Chapter 23 - Orion Zodiac

The 12 Zodiacs
Chapter 23
LUHAN
        Nang magkamalay ako tanghalian na, ang unang tanong sa isip ko ‘Kumain na ba si Ellaine?’ ‘Sinong kasama niyang kumain at wala ako sa school?’ Napabuntong hininga na lang ako.
        “Don’t worry, kasama naman nina Kyungsoo at Xiumin si Ellaine eh,” mukhang alam ni kuya Sehun ang nasa isip ko. Nandito rin pala siya sa kwarto ko.
        “Ah ganun ba?” Tinignan ko naman ang sarili ko, wala na yung sugat ko kanina. Naalala ko yung nangyare kanina, napapikit na lang ako. Pagtayo ko wala naman akong naramdamang kakaibang sakit, ang galing talaga ni Kuya Lay. Speaking of Kuya Lay...
        “Si Kuya Lay? Anong ginawa niya? Sinaktan ba niya---“ Hindi ko na natuloy ang sinabi ko dahil may nagsalita na sa likod ko.
        “Don’t worry, wala akong ginawa sa kaniya,” sabi niya at lumapit sakin, hindi siya kumukurap. Napansin ko rin yan nung una ko siyang makita.
        “Bulag siya,” sabi ni Sehun. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hindi ko alam, pero bakit ganun? Kanina naman wala akong naramdamang kakaiba sa kanya. I mean parang normal lang siya kanina habang nakikipaglaban sakin, feeling ko nung tinignan niya ko nakatingin talaga siya sakin.
        “Nasan na siya?” Tanong ko. Kahit na sinabi nilang wala silang ginawa kay Ellaine nag-aalala parin naman ako sa kung anong ginagawa niy. Hindi na ligtas ngayon lalo na at may nalalaman siya.
        “Nasa school parin siya, kasama ang mga kaibigan niya,” sagot niya, napahinga ako ng malalim at humiga.
        ”Aray~” Daing ko. Bigla akong napatayo dahil sa pinalo niya sakin.
        “Tumayo ka at magsisimula ulit tayo,” utos niya sakin, may hawak kasi siyang stick na parang ruler tapos pinalo sa tiyan ko. Aray! Ang sakit, sa sikmura ba naman ako paluin. Argh~ nakakainis.
        Tumayo na ako at sumunod sa kanya, kailangan kong makaganti sa kanya mamaya. Akala mo namang wala lang yung hawak niya kung makapalo siya kung saan saan lang. Mamaya hindi na tiyan ko ang tamaan!
        Nagpatuloy lang ang training namin at hindi tulad kanina hindi na ako napupuruhan, kung hindi sugat puro gas gas lang. Kapag pinagtatangkaan niya ulit akong saksakin nakakailag na ako, ayoko na ah! Nalaman kong may lason yun.
        May kung anong mahika yun na nakakapagpawala ng malay kaya tumuwad ako kanina habang nakikipaglaban sa kanya. Kahit kelan hindi niya ako inaatrasan kahit noon pa na alam niyang mahina lang ako.
        Minsan ang unfair ni Kuya Lay pero aaminin ko naman marami akong natututunan sa kanya, feeling ko ang lakas ko na! Parang kaya ko nang gawin lahat ng mga gusto kong gawin sa kakayahan ko.
        “Ang galing,” sabi na lang nina Kuya Suho. Nagpasalamat ako dahil nalampasan ko kanina si kuya Lay, yun lang ang nasa isip ko kanina. Hindi nagtagal natapos din kami sa ensayo namin, medyo napagod na din kasi ako. Bumukas naman ang pinto at pumasok sina Kyungsoo pero wala si Ellaine.
        “Si Ellaine?” Tanong ko agad pagkapasok nila.
        “Grabe, kami yung nandito siya unang naisip mo. Nakakatampo ah?” Sabi ni Xiumin. Ngayon pa ata nagdrama ang isang 'to.
        “Haist~ sagutin mo na lang,” sabi ko. Napailing na lang ang iba sa inasta ko. Masama na ba ang mag-alala. Akala niyo naman kasi ganun ganun lang ang pwedeng mangyare sa kanila tapos hahayaan lang nila?
        “Kasama yung dalawa niyang kaibigan, gumala dahil hindi ka kasama,” sabi niya kaya lumabas ako.
        “Hoi Luhan, magdamit ka naman,” sigaw ni Kuya Sehun kinuha ko naman yung damit na hinagis niya gamit ang telekinesis. Dahil sa kakamadali hindi ko na napansin na wala nga pala akong pang-itaas kapag nageensayo.
        Isa pa, bakit naman iniwan ng mga kumag na yun si Ellaine kasama ang mga kaibigan niya, hindi ba nila alam na mapanganib? Naku! Kung hindi ko lang mga pinsan talaga yun pinag bubugbog ko na silang lahat eh, pero nababagabag parin ako sa loob ko.
        Feeling ko ang lakas ko nga pero, parang may kulang. Hindi ko lang talaga masabi sa sarili ko kung ano yun pero ang gulo!
LAY
        Orion Zodiac, sino ang makakapagsabing siya ang itinakda. Sino nga ba naman ang mag-aakalang makikilala namin siya bago pa namin malaman na siya ang itinakda? Sa buong buhay naming mga zodiac ngayon lang nagkaron ng babaeng Orion Zodiac.
        Ang dating Orion Zodiac ay si Hermes, ang hari namin. Pero nung namatay siya hindi namin alam na nagkaanak siya. Si Hermes, tiyak na siya ang ama ni Ellaine kung nagkataong tama ang sabi nina Suho sakin. Namatay ang tatay ni Ellaine bata palang siya.
        Matapos niya kasing magampanan ang tungkulin niya noon ay bigla na lang siyang nawala dahilan upang magtalong mula kaming mga Zodiacs at witches. Walang nakakaalam kung anong nangyare sa kanila pero walang may pakialam.
        Ang nais lang ng mga witches ay sila ang mamuno sa amin pero hindi kami pumayag. Gusto muna kasi naming malaman kung ano talaga nangyare sa hari bago magplano ng ganito. Isang araw nalaman na lang namin na wala na ang hari pero walang nagsabing nagkaanak ito.
        Simula noon nabuo ang isang propesiya. Ang propesiya na ipinanganak ang itinakda ngunit walang nakakaalam kung sino ito. Darating ang oras na siya mismo ang lalapit sa amin o kaya naman sa mga witches. Good thing at kami ang unang nakakita sa kaniya.
        May mga kakaibang kakayahan din siya tulad namin pero hindi pa niya alam, kailangan ko rin siyang makausap at makapagensayo. Kung magtatagal ang ganitong set up na masyadong malapit at laging kasama ni Luhan si Ellaine hindi ko alam kung pano ko siya sasanayin.
        Alam kong hindi papayag si Luhan lalo na kapag nalaman niyang si Ellaine ang Orion Zodiac, kaya naman kailangan kong palayuin si Ellaine kay Luhan. Sa kaso ng pagmamahal ni Luhan ay hindi niya hahayaang mapahamak o masaktan lang si Ellaine.
        Kahit na masaktan at magalit sakin si Luhan, kailangan kong gawin yun para na rin sa kaligtasan naming mga zodiac pati na rin ni Ellaine. Kailangan ko lang siyang makumbinsi ngayon.
        Pagkauwi nila kasama na ni Luhan si Ellaine, hinintay ko ang pagkakataon para makausap ko siya. Nang hindi nahahalata ni Luhan.
        Alam ko namang walang makakaalam ng gagawin ko dahil sabi nga nila mahirap akong basahin at iyon ang gagawin ko. Gagamitin ko itong dahilan upang itago sa kanila ang plano ko. Hindi naman ako sigurado kung maitatago ko ito ng matagal pero mas maganda kung ilihim ko panandalian.
        Pagkatapos kumain inintay ko na silang makapasok sa mga kwarto nila, kumatok ako sa kwarto ni Ellaine at pinagbuksan naman niya ako agad.
        “Ahm, Kuya Lay? May kailangan ka po ba?” Tanong niya. Nakangiti siya sakin nang magtanong siya pero ramdam ko ang pagkabigla niya.
        “Gusto sana kitang makausap, Ellaine,” malumanay na sabi ko habang pinapakiramdaman siya. Ayoko namang mabigla siya sakin.
        “Sige pasok ka po.” Binuksan niya yung pinto at hinayaan akong makapasok sa loob, naupo kami sa veranda ng room niya. Tahimik lang akong nakatingin sa buwan habang siya naman ay naramdaman kong naupo sa tabi ko.
        Ahm…” Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita at inunahan na siya.
        “Alam kong alam mo ang tungkol sa kakayahan mo,” sabi ko, simula kanina alam kong may pangamba sa mga mata niya. Naramdaman ko ito kanina lang. May halo rin itong takot.
        “Kuya Lay, natatakot ako.” Nagsimula na siyang umiyak kaya naman nilapitan ko siya. Hindi nga ako nagkamali.
        “Alam ko, tutulungan kita,” sabi ko, niyakap ko siya. Alam ko namang mahirap ang hihingin ko sa kanya pero para mawala ang takot niya kailangan niyang gawin ang sasabihin ko.
        “Paano?” Tanong niya. Sandali muna akong tumahimik at saka sinimulang magsalita.
        “Hayaan mong sanayin kitang kontrolin ang kapangyarihan mo...pero gusto kong pumayag ka sa mga sasabihin ko,” sabi ko at tumango naman siya. “,kailangan mong humiwalay sa mga pinsan ko...at isa run ang pakikipaghiwalay mo kay Luhan,” sabi ko.
        “P-Pero,” sabi niya. Alam kong nagdadalawang isip siya. “…hindi ko kaya pero…kakayanin ko,” walang duda, siya nga ang anak ni Hermes. Hindi na ako magtataka pa.
        “Bukas, hahayaan ko kayong dalawa ni Luhan na magsama...pagkatapos nun,” sabi ko hindi ko na tinuloy dahil alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin. Magiging ayos din ang lahat Ellaine. Sisiguraduhin ko yan sayo...
 
        [A/N] Ano?! Masungit ba si Lay ko? Hahaha xD Iyan na may POV na siya >.<
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet