Chapter 15 - Revelation ad Confession

The 12 Zodiacs
✔Chapter 15
ELLAINE
        Naglalakad lang kami at nakasunod lang ako sa kanya, kung titignan ang dinadaanan namin papunta kami ngayon sa gubat, ano namang gagawin namin dito? Hindi na naman ako takot sa gubat dahil matagal akong tumira rito peero iba na ang sitwasyon ngayon.
        Kung normal na tao lang ako at hindi kilala si Luhan mga bagay na maiisip ko lang at ‘Papatayin na ba niya ko dahil nalaman ko na?’ o 'Iaalay na ba niya ako sa kalikasan para maging mas malakas siyang wolf?’
        Kinikilabutan na tuloy ako sa kung anu anong mga bagay na pumapasok sa isip ko. Bakit naman gagawin ni Luhan yun? Hindi naman siya ganun diba?
        “Ahm, anong ginagawa natin dito?” Pagkatanong ko kinilabutan ako dahil biglang humangin, bakit naman ganun? Lalo akong kinilabutan ah? Nakita ko ang pagngisi ni Luhan.
        “Alam na ni Kuya Sehun na naguusap tayo.” Ayon sa sinabi niya, hangin ang kapangyarihan ni Kuya Sehun, napayuko na lang ako.
        “Alam kong alam mo na Ellaine,” paguumpisa niya. “,anong balak mo ngayon?” Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano pero nakatingin parin siya sa malayo. Hindi ko na rin alam kung saan ibabaling ang mga mata ko.
        “Hindi ko alam, hindi parin ako makapaniwala,” sabi ko na lang, bigla akong nagulat at nailang ng tignan niya ako. Gamit ang pula niyang mata. Kahit ganun kita ko ang lungkot sa mata niya, hindi ko alam kung bakit.
        “Lalayuan mo ba kami? Ipagkakalat ang tungkol samin?” Tanong niya habang papalapit sakin pero hindi ako umatras, hindi na siya nakakatakot. Ang mga mata niya parang nagmamakaawa na hindi ko maintindihan.
        “Ano bang sinasabi mo? Bakit naman ako lalayo? Tiyaka bakit ko naman ipagkakalat?” Tanong ko, hindi ko naman kasi talaga naisip na gawin ang bagay na yun eh. Ang naisip ko lang ay layuan sila pero hindi ko inisip na ipagkalat ang kung anong meron sa kanila.
        “Kung ganun, anong gagawin mo kung sakali?” Tanong niya ulit, sasabihin ko na ba? Yung mga bagay na naisip ko kagabi lang? “Ano? Kasi natatakot ako sa pwede mong sabihin, pero kahit ganun gusto ko paring malaman,” sabi niya. Nakatingin parin siya sakin.
        Hindi siya yung Luhan na nakilala ko noon, ibang Luhan na ang kaharap ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman ko pero gusto ko siyang yakapin, the next thing I knew yakap ko na siya at ito ako umiiyak na sa harap niya.
        “Oo, aaminin kong natatakot ako...sa inyo, pero nung naisip ko yung mga pinagdaanan natin nagdalawang isip ako,” umiiyak na sambit ko. ",pero hindi ko naisip ang bagay tulad nang pagkalat ang sikreto niyo,” umiiyak na ako pero hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro sa takot.
        “Maniwala ka man sa hindi, dahil sa nalaman ko mas gusto ko pa kayong makasama,” sabi ko, naramdaman ko na din ang yakap niya sakin. “,naging mabait kayo sakin, pero natatakot ako.” Hinahagod na niya ang likod ko.
        Gusto ko lang muna sabihin ang gusto kong masabi sa kanya pero hindi ko maiwasang isipin na kaharap ko siya. Hindi parin ako makapaniwalang nakakausap ko si Luhan ngayon, hindi ako makapaniwalang yakap yakap ko siya. Ang taong mahal ko...
        “Hindi ka naman dapat matakot, kung ano ang pagkakakilala mo samin ay iyon kami,” sabi niya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
        “Alam ko, alam ko...”
LUHAN
        Sa pag uusap namin na ito lumuwag ang dibdib ko, hindi siya lalayo. Hindi siya lalayo samin at hindi niya kami iiwang lahat! Natutuwa ako sa nalaman ko lalo na ngayon, sa unang pagkakataon nakayakap ko siya ng sobrang higpit. Alam kong hindi pa ito ang tapos...
        Pero gusto ko munang maging masaya sa yakap ng taong mahal ko, gusto ko munang maranasan kung ano ba ang pakiramdam ng yakap niya.
        Naglalakad lang kami ngayong dalawa, madilim na din ang paligid kaya naman napagpasyahan naming umuwi na pero nabuo na naman yung kaba sa loob ko. Nalaman ko ngang hindi siya lalayo kaya ito ako ngayon hindi alam kung saan huhugot ng lakas ng loob.
        “Ahm, Ellaine?” tawag pansin ko sa kanya. Bago lang ako sa pakiramdam na ‘to. Mas mahirap ‘to kesa sa naramdaman ko kaninang magkausap kami at bago kami mag-usap.
        “Hm?” Sabi niya habang nakatingin sakin, nakakailang hingang malalim na din ako pero wala namang silbi, lalo ba ata akong kinabahan dahil dun.
        “Ano kasi….M—ma—“ Sasabihin ko na dapat kaya lang lumabas ang mga loko loko kong pinsan sa kung saan, si Kyungsoo sa ilalim ng lupa na naman. Si Xiumin at Chanyeol sa taas ng puno.
       Si Kuya Sehun naman nagmala ipo ipo pa bago bumaba at tinaas ang dalawang kamay na parang salamangkero. Si Kai naman nasa gitna na namin at pinaghiwalay kaming dalawa ni Ellaine. Halata ang gulat pero mas nangibabaw ang pagkamangha sa mukha niya, ang ganda niya talaga...
        “Kahit kelan talaga Luhan tsk tsk tsk,” sabi ni Kai habang naiiling pa, tinatanggal ko ang pagkakaakbay niya kaso umakbay naman sa kabila si Chen! Naalala kong nandito pa nga pala sa kwento at handang sirain ang magagandang pangyayari sa buhay ang aking mga pinsan.
        Habang sa kabilang balikat naman ni Ellaine umakbay si Xiumin. “Hoi Xiumin malamig, wag mong hawakan si Ellaine!” Sigaw ko.
        Okay lang kahit mahalata ako in the first place natatakot lang naman akong magtapat pero magtatapat din naman ako kung hindi lang sila dumating. Hindi ko nga lang din alam kung papaano ko sisimulan.
        “Oo nga naman Xiumin malamig, hayaan mo na si Chanyeol,” sabi nito tapos inakbayan ni Chanyeol si Ellaine at ngumiti pa ng nakakaloko.
        “Ano ba?!!! Sabi ng bitaw!” Inis na sigaw ko na konti na lang sasabog na ko!
        “Bitaw? Sino si Chanyeol, Kai o Chen?” Mapang-asar na tanong ni Kuya Sehun sa kanya.
        “Kayong lahat,, bitaw!!! Naaasar na ko ah?” Sabi ko sa kanila. Naku naman! Bigla bigla na lang umiinit ang ulo ko dahil sa kanila.
         “Bibitawan ka nila kapag nasabi mo na,” panghahamon naman ni Kuya Sehun tapos nilapit pa sa harap ko si Ellaine. Nakakahiya kayo!!!
         “Aluluulu nag-bu-blush si Lulu,” pang aasar ni Chen. Napantig naman dahil dun ang tenga ko, kailan pa naging Lulu ang pangalan ko?
         “Hindi ako si Lulu, Luhan ang pangalan ko,” kabadong sabi ko. Nakita ko naman natatawa si Ellaine “Anong nakakatawa?” Pagalit na tanong ko.
        “Wala naman, wag kang high blood, Lulu pfffft” Pinagtatawanan din niya ko! Kumunot naman ang noo ko dahil sa kanila. Pati si Ellaine nakikisali na rin sa pang-aasar sakin. Wala talaga silang magawang maganda sa buhay noh?
        “Pinagtatawanan niyo ba ko?” Tanong ko, feeling ko namumula na ako. Una dahil naaasar na talaga ako at pangalawa ang lapit ng mukha ko kay Ellaine.
        Hindi naman ako ganun katangkaran at malapit lang ang height namin ni Ellaine sa isa’t isa, baka nga konting galaw lang namin magkakahalikan na kami eh.
        “Tigilan niyo na nga ako,” pilit kong tinatanggal yung kamay nila pero tatlo sila kaya hindi ako makawala.
         “Sabihin mo na kasi~” Sabi ni Kuya Sehun. Isa na lang talaga babangasan ko na 'tong gurang na 'to!
        “Kapag sinabi mo na pakakawalan na namin kayo,” sabi ni Chen.
        “Oo na, mahal kita Ellaine. Alis!!!” Umalis naman sila at ako naman naglakad na paalis. Naririnig ko parin ang tawanan nila.I can’t believe I did that sa ganung paraan. Nakakabanas naman sila. Oo…Grrrrr dahil sa galit ko hindi ko na nakontrol ang kapangyarihan ko.
        “Aray! Hoi lalaki bumalik ka dito!!!” Sigaw ni Ellaine? Ano kayang ginawa kong mali sa kanya? Galit ba siya kasi umamin ako? Eh?
        “Lagot ka Lulu, si Ellaine yung tinamaan ng bato!” Natatawang sabi ni Kuya Sehun. Itinaas pa niya ang hintuturo na parang sinasabing lagot nga ako. Patay! Galit na lumalapit naman sakin si Ellaine.
        “Ang sakit nun ah! Sa ulo ako tinamaan, paano kung magkabukol ako---“ Wala akong ibang maisip na pwedeng pagpapatahimik sa mga babae
        Kundi ang mahiwagang salita, ang ‘Halik’ ang daldal naman kasi niya eh!
 
        [A/N] No!!! Why did you do this to me Lulu? Haha xD Sige na nga hindi na ako eepal sa lovestory niyo, next time na lang xD
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet