Chapter 10 - Chen

The 12 Zodiacs
✔Chapter 10
ELLAINE
        Free time namin ngayon kaya nakatambay kami sa harap ng school. Si Luhan, Kyungsoo at Xiumin naglalaro ng bola. Si Chen naman ito katabi ko at nakaakbay pa sakin. Si Chanyeol at Kai naman naka upo lang sa bench at nag uusap siguro pero nakakapagtaka dahil hindi bumubuka yung bibig nila!
        “Ang ganda ng panahon ngayon noh?” Sabi ni Chen habang nakatingin sa langit “Mukhang hindi naman uulan,” patuloy pa niyang sabi. Tinignan ko din naman yung mga ulap sa taas.
        “Tama ka, ang ganda ng ulap,” sabi ko habang nakatingala. May nakita naman akong ulap na hugis, ahm…tiger ata yun. Ang creepy pero parang ang sarap yakapin nung cloud na yun, makahanap nga ng teddy bear na wolf.
        “Hm, Chen mauna na ko may naalala kasi akong bilhin eh,” paalam ko sa kanya. Sayang naman kasi ang oras kung tutunganga lang ako dito. Para mamaya ay hindi na ako masyadong gabihin.
        “Sige, san ba? Gusto mo samahan na kita?” Tanong niya.
        “Naku! Wag na hintayin mo na lang yang mga pinsan mo,” sabi ko.
        “Okay lang, ang boring naman kasi dito tapos aalis ka pa, tara ako maghahatid sayo,” sabi niya sakin. Tinawag naman niya yung iba at nagpaalam. “Samahan ko lang ‘tong si Ellaine, may bibilin lang,” sabi niya.        
        “Sige ingat kayo, iuwi mo ng buo yan ah?” Biro naman ni Xiumin sabay bato ng bola kay Luhan eh nakatingin samin si Luhan, kaya ayun!
        “Naku sorry Luhan, hindi ka naman kasi tumitingin eh,” sabi niya at nilapitan si Luhan.
        “Okay ka lang ba Luhan?” nag-aalalang tanong ko. Naalala ko tuloy si Kyungsoo na tinamaan ko noon ng bola sa ulo, hindi man lang nasaktan.
        “Okay lang,” sabi naman niya. Well kahit papano okay na din ang sagot niyang 'yan kesa naman snob na naman ang peg ko. Natutuwa na ako kahit simpleng Okay lang niya.
        “Sige mauna na kami,” sabi ni Chen. May kakaiba ring kahulugan ang mga ngiti sa labi niya ngayon. Madalas siyang nakangiti pero kakaiba yung ngiti niya ngayon.        
        “Wait lang, pwede bang favor? Pabili naman ako ng bubble tea oh. Please*Puppy eyes*” pahabol ni Kuya Sehun.
        “Sure,” sabi ko, isip bata talaga si Kuya Sehun kahit kelan oo, pero nakakatuwa dahil hindi tulad ni Luhan nakakausap ko siya ng matino. Hay~ Luhan na naman.
        Pumunta na kami ni Chen sa malapit na store. Uunahin ko muna yung teddy bear bago yung bubble tea baka kasi madumihan yung ibang tinda eh. Hindi pa ako nakakakita ng bubble tea sa totoo pero nakita ko na siya dati sa picture.
        “Wolf? Bakit naman wolf ang napili mo?” May halong pagkagulat na tanong ni Chen habang nakakunot pa ang noo. “Pwede namang pikachu, puroro o kaya itong rilakuma,” sabi niya habang tinitignan yung iba pang tinitinda dun.
        “Ewan ko ba, feel ko kasing wolf ang bilin ko eh,” sabi ko, hinayaan na lang niya ako at may kasunod pang hat na wolf, bigay ni Chen regalo lang daw! “Salamat~” Sabi ko sa kanya. Sa tingin ko sa simula ngayon makaka adikan ko na ang pangongolekta ng mga stuffs.
        Pumunta na kami sa bilihan ng bubble tea at binili yung sinasabi ni Kuya Sehun. “Mahilig pala si Kuya Sehun sa Bubble tea?” Bigla kong tanong kay Chen. Ngayon ko lang kasi nalaman ang bagay na yun at unti unti nakikilala ko na rin siya.
        “Naku! Kahit hindi na siya kumain basta may bubble tea siyang katabi oks na oks na siya dun!” Sabi niya. Tumango tango naman ako dahil sa sinabi niya. Si Luhan kaya? Ano kayang kinahihiligan niyang gawin, inumin at pagkaabalahan. Madalas ko naman siyang nakikitang may hawak na bola pero parang hindi ko naman feel.
        Ellaine! Kelan mo ba tatanggalin ang lalaking yan sa isip mo? Parang hindi ka sa teddy bears at stuffs na aadik kundi kay Luhan!
        “Tara na, dumidilim na din mapanganib na kung magpapagabi pa tayo lalo,” sabi ni Chen sakin sabay akbay sakin palabas.
        “Andiyan ka naman eh, hindi na ko natatakot na may dumating na ,” biro ko sa kanya pero nakita ko ang takot sa mata niya, hindi ko alam kung bakit pero natakot ako. Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko, eh? Ang bilis magbago ng mood niya.
        “Hindi ka dapat umaasa sa ibang tao, tandaan mo Ellaine dapat alam mo kung paano ipagtanggol ang sarili mo, pero sa lagay mo ngayon sigurado akong hindi ka mawawalan ng tagapagtanggol.” Tumingin naman siya sa taas at nag-smirk.
        Ang weird nung ginawa niya pero hinayaan ko na lang, sa tingin ko kailangan kong magpaturo kay Tricia kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Kahit alam kong mahirap sa umpisa kailangan kong gawin para na rin sa sarili ko.
CHEN
        Ang tagal mamili nitong si Ellaine kaya naman nagtingin tingin na din ako ng mga tinitinda, nakakita naman ako ng isang hat na wolf. Naweirduhan nga ako kanina sa binili niya pero naisip ko, parang si Luhan ang nasa isip niya nung binibili niya yung bagay na yun.
        Imposible namang malaman niya yung tungkol kay Luhan pero ako din yung may gawa dun sa ulap na hugis wolf, naaalala ko kasi si Luhan nung mga oras na yun. Otomatikong naging ganun ang hugis ng ulap dahil sakin. Nag-aalala ako sa pinsan kong yun!
        “Tara na, dumidilim na din mapanganib na kung magpapagabi pa tayo lalo,” yaya ko sa kanya sabay akbay palabas, I smirked.
        “Andiyan ka naman eh, hindi na ko natatakot na may dumating na ,” biro niya sakin pero nakaramdam ako ng takot, bakit? Dahil alam kong anytime pwede siyang mapahamak sa mga witches na yun. Kahit na kasama niya ako ngayon, hindi ko alam kung kaya ko bang labanan yung mga iyon ng mag-isa.
        “Hindi ka dapat umaasa sa ibang tao, tandaan mo Ellaine dapat alam mo kung paano ipagtanggol ang sarili mo, pero sa lagay mo ngayon sigurado akong hindi ka mawawalan ng tagapagtanggol,” sabi ko, tumingin ako sa taas which is kita ko si Luhan, overprotective. Eh?
        Umuwi na kami at as ussual wala pa si Luhan dahil nakita ko siya kaninang nagtatago habang ang sama ng tingin sakin dahil inakbayan ko si Ellaine, makapagselos naman yung taong yun.
        Sa aming lahat si Luhan na lang ang hindi nakakaalam sa nararamdaman ni Ellaine para sa kanya, for sure ang iniisip nun imposible dahil ang sungit niya kay Ellaine. Kasalanan naman niya kung bakit ganun ang iniisip niya eh, ito namang si Ellaine sungit sungit ng lalaking yun nagkagusto parin siya dun.
        “Nandito na pala kayo, Ellaine ^O^ Bubble tea ko?” Tanong ni Kuya Sehun, nilabas naman ni Ellaine yung Bubble tea sa plastik at binigay sa kanya “Yehey! Salamat Ellaine ah.” Nilantakan na niya yung bubble tea niya at hindi man lang nang alok.
        Umupo na kami sa sofa habang si Kyungsoo naman at nagluluto, ang sarap kaya ng mga niluluto ng taong 'yan, minsan nga nagpapaturo ako pero sinabihan ba naman ako ng, ‘Tama na nga, istorbo ka lang’ ang sakit niyang magsalita!
        Anyways, hindi na ganun ang ugali niya ngayon. Nag-iba na ang bubwit na yan at naging mabait na ang pakikitungo niya, hindi na siya nagsusungit at nagiging madaldal na rin. Ganyan siguro ang epekto ni Ellaine sa kanya. Lagi na rin silang magkasaman dalawa eh.
        “Hm, malapit na ang bakasyon,” sabi ni Xiumin sabay inat at sandal sa sandalan ng sofa. “What if mag-outing naman tayo?” Suggest niya.
        “Oo nga, ang boring kasi kung dito lang tayo sa bahay,” sabi naman ni Chanyeol.
        “Really? Pwede ba akong sumama sa outing niyo?” Tanong ni Ellaine.
        “Oo naman, isa ka na samin kaya hindi ka na exception,” sabi ko sabay kindat, malay ko sa mata ko laging kumikindat eh kahit sa lalaki ata kumikindat na ‘to. Pero hindi ako bakla ah?
        “Yehey~ pero san naman tayo mag-outing?” Tanong niya.
        “Hm? Nakapunta ka na ba sa spa ni Kuya Suho?” Tanong ni Chanyeol, napatingin kaming lahat sa kanya, bad idea.
        “Kuya Suho? Sino yun? Pinsan niyo din? Why not, baka naman maganda dun,” sabi ni Ellaine, patay na. Mag-suggest na lang kasi ‘tong si Chanyeol yung komplikado pa.
        “Ah naku, baka sarado yun or busy na din si Kuya,” Sabi nila. Kung ano na lang na dahilan para hindi pumayag si Ellaine.
        “Aw, kelan ba yun nagbubukas? I-set na lang natin yung date na bukas sila,” sabi niya, wala na siguro kaming magagawa dahil ayaw patalo ni Ellaine tungkol dito.
        “I-Itatanong na lang namin sa kanya, he-he,” Sabi ko sabay kamot sa pisngi ko kahit hindi naman makati, mapapasubo pa ata kami nito. Ano kayang sasabihin ni kuya kapag nalaman niyang may nakatirang iba sa bahay? And mas worse ay babae pa.
        Ano kayang magiging reaksyon nila? Tiyak ko naman na hindi sila matutuwa at magugulat sila pero paano kung gawin nila yung ginawa nila dati sa kasintahan ni Kuya Lay? Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si Luhan, hindi na nasanay kumatok pasok agad. Kelan ba ko masasanay sa ugali niyang yan?
        “Kumain ka na ba Luhan? Nagluluto pa si Kyungsoo eh,” sabi ni Ellaine.
         “Hindi ako gutom,” sabi ni Luhan, ewan ko kung paano natitiis ni Luhan ang sungitan si Ellaine and same goes to Ellaine, sinusungitan na nga ni Luhan ganun parin siya. Hay~
        Kumain na kami ng wala si Luhan, madalas yang mag-isa eh. May pagkaloner, minsan kasama si Xiumin pero sabi nga ni Xiumin pati siya nahihirapang basahin si Luhan. Ang alam lang din namin tungkol sa kakayahan ni Luhan ay pagkontrol sa mga bagay, pagtakbo ng mabilis at iyon ngang pagiging wolf niya.
         Saming lahat siya lang ang nagiging wolf kahit hindi pa napupunta sa kanya ang shard.
        Tama! Kaya siya naging iba samin ay dahil isa siyang wolf. Kami? Simpleng zodiac lang kami na may kanya kanyang kapangyarihan at simbolo, simbolo saan? Syempre sa katawan, ang simbolo ko ay lightning na nasa tuhod ko kaya naman hindi masyadong halata.
        Ewan ko na lang kung saan tinatago ng iba yung kanila, ayaw pa kasing sabihin pero sabagay. Mamaya kung saan na pala naka-locate yan *whistles*
 
        [A/N] Sino gusto makita ung saan nakalagay ang simbolo ni Luhan? Haha xD Hulaan niyo kung saan!!!~ Medyo mapapabagal na naman ang UD dahil sa paglalaro ko ng CoC, nakakaadik eh >.< Vomments ;)
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet