Epilogue (End of Season 1)

The 12 Zodiacs
✔Chapter 32
ELLAINE
        Hindi ko naisip na hindi pa pala ako ganap na orion ng mga oras na iyon at sariling kapangyarihan ko lang ang ginagamit ko. Masyado akong nag-focus sa mga inensayo namin at nakalimutan ko na kailangan ko ring gumawa ng sarili kong hakbang.
        Hindi ko rin alam na hindi lang pala isang tao ang Orion, nalaman ko kay kuya Lay na ang tunay na Orion ay nabubuhay sa katawan ng dalawang Zodiac.
        'Nabubuhay ito sa dalawang katawan ng zodiac na parehong nagmamahalan' sabi niya, kaya naman tinatak ko sa isip ko ang bagay na yan. Ibig sabihin, ang aking ina at ama ay ang Orion noon na nagsanib upang makipaglaban.
        Hindi pala ako magiging buo kung wala ang taong mahal ko, si Lulu. “Anong iniisip mo?” Tanong niya sakin sabay back hug.
        “Iniisip ko lang kung anong magandang gawin,” sabi ko sa kanya.
        “Hm? Iniimbita nga tayo ni kuya sa Ball sa school natin eh,” sabi naman niya. Saka ko lang naalala ang pakulo ng dalawang yun!
        “Oo nga pala! Wala pa akong isusuot,” sabi ko sabay pout. Kakalas na sana ko sa yakap niya pero hinigpitan niya lang lalo ang pagkakakapit sakin.
        “Don’t worry, si kuya Baekhyun ang gumawa ng gown mo,” sabi niya at pagtingin ko sa likod namin. Wow ang ganda ng gown, kulay white siya tapos makinang simula bewang pababa, may mabalahibong coat din na pampatong dahil tube ang gown na yun.
        I-partner pa sa isang 3 inches na takong na kulay silver, ang ganda! Hanga na ako sa taste ni kuya Baekhyun.
        “Siguro naman makakapunta ka na nang ganito ang suot diba?” Tanong niya sakin, “,at isa pa, pwede naman siguro kaming pumunta?” Tanong ni kuya Sehun na bigla bigla na lang sumusulpot.
        “Oo naman!” Sabay naming sagot ni Luhan.
S A  P A R T Y
        Lahat ata ng ka batch namin pumunta sa ball at stand out kaming dalawa ni luhan, ang gwapo kasi niya habang suot ang all white tuxedo niya. Halos kami lang ata ang nagsuot ng kulay puti sa ball at halos lahat kulay itim at pula. Magluluksa ata sila.
        White pants, white long sleeves, white coat, white shoes tapos kulay puti rin ang kanyang necktie. Ang hot niya grabe!
        “Grabe, siguro kailangan na naming mag exit. Nahiya naman kami sa suot namin,” sabi ni Kyungsoo at umalis, gwapo naman silang lahat ah? Sus!
        “Ang sabihin niyo kayo lang ang walang date,” pang aasar ni Luhan kay Kyungsoo pero may lumapit sa kanya, si Vivian...
        “Hello Kyungsoo, pwede bang ikaw na lang ang date ko?” Tanong niya pero may sinilip si Kyungsoo sa likod niya and guess what?
        “Hi Makino! Ang ganda mo ngayon ah?” Pambobola nito.
        “Ngayon lang?” Tanong naman ni Makino. Napakamot na lang ng batok si Kyungsoo dahil sa sinabi niya.
        “Of course matagal na, tara?” Isinabit ni Makino ang braso niya sa braso ni Kyungsoo, WTH? Si Vivian naman umalis na lang dahil MEDYO pahiya ng KONTI, hahaha ang bad ko. Si kuya Suho naman nagulat ako ng may nilapitan.
        “Hello? Pwede bang ikaw na lang ang date ko?” Tanong ni Kuya Suho.
        “NA lang? ibig sabihin wala ka ng choice?” Tanong ni Tricia. Ang taray talaga nito kahit kailan. Siya na nga lang ang tinatanong eh, pero what?
        “Nope, okay let me rephrase it. Can you be my date?” Tanong ni kuya Suho. Okay? Anong nangyayare sa mga tao ngayon at mukhang hindi ako updated?
        “Sabi nila habang nag training ka pumoporma si Kyungsoo kay Makino, si kuya Suho naman hindi ko alam kung kelan,” sagot ni Lulu sabay akbay sakin.
        “Ah ganun? Kaya pala parang wala akong alam sa mga nangyayare eh,” sabi ko na lang, nagsayaw naman kaming dalawa sa gitna.
        Si kuya Lay? Nakakakita na siya, hindi na rin galit si Baekhyun kay Lulu dahil nalaman kong si Lulu ang dahilan kung bakit nabulag si kuya Lay. So, dahil nakakakita na siya medyo magkasundo na si Lulu at Baekhyun kaya lang may ilangan parin.
        Si kuya Kris at kuya Tao naman magpapakasal na. Joke, magpapaka busy muna raw sila sa mga trabaho nila kung ano man yun.
        Si kuya Suho nakita niyo naman na ang sweet nila ni Tricia na nagsasayaw, ang lapad ng ngiti ng lolo niyo! Ganun din naman si Kyungsoo na kasayaw si Makino. May lovelife na din ang mga besty ko! Natutuwa ako para sa kanila.
        Sina Chen, Chanyeol at Xiumin magpapari na ang mga yan. Ewan, hindi raw sila ineteresado sa mga babae maliban sakin. Loko talaga yung mga yun. Si kuya Sehun? Hm? May nakilala sa mga kaklase kong super obssess sa kanya, naiirita naman daw siya at dapat hindi na lang siya sumama sa ball namin.
        Sino pa ba ang nakalimutan ko? Oh well ito kami ni Lulu masaya na kaming dalawa, minsan nag aaway kami dahil lagi akong binibisita ni Jackson sa bahay eh. Ako naman gusto ko lang I entertain si Jackson dahil kahit papano naman ay naging magkaibigan na kami kahit nagkalaban kami sa arena.
        Si Luhan nga pala ang tagapagmana at bagong hari dahil kami ang nanalo, sino pa ba ang reyna? Kung hindi ako lang naman diba?
        “Masaya ka ba?” Tanong niya sakin.
         “Oo naman, ikaw masaya ka ba?” Tanong ko pabalik sa kanya, patuloy lang kami sa pagsasayaw ngayon sa gitna.
        “Oo, masayang masaya. Lalo na at kasama na kita ulit,” sabi niya at ngumiti, nagulat kami ng may humatak sa damit namin.
        Pagtingin namin ay sina Baby Lulu at baby Ellaine nagsasayaw din sa tabi namin, pinagtitinginan na din sila ng mga tao at kaklase namin.
“Ang cute noh?”
“Ang sarap nilang pisilin sa pisngi.”
“Ang sarap nilang iuwi sa bahay namin.”
        Natakot naman sila sa mga taong pwedeng mag murder sa kanila kaya tumalon sila saming dalawa ni Lulu at sumiksik, allergy sa tao?
        Isang bagay din ang napagkasunduan, ang hayaan na ang mga taong malaman ang tungkol sa mga wolf para hindi na sila matakot. Nung una malamang natakot sila pero ng makita nila ang mga baby namin nag iba ang ihip ng hangin at gusto nilang kunin samin sina baby Lulu at Ellaine.
        Naglalakad kami ni Lulu sa tabing dagat, kita nga namin ang bilog na buwan kaya naman engganyong engganyo ang mga wolf na hawak namin sa nakikita. Bitbit namin silang dalawa dahil ayaw nilanng bumaba.
        Nakakatuwa ngang tignan si Lulu dahil para siyang lalaking may hawak na teddy bear. Tapos medyo naka-pout pa siya, naku! Ang cute cute niya talagang tignan.
        “Ang ganda ng buwan noh?” Tanong ko, naupo kami sa tabing dagat at tinignan ang buwan. Napagod na rin kasi kami sa kalalakad.
        “Oo pero mas maganda ka,” sabi niya. Tinignan ko naman siya. Nakatingin lang siya sakin at unti unting lumapit. Bago pa man lumapit ang mukha namin sa isa't isa ay narinig namin ang impit na boses nina Baby Lulu at Ellaine. Natawa naman kami dahil nalimutan namin na hawak namn sila.
        Pero hindi nagpaawat si Lulu at lumapit parin sakin, kasabay nun ang pagtama rin ng labi ni Baby Ellaine sa labi ni baby Lulu.
 
        [A/N] Sabi naman sa inyo tapos na eh :3 May season 2 pa naman kaya lang matagal na UD. tapusin ko iba kong on going stories ;)
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet