Chapter 25 - Baby Lulu

The 12 Zodiacs
✔Chapter 25
LUHAN
        Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon pero isa lang ang nasa isip ko, alam kong mahal parin ako ni Ellaine...
        Alam kong kailangan niya lang lumayo para sa sarili niya, alam kong hindi pa siya nakakarecover sa mga nalalaman niya pero hindi niya naman kailangan magpaalam. Hindi naman nila kailangang ilihim pa sakin ang bagay na yun.
        Kung siya ang Orion Zodiac, edi siya! Alam kong pareho kaming may gampaning dalawa pero hindi ba nila maisip na kung sakaling hindi ko malaman ang totoo, ano na lang ang iisipin ko? Ano na lang mangyayare sakin sa susunod na mga araw?
        “Luhan tama na, kahit anong gawin mo hindi na babalik yun,” sabi nila sakin, simula kasi ng umalis sila talagang umalis na nga sila. Hindi man lang kami nagkalinawan ni Ellaine para malaman niyang hindi ako papayag na makipaghiwalay siya sakin.
        “Alam ko pero nakakainis lang! Hindi niya naman kailangan gawing komplikado ang relasyon namin,” inis na sambit ko. Alam kong alam nila ang gusto kong iparating, pwede naman niyang sabihin sakin dahil papayag naman ako basta nagkakaintindihan kami ni Ellaine.
        “Kung hindi nga namin narinig na pinaguusapan yun nina Kuya Suho eh hindi din namin malalaman,” sabi ni Kuya Sehun. Kung hindi pala nila nalaman wala talaga silang balak na sabihin samin noh?
        Ang unfair talaga nila, bakit kailangang silang lang ang makaalam. Porket mas nakakatanda sila? Hindi ba nila naisip ang nararamdaman namin? Kahit na mas bata kami sa kanila ay nasa tamang edad na kami para makaintindi.
        Feeling ko kasi para kaming mga bobo pagdating sa mga zodiac, ni hindi ko alam ni si Ellaine at ang orion zodiac ay iisa lang. Pero ano pa nga ba?
        “Kailangan din nating mag ensayo gaya nila,” sabi ni Kuya Sehun, tinulungan ko silang mag ayos ng gubat.
        Kahit wala ang mga mas nakakatanda samin kailangan naming mag ensayo at papatunayan ko sa inyo na magiging mas malakas ako. Lalong lalo na sayo kuya Lay, ipapakita kong nagkamali ka ng taong binangga. Kapag mas naging komplikado ang relasyon namin ni Ellaine...
        'Swear! Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!'
        Sina Kuya Sehun at baekhyun ang tutulong sakin sa pag iwas sa malapitang atake dahil mabibilis at maliliksi silang dalawa. Sina Chanyeol at Xiumin ang magbabato ng katanang may apoy at gawa sa yelo, si Chen naman ang magpapaulan para mas mahirapan ako dahil maputik.
        Si Kyungsoo naman ang magpapagalaw ng mga bato para humarang sa daan ko, madali lang ang bagay na ‘to...si Kai naman ang kailangan kong mahuli at mapuruhan dahil siya ang may kakayahang mag teleport, let me see...
        Sa una isa isa ko iyong lalampasin, una sina Chanyeol at Xiumin na nagawa ko namang iwasan ang isang batalyon nilang katana. Sunod naman ay sina kuya Sehun at Baekhyun na lumapit sakin pero naiwasan ko rin, hindi ko naman maiwasang matamaan ng kuko ko si kuya Sehun.
        Mag-sorry na sana ko kaso may humarang na bato sa mukha ko buti nakalmot ko ng kuko ko, pasalamat talaga ako dito sa matalim kong kuko. Ginawa ko lang yun hanggang sa malapitan ko si Kai. Ilag lang ng ilag si Kai sakin, nakailang habol siguro ako sa kanya nito.
        Nagawa kong sugatan si Kai sa braso niya kahit ilang ulit pa siyang lumayo sakin. “Talagang ang laki ng pinagbago mo Luhan,” sabi ni Xiumin.
        “Bilib na ako kay Kuya Lay dahil napalakas ka niya ng ganyan,” sabi ni Kuya Sehun, napasimangot naman ako.
        “Don’t say bad words,” sabi ko dahil hanggang ngayon naiinis parin ako sa inasta ni kua Lay, talagang iyon ang ginawang paraan.
        Ang paghiwalayin kaming dalawa, tss. Nakakabanas talaga, sinipa ko ang malapit na puno sa tabi ko at tumuwad ito. Siguro naman nakapag ensayo na rin sila sa ginawa namin.. Yun lang daw kasi kailangan nila dahil malakas na raw sila.
        “Grabe talaga ang epekto ni Ellaine sa kanya,” sabi ni Kuya Sehun. Kahit medyo malayo na ako sa kanila rinig ko parin mga sinasabi nila. O baka naman sadyang pinaririnig lang talaga nila sakin?
        “Tama ka, tsk tsk. Ang taong inlove nga naman oo,” Pang-aasar ni Chen. Tiyak na lahat sila makukuhang magcomment hanggang sa mapuno ako at magalit. Pero hindi na yun mangyayare...
        “Kaya ayokong magkakagusto sa mga tao eh,” sabi naman ni Kyungsoo. Hindi na nga ako maaasar sa mga loko nila diba? Siguro masyado kong dinaramdam noon ang mga pang-aasar nila dahil iniisip kong masyado, kumbaga masyado akong nagpapaapekto.
        “Kung alam ko lang gusto mo rin si Ellaine,” sabi ni Chanyeol. Tinignan ko naman sila ng matalim, pinagpatuloy ko ang pagsira sa mga puno. Naiinis ako, ano na kayang ginagawa nila. Nag aalala na ako kay Ellaine.
        Nawala tuloy ang pagtitimpi ko kanina nung marinig ko yun. Alam talaga nila kung paano ako asarin noh? Kainis!
ELLAINE
        Nandito kami sa hindi ko malamang lugar, basta para siyang arena. Yung sa ghost fighter, yung may bilog sa gitna at may mga bleachers na nakapalibot sa gitna ng bilog. Napakalaki naman ng lugar na ito.
        Sinubukan kong gamitin ulit ang kidlat na kapangyarihan ko pero hindi ko talaga makontrol. Iyon lang ang pinunta namin dito sa lugar na ito pero hindi ko parin talaga magawa. Parang may gumugulo kasi sakin.
        "Tara sumama ka samin,” sabi ni Kuya Lay. Naglakad kami palabas ng arena at pumunta sa isang, hm. Batis? Yung may waterfalls pa na kung anu ano. Ang linis niya at ang linaw. Maraming mga puno sa paligid at mga ibon na malayang lumilipad.
        May tubig na dumadaloy pero hindi naman ganun kabilis at hindi rin ganun kalalim kaya pwede kang maligo rito.
        “Kailangan mo munang alisin ang takot mo, i-focus at i-relax mo ang katawan mo,” sabi niya, nag-indian sit naman ako sa ilalim ng falls. Pinakiramdaman ang bawat agos nito sa katawan ko, hinayaan ko ang mga ito at hindi ko pinunasan ang mukha ko kahit napupuwing na ako.
        Pilit kong dinilat ang mga mata ko, nakakakita ako ng ibon kaya ini magine ko ang mga huni nito, mga hampas ng hangin sa mga dahon. At kung anu ano pa, ang sarap sa pakiramdam. Sa tingin ko kailangan ko munang alisin si Luhan sa isip ko kailangan kong gawin yun.
        Itinuon ko pa ang atensyon ko sa paligid para hindi ko mapansin ang pagkahilam at epektibo naman ang bagay na iyon.
        Pagkatapos ko run pinaalis na ako nina kuya Lay at pinalusong sa tubig, hanggang tuhod lang ang nilusong ko. Baka kasi malalim na yung dulo, hindi pa naman ako ganung magaling lumangoy.
        “Pakiramdaman mo ang paligid mo, hindi mo alam kung ano ang pwedeng lumabas diyan,” sabi ni Kuya Lay. Tiyak na kung hindi si kuya Suho ang lumabas at si kuya Kris. Isang malakas na hampas ng tubig ang naringi ko. Napatingin ako sa likod ko then otomatikong may lumabas sa kamay ko...ang kidlat.
        Si Kuya Kris yun pero lumipad lang siya, sunod naman sa likod ko si kuya Suho pinangharang lang ang tubig sa kanya pagkalabas ng kidlat sa kamay ko. Masyado akong natetense, kaya siguro nagagamit ko ang kidlat ko.
        Nagpatuloy kami sa ganun hanggang sa may napansin ako. Naiwas ko naman agad ang kidlat na iyon dahil may nakita kong lumabas sa tagong mga damo. Nilapitan ko iyon at isang maliit na wolf!
        Kinarga ko naman yun at hinagod, mukha naman siyang mabait. Akala ko talaga tatamaan ko na siya kanina, buti na lang at napigilan ko bago pa tamaan.
        “Ano yan Ellaine?” Tanong ni kuya Suho hanggang sa lumapit sila sakin ni kuya Kris. Si kuya Lay? Hindi ko alam kung nasan na siya, masyado akong naging busy sa kakaensayo kanina.
        “Isang maliit na wolf, tignan mo kuya Suho oh. Ang cute *^_^*” sabi ko sabay pakita sa kanya kay Baby Lulu. Medyo natauhan ako dahil sa naisip ko, Lulu...
        “Alam mo, mapanganib ang mag alaga ng wolf,” sabi niya napasimangot na lang ako sa sinabi niya. “,tara ipagpatuloy na natin,” sabi pa niya.
        “Sige, bahala kayo pero itatabi ko siya rito," sabi ko at nilapag sa isang gilid. “,diyan ka lang Baby Lulu ah?” Kinausap ko yung wolf pero nakakatuwa dahil tinagilid niya yung ulo niya na para bang gusto ko siyang laruin. Parang maliit na tuta lang...
        “Tara na,” sabi nila, nagpatuloy lang kami sa pag eensayo, sa tingin ko naman mababawasan ang pagkamiss ko kay Lulu kung nandito si Baby Lulu noh?
 
        [A/N] Waaah! Gusto ko mag-alaga ng Wolf!! hahaha xD Joke lang -_- Any side comments?
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet