Chapter 8 - Savior and new friend

The 12 Zodiacs
Chapter 8
ELLAINE
        Kagrupo namin si Luhan sa gaganapin na program, ewan ko pero nag-present siya na sumali sa grupo namin dahil siya na lang ang walang kasama. Magaling palang magluto si Luhan bakit hindi ko alam yun. Okay? Kailangan alam lahat? Pero gusto ko pa siyang makilala ng lubos.
         “Keep stiring, wag ka magday dream diyan baka masunog,” sabi niya, tinuloy ko ang paghahalo ng niluluto namin, siya ang taga timpla ako ang taga halo. Ang galing niya kasing maghiwa ng sibuyas ang bilis tapos ako pa yung katabi niya, hindi nga ako yung naghihiwa ako pa yung naluha, bad onion!
        “Umayos ka nga, hindi tayo matatapos kapag nakatunganga ka diyan,” suway niya, bakit kasi iniwan ako nina Tricia dito sa kusina eh. Kahit na may alam ako sa pagluluto eh hindi ko naman magawa kasi gusto ni Luhan siya na ang gagawa at gawin ko na lang lahat ng iuutos niya.
         Kami lang dalawa ni Luhan ang nandito sa kusina dahil aayusin na daw nina Tricia ang pwesto namin sa labas ng school. At kanina pa niya ako pinapagalitan dahil sa mali ang mga ginagawa ko, kinakabahan na naman kasi ako lalo na sa presensiya niya.
         Natatakot na din ako dahil kung nakakamatay ang titig patay na si Mr. onion na nagpa iyak sakin. Pero think on the brighter side! Para kaming mag asawa na maghahanda para sa birthday ng anak namin. Hindi ko maiwasan ang mamula dahil sa kung anu anong mga bagay na pumapasok sa isip ko.
         “Ouch~” Sabay naming sabi, napaso kasi ako! Kinikilig pa yung tao eh, panira naman ang isang ‘to. Hmpf!
         “Ano ba naman yan, ingatan mo naman! Ako na nga diyan. Ayan ikaw na ang mag design,” sabi niya at kinuha sakin yung sandok. Nag-design na ako para naman magmukhang presentable yung ibebenta namin, nilagyan ko ng lettuce yung paligid tapos kung anu anong mukha.
        Kanina pa niya ako sinisigawan dahil sa mga maling gawa ko. Inaayos ko naman eh kaya lang nawawala talaga ako sa sarili ko kapag susubukan kong mag focus. Tricia! Come back here, please!
         “Hindi pa ba kayo tapos diyan? Maya maya magbubukas na ang gate ng school!” May mga outsider din kasi ang pupunta sa program kaya nakaka-excite. Ang mga hindi naka-uniform hindi pwedeng pumasok kaya dapat talaga estudyante ka. Sana naman magustuhan nila ang ibebenta namin.
         Si Makino, Tricia at iba ko pang kaklase ang magtitinda habang kami naman ni Luhan magbibigay ng brochures para sa mga ibebenta namin. Take note: habang nakasuot kami ng jacket na mabalahibo, parang wolf yung kulay niya!
        Pagkatapos namin magluto ay lumabas na kami para magpahinga saglit at saka nagsuot ng costume namin. Nakakatuwa, ang cute tignan ni Luhan sa suot niya. Baga na bagay sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatitig sa kanya habang siya naman nagbibigay ng mga brochures dun sa ibang estudyante.
        “Anong tinitingin mo diyan, may humihingi ng brochures sayo ayaw mong bigyan,” sabi niya sakin sabay bigay dun sa babaeng nanghihingi daw. Mukhang magiging pabigat pa ata ako sa ngayon hanggang ngayon ah
        “Sorry hindi ko alam eh,” sabi ko, nakatingin kasi ako sayo. Nakaka ilang bad shots ka na ba Ellaine? Nakakahiya ka naman talaga oo. Bakit kasi ayaw mong umayos ng matuwa naman siya sayo diba?
        “Nakatunganga kasi ng nakatunganga, bilisan mo ang dami ng tao,” sabi niya sabay lakad palayo, nag focus na ako sa pagbibigay ng brochures, infairness ang init ah? Nasa ilalim ka ng init tapos ganito pa ang suot mo?
         “Excuse me miss, gusto mo? Mukhang naiinitan ka na,” sabi ng isang stranger sabay abot ng inumin niya.
         “Naku wag na po nakakahiya!” Sabi ko sabay wagay way ng kamay ko sa harap ko. Parang sinasabi kong ayoko.
        "Wag ka ng mahiya, dalawa naman ‘to eh,” sabi niya kaya wala na akong nagawa, ubos na naman ang brochures ko at hindi ko na makita si Luhan kahit saan.
         “Salamat ah?” sabi ko. Mukha naman siyang mabait dahil mukhang pang-elite ang suot niyang uniform. Sa lugar kasi namin kilala ang mga estudyante sa mga academy bilang magigino at mababait.
        “Pwede mo muna ba akong samahan, wala kasi akong kasama sa pagpunta ko dito,” Sabi niya.
         “Ah sure, pasasalamat ko na din sayo,” umupo kami sa isang tabi at walang imikan.“,nga pala ako si Ellaine,” Pagpapakilala ko.
         “I know,” medyo na weirduhan naman ako dun. “,your tag says your name,” sabi niya sabay turo sa jacket na suot ko, oo nga noh? “,ako nga pala si Jackson,” sabay abot ng kamay niya, ang init.
         “So saang school ka galing?” Tanong ko. Para naman hindi siya ma-bored na kasama ako, komportable na rin kasi akong kausap siya ngayon eh. Nakakahawa rin yung ngiti na meron siya lagi sa mukha niya.
        “Hm, St. Matthews Academy,” Sabi niya, medyo malayo yung school na yun ah? At tulad ng inaasahan ko ay pang-mayaman nga.
        Madami pa kaming napag kwentuhan tulad ng mga hilig namin, ang dami nga naming magkakapareho eh.
         All in all ang saya niyang kasama hanggang sa nagpaalam na siya. Baka daw nakaalis na yung mga ka-schoolmate niya at naiwan na siya, wala daw siyang masyadong kaibigan dahil hindi niya daw alam, gwapo naman daw siya pero walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Sabi niya eh!
        “Saan ka ba galing? Kanina ka pa nila hinahanap,” sabi ni Luhan, bumalik na ako sa pwesto namin at ang daming bumibili. Tumulong na din kami ni Luhan sa pagtitinda, ang saya pala nito? Madami ding bumibili kina Kai which is katabi ng katapat naming store, gets?
         “Grabe, pinakyaw na ata nilang lahat ang benta nila Kai,” sabi ni Tricia habang sineserve yung order, ako at si Luhan kasi yung nagsasandok. Hindi man lang makuhang ngumiti nito sa mga bumibili, malay mo bumalik?
         “Oo nga eh, pag hindi malaki ang kita nila ewan ko na lang,” sabi ko. Pinagpatuloy lang namin yung ginagawa namin hanggang sa maghapon na. Muntik lang namin maubos yung amin pero okay na din kami na lang daw ang kumain eh! Iyon ang advantage nun.
         Nasa room kami at sabay sabay na kumakain sa loob, si Luhan hindi naman kumakain. Kaharap ko sina Tricia at Makino, nagchichismisan yung iba naming kaklase at mga kagrupo. As expected naubos ang kila Kai kaya wala silang kinakain.
        “Oi Ellaine, kanina nakita namin nakatingin sayo si Luhan na para kang papatayin,” sabi niya. Tinatakot ba niya ko?
         “Pero nung tignan ka namin may na isip kami ni Makino,” Sabi niya sabay ngisi sakin, si Makino naman ang nagtuloy ng sasabihin niya.
         “Sino yung kasama mo kanina, yun siguro yung tinitignan niya ng masama,” tanong niya. Napaisip naman ako sa sinabi nila, si Jackson ba yung tinutukoy nila?
         “Hay naku! Galit lang siguro sakin yun dahil maaga akong natapos siya hindi,” sabi ko na lang, ayoko naman magisip ng kung ano ang sakit kaya maging assuming!
         After nun umuwi na kami, hindi ko nakasabay si Kai dahil dahil may pupuntahan pa daw siya kaya wala akong kasabay. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasan ang mapalingon sa likod ko dahil feeling ko may sumusunod sakin, nakakatakot kaya!
        Hindi ko kasi kasabay sina Kai dahil may gagawin pa sila. Sabi ko mauuna na ako at sasabay na lang ako kina Makino pero may pupunta rin naman daw sila. In the end, ako na lang mag-isa ang uuwi.
         Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa may nagtakip ng bibig ko. “Shhh,” sabi niya kaya tumahimik na lang ako, parang pamilyar yung amoy niya.
         Maya maya nakita ko yung lalaking nakatakip ang mukha, mukhang paalis na. Hoo! I think niligtas ako ni kuya, magpapasalamat sana ko kaso nawala eh. Pero bago yun may nakita ako, a diamond necklace I mean pendant na lang pala dahil nawawala yung lace.
         Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa bahay. Hm? Kumain lang kaming lahat at pagkatapos nun pumasok na sa kwarto ko. Tinignan ko yung necklace na hawak ko at pinaikot ikot yun, ginawa ko na lang necklace at sinuot sakin. Mahaba yung lace kaya hindi siya kita kapag nakadamit ako.
        Someday I’m gonna meet you, my savior.
 
        [A/N]] Sino sa tingin niyo yung savior niya? ^^ Sino naman si Jackson sa buhay nila? Abangan~
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet