Chapter 20 - Mission

The 12 Zodiacs
✔Chapter 20
SUHO
        Pinapunta kami ni Kuya Lay sa may veranda dahil may paguusapan, I mean may sasabihin pala si Kuya Lay samin ni Kris. Minsan lang niya kami tawagin para sa meeting kuno kaya naman sa tingin ko ay wala kaming choice kundi gawin kung ano man ang iuutos niya.
        Nakaupo lang kami sa harap ng lamesa, magkatabi kami ni Kris at nasa harap naman kami ni Kuya Lay. Seryoso lang din siyang nakatingin samin pero alam ko namang pinapakiramdaman niya rin kaming dalawa. Bigla tuloy akong na-curious kung ano sasabihin niya.
        “Si Luhan,” pagsisimula niya. “.nagbago na siya, hindi ba?” Tanong niya, tumango kami ni Kris. Tama si Kuya Lay, ang laki ng pinagbago ni Luhan nung umalis kami. Para bang isa siyang tuta na naging mabangis na aso.
        “Si Ellaine,” pagkasabi ni kuya Lay ng pangalan na iyan, tumibok ang puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung anong mangyayare.“,pwede siyang maging sagabal sa mga plano natin,” muling sabi niya, napayuko na lang kaming dalawa.
        “Pero alam kong mawawala sa konsentrasyon si Luhan kapag nawala si Ellaine, hindi ba?” Tanong niya, kung hindi ko pa nasasabi ay bulag si Kuya Lay. Malakas lang ang pakiramdam niya sa kaniyang paligid.
        Hindi na rin ako magtataka kung bakit siya ang sinasabing pinakamalakas sa pamilya namin. Kung hindi dahil sa mga mata niya ngayon ay baka maging isa na siyang invinsible sa pamilya namin. Walang sinuman ang makakatalo sa kanya.
        “Tama ka kuya lay, ano bang gusto niyong gawin namin?” Tanong ko, alam ko namang may iuutos siya samin. Either bantayan, tanggalan ng alaala o patayin si Ellaine. Pero kahit isa sa mga pagpipiliin na yan ay ayokong gawin. Kahit hindi sa mga kamay ko.
        “Gusto kong magimbestiga kayo tungkol kay Ellaine, bantayan niyo rin ang bawat kilos niya,” sabi niya. Bakas sa tono ng pananalita niya ang otoridad. Tumango naman kami at alam kong naramdaman ni kuya Lay yun.
        Hindi naman nagtagal ay tumayo na kami at pumunta sa sala, nakita ko si Sehun na nanonood at pinaglalaruan ang bola na paikot sa sahig. Unti unti akong lumapit sa kanya upang gulatin siya.
        “Hoi Sehun!” Gulat ko sa kanya. Mukha namang natauhan siya at napabalikwas ng higa. Halatang hindi naman sa TV nakatuon ang pansin niya.
        “Ay Kabayo!” Sigaw niya, tumilapon naman yung bola kung saan at nagpabanda banda ng kung saan hanggang sa nasalo ni kuya Lay. Nagkatinginan naman kami ni Sehun at sabay na humingi ng paumanhin.
        “Sorry Kuya Lay,” sabay naming sabi ni Sehun. Hinarap ako ni Sehun upang sisihin. “,ikaw naman kasi kuya eh, bakit ka ba nanggugulat?” Tanong niya sakin na may halong pagkairita. Napakamot na lang ako sa batok ko.
        “Wala naman, nga pala may itatanong lang ako sayo, I mean kami pala,” sabi ko sabay hatak kay Kris na kanina pa nasa tabi ko. Konti na lang mapagkakamalan na siyang bodyguard ko.
        “Ano naman 'yun? Siguraduhin mong importante yan ah,” naiinis na sabi niya. Nagseryoso naman ako ng mukha ko dahil seryosong usapan ‘to. Nakita ko ang kaba sa mukha niya nung nakita niya akong seryoso. This isn't like me.
        “Tungkol kay Ellaine,” sabi ko. Muli siyang napatingin sakin at naupo ng ayos. “,napag-usapan na namin ito ni kuya Lay, tell me everything you knew about her,” tanong ko. Ang hirap magseryoso kapag ganito pero baka isipin naman ni Sehun na niloloko ko lang siya.
        “Ahm, well. Si Ellaine? Mabait, caring, mapagmahal, madaldal, maganda, matalino at palakaibigan,” sagot niya naman ng walang alinlangan. Sa unang tingin at pakikisalamuha mo naman sa kanya, totoo ang mga sinabi ni Sehun.
        “What about family background?” Tanong ko ulit, hindi naman kasi nagsasalita yung katabi ko kaya ako na lang ang magtatanong. Para tuloy kaming nasa interogation room.
        “Actually kuya, hindi ko alam. Tulad ng sabi ko nakilala lang namin siya dun sa tent na tinutuluyan niya. Ang tanging alam lang namin wala na ang nanay niya,” sabi ni Sehun. Napahinga ako ng malalim sa sagot niya.
        “Pero baka may alam yung mga kaibigan niya, sina Tricia at Makino,” sabi naman niya. Bigla naman akong abuhayan ng dugo dahil sa sinabi niya.
        “Sige, samahan mo ko sa school nila, okay?” Request ko. Tinignan naman niya ako ng nakakunot ang noo.
        “Bakit naman ako? Hindi pa nga ako nakakapunta dun dati eh,” sabi niya. Nginitian ko naman siya ng pilyo at kumapit sa braso niya.
        “Edi ngayon makakapunta ka na, dali na!” Pagpupumilit kong sabi. Tinanggal naman niya ng sapilitan ang nakakapit kong braso.
        “Ayoko nga, tinatamad ako ikaw na lang,” bumalik naman siya sa pagkakahiga sa sofa at hindi ako pinansin. Dahil ayaw niya, tinaas ko ang kamay ko ang kinuha ang tubig sa vase without holding it.
        “Ano ba! Kuya naman oh!” Sigaw niya nang ibuhos ko lahat ng yun sa mukha niya, malamig siguro! Madalas kasing paglaruan ni Xiumin eh kaya manigas ka ngayon!
        “Dali na,” muli kong pilit sa kanya. Ginulo niya ang buhok niya at sumalampak ulit sa sofa.
        “Oo na nga, matutulog lang ako saglit,” sabi niya at nagtalukbong ng mga unan. Hm? Parang na eexcite ako na ewan sa pagpunta sa school nila ah...balita ko kasi sikat si Kai dahil gwapo daw, eh pano ba yan? Mas gwapo ako? Edi mas sisikat ako, lol.
        'Pero kidding aside, gusto kong makakita ng totoong tao! Ahahah kidding ulit!'
        Wala lang excited lang ako, hindi ko ma explain kung bakit eh? Basta isa lang ang alam ko, excited ako! Oo na nga, ako na excited!
ELLAINE
        Pagpasok ko sa room namin nakakapanibago, wala akong tinitignan at wala akong iniintay. Napangalumbaba na lang ako sa lamesa ko. Ano kayang pinagkakaabalahan niya at hindi siya pumasok? Totoo bang masama ang pakiramdam niya at may sakit siya?
        Pero kanina naman hindi ko naramdaman na may sakit siya. Nag-aalala na ako. Lalo na kagabi nung makilala ko ang mga kuya nila. Hindi ko maiwasan ang mangilabot! Parang ang dilim ng atmosphere namin habang kumakain.
        “Ui~ namimiss mo na siya noh?” Tukso ni Kyungsoo. Napatingin naman ako sa biglang pagsulpot niya.
         “Hindi noh, ito talaga kung anu anong nasa isip,” sabi ko sa kanya. Pero alam ko naman sa loob loob ko na namimiss ko na talaga yung mga ginagawa ko noon.
        Nung hindi ko pa alam ang tungkol sa tinatago ng pamilya nila. Hindi mo aakalain na sa simpleng estudyante na gaya nila ay may ganung kadilim na sumpa ang meron sila. Hindi ako makapaniwala na ganun nakakatakot ang taong hinahangaan ko. 'At higit sa lahat, hindi ko alam na ang nakakatakot na yun ay taong mahal ko at mahal ako,'
        “Kunwari ka pa!” Pinisil niya ang pisngi ko pero may bumunggo naman nun dahilan para mabitawan ni Kyungsoo ang pisngi ko, aray ah
        “Hay~ ang ganda ng umaga noh? Kyungsoo?” Sabi ni Vivian habang nakahawak sa braso ni Kyungsoo habang si Kyungsoo? Tinanggal yung kamay ni Vivian at umupo sa mesa niya sabay dukmo, haha deadma!
“Grabe! Umuulan ng gwapo ngayon noh?”
“Oo nga, ano kayang ginagawa nila dito?”
“Malay mo next Teacher natin?”
        Nandito na naman ang mga maiingay na babae. Basta gwapo ang active noh? Pero sa lessons nganga sila. Pero dahil curious ako tinignan ko yung tinitignan nila pero dahil biniyayaan ako ng height! 'Ehem hindi ko siya makita!'
        “Naku! Baka magselos si Luhan dahil tumitingin ka sa ibang lalaki,” biglang sulpot ni Xiumin sa likod ko, napabalik ako sa upuan ko ng wala sa oras.
        “Hm? Nakita ko kung sino,” sabi ni Kyungsoo, tinignan pala niya?
        “Sino? Kilala mo?” Tanong ko, curious lang naman ako. Malay mo artista pala, pwede na magpapicture man lang o kaya autograph.
        “Naku, hindi naman importante kung sino yun,” sabi niya, kaming tatlo ang nag-uusap dahil tinitignan ng mga kaklase ko yung gwapo raw. Si Kyungsoo naman ayaw sabihin kung sino yun!
        “Sino nga?” Tanong ko. Mukha naman sasabihin na niya. 'Dahil kung hindi niya sasabihin ibibitay ko siya patiwarik!' sabi ng evil side ko. Wait! Kelan pa ko nagkaron ng evil side?
        “Sina Kuya Suho at Kuya Kris lang, gwapo raw kasi sila,” sabi ni Kyungsoo habang kinakamot yung batok. Dapat talagang i-emphasize yung ‘raw? Bakit gwapo naman sila ah? Tapos si Kuya Kris naman ang tangkad, pwedeng varsity.
        No wonder ang daming mga babae sa labas. Ang gagwapong lalaki naman kasi ng mga pinsan nila Luhan. Halatang lahat ng genes ng magulang nila hindi kinalimutan i-distribute sa kanila.
        Nagsibalikan naman na yung mga kaklase ko at kinikilig pa, tignan mo ‘tong Vivian na ‘to naturingang obssess at loyal kay Kyungsoo tumitingin naman sa iba. Hindi na siya loyal!
        Tignan mo ko? Nung may gusto ako kay Luhan sa kanya lang talaga ako at hindi naman ako tumitingin pa sa iba! I-compare daw ba? Pero ngayon namang alam kong gusto ako ni Luhan saka naman ako naging interesado sa mga gwapo! 'Slight lang oi!'
        “Excuse me?” Pagkasabi ng taong pumasok na iyon ay nagtilian naman yung mga kaklase ko at nakita si Kuya Suho na nakangiti ng malapad sa klase namin, naku! 'Sarap putulan ng mga lalamunan nito!'
        “Can I help you?” tanong ni Tricia, pinapatahimik niya kasi yung klase namin eh. Si Tricia naman parang wala lang nakita. Para bang hindi tinablan ng pogi powers ni kuya Suho. If I know sa loob niya tumitili na siya habang sinasamba si kuya Suho. Hula ko lang naman.
        “Ahm sina,” Tinignan naman niya si Kuya Kris. “,ano nga pangalan nung kaibigan niya?” Tignan mo 'to makakalimutan, daig pa matanda!
        “Tricia at Makino,” tipid na sagot ni Kuya Kris.
        “Ah, si Ellaine, Tricia at Makino po,” sabi ni Kuya Suho habang nakangiti, hay naku!
        Lumabas na sila at nakasunod lang si Makino na walang pakialam sa mundo na naglalakad, ano kayang pag uusapan nila? Hindi naman ako isinama dahil hindi ko rin alam. Diba binanggit niya pangalan ko?
        Dumating na yung teacher namin hindi pa bumabalik yung dalawa. Mas lalo tuloy akong na-curious sa kung anong pag-uusapan nila. Ano kaya yun?
        “Okay class, excuse silang dalawa dahil nagpaalam sina Mr.Kim at Mr. Wu sa office,” sabi ng aming guro. Ah ganun naman pala eh, pero paano naman nila nakilala sina Tricia at Makino. Sadya lang bang kaibigan ko pareho o nagkataon lang?
 
        [A/N] Weee! Grabe isang araw ko atang ineedit ang isang chapter! Hindi ako mapakali! Ghe ghe share! Comment kayo guys ah?!
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet