siya. Kung may maghanap man sa kanya edi ibibigay ko na lang.
        “Ah ganun ba?” Sabi niya at nagpatuloy lang sa paglalakad, nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun. Akala ko ilalayo nila sakin pati si Baby Lulu.
        Pagdating namin nagpahinga na kami, gabi na rin kasi kami natapos at syempre kailangan ko ding magpahinga dahil tao rin naman ako. Well tao nga ba talaga ako? Hay~ bumabagabag parin ang mga tanong na yan sakin, hindi ko na rin kilala ang sarili ko.
        Hindi ko pa gaanong makontrol ang kidlat sa palad ko pero minsan naman nakokontrol ko. Hay~ nakakapagod ang araw na ‘to...
        Humiga ako sa higaan ko at itinabi si baby Lulu. “Hindi mo naman ako kakagatin baby Lulu noh?” Tanong ko sa kanya. Hinagod ko ang makapal niyang balahibo, para na akong may katabing gumagalaw na stuff toy.
        “Alam mo Baby Lulu, naisip ko lang. tao kaya ako? O kagaya nila ako?” Tanong ko, tinignan ko ang buwan, half moon palang siya. “,sana buwan na lang ako, gaya niyan. Malaya ako at tinitignan lang ang mga tao sa paligid niya,” pagpapatuloy ko.
        Kahit hindi sumasagot ang wolf na ito nagsalita parin ako, malay natin naiintindihan niya hindi lang siya sanay magsalita diba? Gusto ko lang ng may karamay ngayon.
        “Pero ayoko ng half, kasi para sakin ang ibig sabihin niyan broken, parang broken hearted?” Natawa na lang ako sa naisip ko. “,gusto ko maging full moon, hindi yung sakit ah? Pero gusto ko maging perfect,” tinignan ko si Baby Lulu at natutulog na siya.
        “Alam mo, miss na miss na miss ko na si Lulu. Kahit na kahapon lang kami nagkita,” sabi ko. Naramdaman ko ang isang patak ng luha na galing sa mata ko. Umiiyak na pala ko. Ayos lang kaya si Lulu ngayon?
        Kumain na ba siya? Nakakatulog ba siya ng tama sa oras? Namimiss na din ba niya ako gaya ng pagkamiss ko sa kanya?
        So much for my thoughts, matutulog na lang din ako “Good night Baby Lulu…” Hinalikan ko ang noo niya at tumingin sa buwan. “Good night Lulu,” then I off to sleep...
 
        [A/N] Iyak na kayo! hahaha xD Pink na wolf nga pala sa side >.< inedit ko lang yan, wala talagang pink na wolf sa totoo :3 Sabi nga ng daddy ko bading daw yung wolf kaya kulay pink xD
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet