Chapter 19 - Training

The 12 Zodiacs
✔Chapter 19
LUHAN
        Nakakailang buntong hininga na ba ako? Nandito parin ako sa kwarto ko dahil ngayon na magsisimula ang training ko. One week na lang ang klase namin at clearance ko na lang ang kulang, pinaasikaso na kina Kyungsoo yung clearance ko para makapag focus ako.
        Hindi ko alam kung paano mag training si Kuya Lay pero alam kong hindi madali iyon. Kilala ko naman si Lay kahit papaano. Malupit siyang tao at napakamisteryoso. Parang sina Kuya Suho na lang ang nakakakilala sa kanya ngayon.
        Narinig ko na lang ang mahinang katok sa kwart ko. Hindi ko pinansin ang kumatok kahit na naka-topless ako, baka si kuya Sehun lang yan! Pero mali ako... “Lulu, ay! Sorry,” sabi ni Ellaine. Pero bago siya makalabas ay tumakbo ako sa pinto at hinila siya papasok.
        Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam kong rinig niya ang tibok ng puso ko, pinagpapawisan na rin ako. Naramdaman ko kung paano matense si Ellaine habang yakap yakap ko siya.
        “Hoi! Magbihis ka kaya muna,” sabi niya, pilit niya akong tinutulak pero hindi ko parin siya binitawan. “Hoi!!!” Hanggang sa mapagod siya kaka sigaw...
        Naglakad ako patalikod at nang maramdaman ko ang kama ko humiga ako pabagsak. “Ahhh! Ano ba Lulu, may pasok pa kaya ako,” sabi niya. Hindi ko siya pinansin at pumikit lang.
        “Hayaan mo muna ko, 5 minutes lang 'wag kang maingay. Kailangan ko ng energy,” sabi ko kaya natawa siya.
         “Anong akala mo sakin, energy drink?” Tanong niya. Itinaas niya ang ulo niya para makita ako pero hindi ko parin dinilat ang mata ko.
        “Oo, para sakin kasi ikaw ang nagbibigay lakas sakin,” sabi ko. Natatawa na lang din ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya.
         “Ayieee bumabanat ka na ah,” sabi niya sabay hampas sa dibdib ko.
        “Kilig ka naman?” Pang asar ko sa kanya. “Tignan mo nga ako,” utos ko pero ayaw niya sinisiksik niya yung sarili niya sa dibdib ko. “,baka maubos ang pabango ko niyan,” pang-aasar ko ulit sa kanya.
        “Wala namang pabango eh,” sabi niya “Paano mo maaamoy eh wala naman akong damit?” Tanong ko kaya naman natauhan siya at inangat ang ulo niya, bingo! Hinalikan ko siya.
         “Ayan, may energy na ko!” Binitawan ko na siya at tumayo na kaming dalawa, ang sagwa na rin kasi ng pwesto namin. “,ingat ka sa pagpasok,” sabi ko.
        “Hindi ka ba papasok?” Tanong niya.
         “Hindi na, iintayin na lang kita,” sagot ko naman.
         “Pero—“ Papapigil pa siya pero tinulak ko na siya ng dahan dahan palabas. Baka kasi hinihintay na rin ako ni kuya Lay ay mainip pa iyon. Ayokong sa pagsasanay namin ituon ang galit niya.
         “Sige na, baka ikulong kita dito at hindi na paalisin,” pagpapaalam ko. “Bye!” Sabi ko at sinara ang pinto.
        Ayoko! Natatakot akong aminin sa kanya ang totoo, alam kong mag aalala siya kapag nalaman niyang sisimulan ko na ang training ko. Napabuntong hininga naman ako sa naisip ko. Sa ngayon dapat wala muna akong isipin kung hindi ang sarili ko, kailangan kong matutunang makontrol ang sarili kong kapangyarihan at emosyon 
        Babalik na sana ako sa higaan ko nang marinig ko na ang mahinang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.
        “Lumabas ka na daw diyan, nasa gubat na sila,” sabi ni Kuya Sehun kaya naman lumabas na ako sa veranda gamit ang wolf na anyo ko. May daan naman dito papuntang gubat hindi ba? Kaya dito na ako dadaan.
        Hindi na ako nagbihis dahil masisira din yun for sure, sayang naman kung masisira lang. Paglabas ko nakita ko na sila, si Kuya Lay, Suho at Kris. Sila ang mag training sakin. Hindi naman nagtagal ay nagsimula na silang magpaulan ng mga patalim.
        Buti na lang kahit papano naramdaman ko ang katana na lumipad mula sa likod ko, si Kuya Kris. Medyo nagka cut ako sa balikat ko.
        “Una, 'wag mong hayaang mawala ang focus mo sa paligid. Don't let your guards down kahit isang segundo lang,” sabi ni Kuya Lay. Muli akong nakaramdam ng panibagong katana pero nailagan ko naman ang pangalawang katanan na nanggaling naman sa gilid ko, si Kuya Suho.
        “Huwag mong hayaang kainin ka ng mga iniisip mo ngayon,” pagkasabi niya niyan ay pumikit ako at tinanggal ang kung ano mang makakasagabal sa isip ko. Kahit ano. Narinig ko ang tatlong hangin na palapit sakin.
        Naiwasan ko yung tatlong yun at panibagong lima naman, hanggang sa dumami ng dumami, napapagod na ko. Kung saan saan na ako tumalon para hindi ako tamaan ng mga katana. Ngayon lang ako nakagalaw ng ganito.
        Para akong tumatakbo ng ilang kilometro ang layo at wala pa ako sa kalahati. Napaluhod na lang ako dahil sa pagod. Tumataas baba na ang balikat ko dahil sa kakahinga ng malalim. Feeling ko malalagutan ako ng hininga.
        “Pangalawa, cardio. Sanayin mo ang sarili mo sa pagod,” sabi ni Kuya Lay at dumami na naman, feeling ko kada minuto dumodoble ang bilang.  Tinutok ko ang atensyon ko sa ginagawa namin hanggang sa nasanay na ako at parang nagsasayaw na lang.
        Hindi ko na ininda ang pagod at inisip ko na lang na naglalaro lang ako. Parang naglalaro lang ako ng soccer match namin. Bakit hindi ko pinagbutihan ang pageensayo roon para hindi ako napapagod ngayon?
        “Good,” sabi nila. Sa sinabi nilang iyan ay napangiti naman ako, kailangan ko ng break para makapagpahinga at makainom.
         “Pangatlo, 'wag maging kampante. Hindi mo alam kung kelan ulit susugod ang kalaban,” st sa isang iglap lang. Parang kidlat na dumaan lang si Kuya Suho sa harap ko pero nagka cut na ako sa dibdib ko.
        “Argh~ bakit naman sa dibdib?” Ang sakit!!! Hindi man lang ako nakagalaw. Hawak ko lang ang dibdib ko na sa tingin ko ang lalim ng tama. Bakit gaito kabrutal ngayon si Kuya Suho? Kasama ba ito sa pageensayo ko? Ang masaktan?
         “Hindi ko muna yan papagalingin, sanayin mo din ang sarili mo sa isang maliit na sugat,” sabi niya. Napamaang naman ako sa maliit na sinabi niya.
        “Maliit? Mukha bang maliit ang bagay na ito?” tanong ko, tinanggal ni Kuya Lay ang t-shirt niya at nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ko lang ito nakita...
        “Kung malaki na yan sa tingin mo, isipin mo kung ano pa ‘to?” Tanong niya. Napatikom na lang ako ng bibig ko dahil sa nakita at narinig ko. Bigla namang sumugod si Kuya Kris pero naiwasan ko naman yun.
        Parang ang sakit nun hindi pa ako nakaka recover sa pagsugod ni kuya Suho ay si Kuya Kris naman ang sumugod kaya nahirapan ako. Napaingit na lang ako dahil sa sakit. Halos nakalimutan ko na pagod ako dahil sa sakit.
        Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo. Hindi kaya ako himatayin nito habang nakikipaglaban? Bakit ang higpit ni kuya Lay sakin, hindi ba pwedeng dahan dahan na lang ang pageensayo namin?
        “Focus! Iyan ang lagi mong isipin,” sabi ni Kuya Lay, hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ni Kuya Lay. Parang si the flash lang ay nakalapit siya sakin at sinaksak ako sa tiyak. “Argh~” Umubo na ako ng dugo.
        Mahihimatay na sana ko kung hindi ko lang narinig ang sinabi ni kuya Lay. “Kung gusto mong manalo, kailangan mong malampasan ang kakayanan namin,” naiinis na ko, hindi ko gusto ‘to. Iniinsulto na naman nila ako kaya ako naman ang sumugod, pula na naman ang paningin ko ngayon.
        Parang tanging boses na lang ni kuya Lay ang kinakapitan ko para hindi ako himatayin. Gusto kong matalo si Kuya Lay ngayon na. Ang tagal ko na pinangarap na matalo kahit isa sa mga pinsan ko para hindi ako magmukhang talunan!
        “Isipin mo na lang kung anong pwedeng mangyare kay Ellaine,” sabi niya. Napantig ang tenga ko sa narinig ko. “Pwede kong tanggalin ang alaala niya...tulad ng ginawa ko kay Ailee,” nagulat ako sa sinabi ni Kuya Lay pati na rin si Kuya Suho, hindi ko inaasahang alam niya. “,at ang mas malala, pwedeng pwede ko siyang patayin!”
SUHO
        “At ang mas malala, pwedeng pwede ko siyang patayin.” Nakita kong napahinto si Luhan dahil sa sinabi ni Kuya Lay, hinawakan ko si kuya Lay sa balikat pero tinapik lang niya iyon.
        “Hayaan niyo siya, gusto kong makita ang totoong anyo niya,” sabi nito. Biglang gumalaw si Luhan. Unti unting tumingin siya samin at kulay pula ang mata niya. Lumalabas na ang ugat niya sa katawan. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot, nakakatakot si Luhan kapag ginagalit.
        Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ganito ba talaga siya kalakas? Hindi ko inaasahan na sa ngayong maagang panahon ay malalampasan niya ang kakayahan namin. Hindi ko pa man nakikita kung anong kaya niyang gawin, alam ko...na malakas siya kaysa inaakala ng kung sino man!
        “Kayang kaya kong gawin yun, lalo na at isang ordinaryong tao lang siya,” ito naman si Kuya Lay ang daldal! Bahala ka diyan kapag nagalit na talaga si Luhan.
        “Subukan mo lang,” biglang salita ni Luhan. Iba na din ang boses niya, ang laki. Parang isang galit na lion na konting galit na lang ay lalapain ka na at kakainin ng buo. Otomatikong napapaatras na lang ako dahil sa takot. “,ako mismo ang tatapos sa buhay mo!” Sa isang iglap lang...
        “Argh!” Nawala agad siya sa paninging ko at narinig ko ang pag ungol ni Kuya Lay sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at may nakatusok na kahoy sa tiyan niya. Maraming mga kahoy na din ang nakatutok samin ni Kris, galit na talaga si Luhan. Ang laki ng epekto ni Ellaine kay Luhan, nakakatakot siya!
        Hindi ko talaga inaasahan na kapag nakompleto na niya ang pagiging wolf niya ay magiging ganito siya kabangis. Hindi na naisip ni Luhan na kuya na niya ang kalaban niya. Sa kabila ng natamong sugat ay ngumiti pa si Kuya Lay.
        Biglang bumagsak ang mga kahoy at napahawak si Luhan sa tiyan niya. Para bang bigla siyang natauhan sa kung anong ginagawa niya. “Haha, sa unang pagkakataon napabilib mo ko Luhan,” sabi ni Kuya Lay, sinalo niya si Luhan na walang malay at dinala sa bahay.
        “What the hell just happened?” Tanong ni Kris sakin. Para bang pati siya nawala sa sarili habang pinapanood ang kung anong sunod na mangyayare.
         “Hindi ko din alam,” sabi ko habang nagkikibit balikat, alam ko. Kita ko kanina sa mata ni Kris na natakot din siya sa inasta ni Luhan dahil para siyang lion na wolf na tigre na kung anu ano pang mabangis na hayop! Naalala ko na naman yung itsura niya kanina...
        Nakakatakot! Pulang mga mata, maraming ugat sa katawan na para bang lalabas na, ang mga pangil na nakapagpasugat sa labi niya. Ayoko na isipin dahil kinikilabutan lang ako lalo sa mga naalala ko.
        Ginamot na ni Kuya Lay ang sugat naming lahat, wala paring malay si Luhan at nakahiga sa kama niya. Ano kayang gayuma ang ginamit ni Ellaine para maging ganito na lang si Luhan? O baka naman talaga lang pinagnanasahan ni Luhan si Ellaine? Aist! Ang gulo...
 
        [A/N] Kamusta naman ang pageensayo nina Luhan? Gusto niyo sumali? Papatayo ako ng school para sa mga gusto maging wolf xD hahaha xD
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet