Chapter 29 - Tournament

The 12 Zodiacs
✔Chapter 29
LAY
        Ngayong araw na ang hinihintay hindi lang ng mga zodiac kundi pati na rin ng mga witch at wizards na sasali sa tournament. Nagsuot na kami ng coat naming mga zodiac na may sign sa likod namin, unicorn ang sign ko at iba rin yung sa iba.
        Hindi na namin tinakpan ang mukha namin maliban kay Ellaine dahil siya ang orion, makikita lang ang mukha niya kapag lalaban na, kung sakaling makaabot siya sa pinakadulo ng tournament.
        Ang sign niya sa likod ay ang sign ng orion zodiac kaya naman tiyak na marami ang magugulat kapag nakita nila si Ellaine.
        “Orion? Ready ka na ba?” Tanong ni Suho, tumango naman si Ellaine at nagthumbs up at alam kong nakangiti siya sa loob.
        Sinabi ko kasi sa kanila na ‘Orion ang itawag sa kaniya dahil baka may makakilala sa kanyang ibang tao, mabuti na ang nag iingat. Sabay sabay kaming pumunta, si Suho kasama si Kris dahil nakakalipad sila, habang si Tao naman at nauna na rin.
        “May I?” Tanong ni Orion, ngumiti naman ako at tumango kaya hinawakan niya ako at inilipad sa arena, sinundan niya sina Kris.
        Pagkababa namin alam kong nakatingin ang mga tao samin at gulat nang makita nila ang orion kaya naman lumapit sakin si Ellaine ng bahagya. Sino ba naman ang hindi magugulat na malaman na hawak na namin ang Orion na matagal na nilang hinahanap?
        “Don’t be scared Orion, hindi ganyan kumilos ang isang orion,” sabi ko kaya naman tumayo siya ng tuwid at naglakad.
        Hanggang sa makarating kami sa upuan namin at ramdam ko ang tingin ng mga tao samin lalo na ang mga witches ng makita si Orion. Hindi siguro nila expected na kilala namin ang orion all this time, at ang pagkakaalam ko si Ellaine ang unang orion na babae sa history.
        Kahit na naman hindi nila alam na babae ang nasa likod ng coat ay alam nila kung gaano kapanganib ang mga naging Orion.
        Sa arena na ito nasa gitna ang hari which is wala pa, lalabas lang siya kapag siguradong kumpleto na ang mga tao rito. Sa harap naman namin ang mga witch at wizard na naka coat na itim pero plain lang siya, hindi tulad namin nakatakip and bibig nila maliban ang ilong at mata.
        Sa pwesto naman namin ang mga Zodiac, nandito na kaming dose at pansin ko ang pagsulyap ni Luhan sa gawi namin. Hindi naman pinapansin ni Ellaine ang tingin na iyon at sa harap lang nakatingin, ramdam ko ang nginig ng kamay niya.
        Kaharap namin ang mga witch kaya naman alam ko ang nararamdaman ni Ellaine, hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin.
        “Don’t think too much,” sabi ko na lang sa kanya, natatakot man ako sa pwedeng mangyare ngayon kailangan ko parin siyang I-comfort.
        Hindi nagtagal nagsimula na ang paligsahan at hindi naman maipagkakailang magagaling ang mga witches na sumali ngayon. Ang una ay hindi muna kami maghaharap harap, kung sino lang ang matira pagkatapos matalo ang tig iisang mababangis na lobo.
        Nang si Orion na ang lalaban ay natahimik ang lahat, tila naghihintay kung sino ang susugod sa kanilang dalawa. Rinig ko na din ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit, wala naman akong nararamdamang gumagalaw maliban na lang sa pumalo ng gongs.
        Ang lobo ang unang sumugod sa kanilang dalawa pero umiwas lang si Orion, kinakabahan ako. Nararamdaman ko rin ang kaba niya...alam kong natatakot siya pero alam kong kaya niyang talunin ang lobo na iyan dahil may nakaharap na siyang lobo nung nag eensayo palang kami.
        Hindi nagtagal unang lusob lang niya ay naiwang estatwa ang lobo at unti unting bumaksak habang siya naman bumalik sa tabi ko. Ganun kabilis niya natalo ang lobo na nakaharap niya. Paglapit niya ay nagsalita na ako agad.
        “Good Job, Orion,” sabi ko sa kanya, nagsi-thumbs up naman sina Suho sa kanya. Ang nakakapagtaka hindi siya tumitingin sa gawi nina Luhan. Hm?
ELLAINE
        Alam kong nag-aalala siya pero nagugustuhan ko ang ginagawa ko, kahit paligsahan lang ito gusto kong pumatay ng mga oras na ‘to. Kaya walang alinlangang kinuha ko ang puso ng lobong yun at iniwan siya, alam kong nakita yun ni Luhan kaya ayokong tumingin sa kanya.
        Wala na akong maisip na matino, ang gusto ko sa ngayon ay matalo lahat ng witches at wizards dahil alam kong…sila, sila ang dahilan ng pagkamatay ng tatay ko pati na rin ng nanay ko. Hindi ko alam pero kahit feeling ko lang yun? Malakas parin ang feeling ko na yun...
        I mean, hindi ako madaling mag judge ng mga tao o kahit witches pa pero may nagsasabi sakin na sila din ang dahilan noon. Unti unti namumulat ako sa katotohanan na hindi ako tao ngayon, hindi na ako ang dating Ellaine na simpleng nag aaral at tumatawa.
        Ang tunay na ako ay ito, isang mandirigma at ang orion. Alam kong mapanganib ang bagay na ito pero gagawin ko ang lahat para protektahan ang mga zodiacs...dahil iyon ang misyong binigay sakin.
*Flashback*
K A G A B I
        Nagising ako dahil sa kaluskos na nanggaling sa bintana kaya naman lumabas ako, tinignan ko naman si Baby Lulu at hindi naman siya nagising sa tabi ko kaya okay lang.
        Lumabas ako hanggang sa masundan ko ang tunog na yun, ang nakita ko ay ang isang nakakapanindig balahibo at nakakatakot na tao. Hindi ko alam kung ano na ang iisipin ko sa mga nakikita ko ngayon, si mama ang nasa harap ko pero hindi siya normal.
        Isa rin ba sa kapangyarihan ko ngayon ang makakita ng mga namatay na kaluluwa? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon.
        “Kamusta na aking anak?” Tanong niya, nakatunganga parin ako sa harap niya. “,alam mo na palang ikaw ang Orion, mabuti naman kung ganun,” nakangiting sabi niya. Hindi parin ako kumikibo.
        “Panahon na para malaman mo ang tunay na misyon mo,” sabi niya. Seryoso na ulit ang mukha niya. “,iyon ay ang puksain lahat ng mga witches at ipagtanggol ang mga zodiacs,”
        “,Sila ang makakatulong sayo anak, gusto kong malaman mo na ang dahilan ng pagkamatay namin, hindi iyon dahil sa iyo,” sabi niya. “,dahil iyon sa kasakiman ng mga witches na yun, anak…”
        Lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko, nararamdaman ko ang presensya niya. Ang lamig ng mga kamay niya.
        “Panahon na para harapin at tahakin mo ang landas na para sayo,” pagpapatuloy niya. “,tungkuling mong alagaan ang mga zodiacs, lalo na si Luhan,” at pagkatapos nun nawala na lang siya ng parang bula. Hindi man lang ako pinagsalita.
*End of Flashback*
        Dahil ang mama ko na ang nagsabi ng bagay na yun, hindi ako makakapayag na may gawing masama sila sa mga zodiacs.
        Ang isa sa tungkulin ng mga Orion ay pangalagaan ang mga zodiacs pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nabanggit niya si Luhan.
        Kung ganun, matagal na niyang kilala sina Luhan at ang iba pa? Bakit parang kung hindi ko malaman ang sagot sa tanong na iyan ay may malaking bahaging mawawala sakin? Hindi ko maintindihan...
        [A/N] Uwaaaa! Malapit na matapos paano ba yan? May story na naman akong gagawin after TAOTD <3 weeee~~ hahaha xD
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet