Chapter 24 - Last date(?)

The 12 Zodiacs
✔Chapter 24
ELLAINE
        Kasalukuyan akong naglalagay ng gamit ko sa may locker room. May narinig akong kaluskos sa hindi kalayuan. Papauwi na ako sa bahay nina Luhan. Bigla akong kinabahan, hindi ko kasi kasama si Luhan ngayon.
        Nasanay na rin kasi ako ng kasama siya kaya medyo natatakot ako mag-isa. Nauna na naman sina Tricia. Hinayaan ko na sila dahil baka may gagawin pa sila sa bahay nila. Ayoko naman na makaabala pa sa kanila.
        “Sino yan?” Tanong ko. Dati kasi inuna ko yung takot ko pero ngayon hindi na, Sinilip ko pero nagulat ako ng may pusang tumalon sakin kaya hinarang ko ang kamay ko sa mukha ko.
        Narinig ko na lang ang pagngiyaw ng pusa. Nagulat ako at hindi makagalaw...tinignan ko ang kaharap kong pusa ngayon. Hindi ‘to totoo diba? Naluto yung pusa dahil sa isang kidlat na galing sa kamay ko!
        Umuusok yung kamay ko pero nawala din kalaunan. Tumakbo na ako paalis. Hindi! Imagination ko lang yun diba? Tell me! Nananaginip lang naman ako...paano magkakakidlat? Wala namang ulam, hindi rin kumukulog.
        “Ellaine?” Narinig kong may nagsalita sa hindi kalayuan, si Lulu. Tumakbo ako at niyakap siya, natatakot talaga ako! Kasi naman, bakit may lalabas ng ganun ganun na lang diba? Sino ba hindi matatakot dun?
        Oo nga at marami na akong nakitang may powers gaya na lang ng mga kapangyarihan nina Kai pero bakit pati ako? Isa rin ba akong gaya nila?
        “Lulu,” sabi ko sabay singhot. Ayoko namang pag-alahanin pa si Lulu kaya hindi ko na lang sasabihin sa kanya yung nangyare.
        “Bakit ka umiiyak?” Tanong niya, umiling lang ako.
        “Natakot ako, akala ko kung sino na yung kumaluskos,” sabi ko na lang. 'Sorry talaga, Lulu!'
        “Ganun ba? Sa susunod hindi ko na hahayaang umuwi ka mag-isa,” sabi niya, natatakot akong sabihin kay Luhan kaya naman hindi ko na sinabi. Buti hindi ako nagpahatid kina Tricia at hindi nila nakita yung nangyare ngayon ngayon lang.
        'Baka kasi matakot sila sakin...'
        Pagdating sa bahay mas lalo akong nailang, pilit lang ako nakikihalubilo sa iba pero hindi parin maalis sa isip ko ang takot. Wala naman akong alam na mapapagsabihan kaya medyo tumahimik na lang ako.
        Sasabihin ko na lang na masama ang pakiramdam ko kung sakali mang tanungin nila. May isang tao kasi akong gustong pagsabihan dahil alam kong matutulungan niya ko kaya lang nahihiya naman ako sa kanya.
        Hanggang sa matapos kumain nagkulong ako agad sa kwarto ko, tinignan ko ang mga palad ko. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko...n-natusta yung pusa kanina dahil sa kamay ko, kita kong sa kamay ko lumabas ang kidlat kaya hindi ko masasabing si Chen yun.
        Isa pa wala naman si Chen nun at si Luhan lang ang dumating, ayokong may makaalam. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko...napabuntong hininga na lang ako. Bago lang ako sa pakiramdam na ‘to, feeling ko hindi ako tao. Feeling ko isa din ako sa kanilang mga zodiac pero nakakapagtaka...
        12 lang ang zodiac at pagdumagdag ako magiging 13 na. Ayon kasi sa nabasa ko ay dumadaloy ang dugo ng pagiging Zodiac sa pamilya mo. Kung nagkaton, magkamag-anak pa kami ni Luhan? Napahilamos na lang ako sa mukha ko ng mariinig kong may kumatok.
         Pagbukas ko si Kuya Lay pala. Nakaramdam ako ulit ng takot dahil dito. Pwede kayang alam ni kuya Lay yung nangyare kaya niya ako pinuntahan?
        Ahm, Kuya Lay? May kailangan ka po ba?” Tanong ko sa kanya, gabi na eh ano kayang kailangan niya?
        “Gusto sana kitang makausap, Ellaine,” sabi niya habang nakatingin sakin pero hindi man lang siya natinag o kumurap man lang.
        “Sige, pasok ka po,” pagpapatuloy ko sa kanya. Binuksan ko yung pinto para makapasok siya at hinayaan sa loob. Hindi naman akin itong bahay para ipagdamot ko sa kanila. Naupo kaming dalawa sa veranda ng room niya.
        Tahimik lang siyang nakatingin sa buwan habang ako naman ay naupo na lang sa tabi niya “Ahm…” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya at inunahan na niya ako.
        “Alam kong alam mo ang tungkol sa kakayahan mo,” sabi niya. Once again...ito na naman ang nararamdaman ko...natatakot na naman ako.
        “Kuya Lay, natatakot ako,” pagkasabi ko niyan nagsimula na akong umiyak. Nagtutubig na ang mga mata ko. Lumapit siya sakin at niyakap ako...doon na bumuhos ang emosyon ko. Bakit sa tuwing may yayakap sakin kapag malungkot ako naiiyak ako?
        Ganito ako sa bisig ni mama noon nung may nambu-bully sakin dahil maliit ako. Tuwing niyayakap ko si mama umiiyak ako. Pagkatapos ko namang umiyak nagiging malakas ako...para bang, may kung anong kapangyarihan ang yakap ng ibang tao.
        “Alam ko, tutulungan kita,” sabi niya. Hinahagod na niya ang likod ko dahil na rin sa paghikbi ko. Medyo kumakalma naman ako kahit papano. Nakakahiyang isipin pero hindi naman kami ganung malapit sa isa't isa pero kung makaiyak ako, wagas!
        “Paano?” Tanong ko, wala akong idea kung anong gagawin ko sa sarili ko. Tulad ng sabi ko kanina bago lang ako sa pakiramdam na ito. Feeling ko nga ang daming kuryente ang dumadaloy sa katawan ko at kinikilabutan ako tuwing nararamdaman ko ang mga iyon.
        “Hayaan mong sanayin kita pero gusto kong pumayag ka sa mga sasabihin ko,” sabi niya, tumango ako dahil alam ko namang matutulungan niya ko. Siya lang din naman ang unang taong naisip kong hingan ng tulong pero hindi ko inaasahang siya ang lalapit sakin para tulungan ako.
        “Kailangan mong humiwalay sa mga pinsan ko,” natahimik naman ako dahil sa sinabi niya, parang alam ko na kung saan patungo ang usapang ito. “,at isa dun ang pakikipaghiwalay mo kay Luhan,” sabi ko na nga ba...
        “P-Pero,” sabi ko. Muli akong nagbuntong hininga. Kailangan kong gawin ito. “,hindi ko kaya pero…kakayanin ko,” sagot ko...sorry Lulu!
        “Bukas, hahayaan ko kayong dalawa ni Luhan na magsama at pagkatapos nun,” sabi niya hindi na niya tinuloy dahil alam kong alam na niya kung anong pwede kong maramdaman at isipin.
        Kaya ngayon ang binigay na panahon para samin ni Lulu, kita ko namang nageenjoy siya kaya ngumingiti ako sa kanya. Baka ito na ang huling beses kong makikita ang mga ngiti na yan, sana naman pagumalis ako makangiti parin siya ng ganyan.
        “May problema ba? Parang hindi ka naman ata nag eenjoy,” nagaalalang tanong niya. Muli akong ngumiti sa kanya.
        “Wala naman, pagod na rin kasi ako. Kain na lang tayo?” Tumango naman siya at kumain na kami. Isasantabi ko muna ang mga bagay na yun, gusto ko munang makapagsaya kasama si Lulu. Kahit sa huling pagkakataon...
LUHAN
        May mali! Una palang nakakapagtaka na. Bakit kailangan niyang mag-aya ng date, hindi naman niya gawain yun? Pangalawa hindi naman siya nag eenjoy, kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Makikipaghiwalay ba siya sakin pagkatapos nito?
        Kung tama man ang hinala ko, hindi! Hinding hindi ako papayag...kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit niya ‘to ginagawa.
        Hindi naman niya kailangan gawin pa ito. Kung gusto niya na makipaghiwalay dapat sinabi na lang niya. Hindi naman pwedeng ang dahilan ay nasasakal siya sakin. Hinahayaan ko naman siya sa kung anong gusto niya.
        Pwede kayang may iba na siyang gusto?! This past few days isang lalaki lang naman ang lumapit sa kanya at yun ay ang walanghiyang coatman na iyon! Pwede kayang isa sa mga pinsan ko? Aist!
        Nandito kami sa sofa at nanonood ng movie, hindi naman kami iniistorbo ng mga pinsan ko which is super weird!
        “Lulu,” tawag niay sakin. Napatingin ako sa kanya. Bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko? “,masaya ako dahil nakilala ko kayo...nakilala kita,” sabi niya, kinuha niya ang kamay ko at pinagdikit ang palad namin. “,pero sa tingin ko hanggang dito na lang—“ Hindi ko siya pinatapos, sabi na nga ba eh...
        "Hindi! Hindi lang yun hanggang dito,” matigas na sabi ko, tumingin ako sa kanya ng deretso. “,sabi na nga ba may mali, sabihin mo nga sakin Ellaine. Bakit kailangan mo ‘tong gawin?” tanong ko pero yumuko lang siya. “,Ellaine! Bakit mo ba kailangang makipaghiwalay sakin?” Tanong kong pasigaw.
        “Dahil sabi ko…” Napatingin ako sa taong nakatayo sa pinto at nakitang nakatayo roon si kuya Lay.
        “Kuya Lay? Pero bakit kailangan niyong gawin ‘to?” Tanong ko. Ang daming tanong na pumasok sa utak ko pagkakita ko sa kanya. Maaari bang si kuya Lay ang ipinalit niya sakin? Magkakilala na ba sila noon palang?
        Mababaliw na ata ako sa kakaisip! Hindi ko naman magawang itanong sa kanila. Para bang nawalan ako ng boses para makapagsalita at magtanong.
        “Dahil hindi kayo pwede sa isa’t isa, naiintindihan mo ba ko Luhan? Magkaiba kayo at hindi ko hahayaang magsama kayo,” sabi niya. Bigla namang uminit ang ulo ko kaya hindi ko na alam kung anong pwedeng lumabas sa bibig ko.
        “Bakit? Dahil ba sa unfair sayo? Ha?! Dahil ba kinailangan tanggalin ang alaala ni---” Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla akong tumilapon!
        Galit...iyan ang nasa mata ni kuya Lay ngayon, alam kong masakit parin para sa kanya ang nangyare sa taong mahal niya pero bakit kailangan niyang gawin samin ito ni Ellaine?
        “Wala kang karapatang isumbat 'yan sakin!” Sigaw niya. Lalapitan sana ako ni Ellaine pero kinuha siya ni Kai at nilayo. Pati ba naman mga pinsan ko ilalayo siya sakin? Bakit ba kasi nila 'to ginagawa? Hindi ko makita kung anong dahilan!
        “Hindi siya makakabuti sayo dahil pareho lang kayo, pareho kayong may gampaning dapat ayusin,” mahinahon na sabi niya at umalis na. Umalis na rin si Ellaine akay akay ni Kai kahit parang ayaw naman niya talaga umalis. Hindi ko na ininda ang sakit ng katawan ko.
        Nasasaktan akong panoorin ang taong mahal ko na malayo sakin. Hindi ko rin maintindihan kung ano bang gusto niyang ipahiwatig sakin. Kahit saang anggulo ko tignan hindi ko mahanap ang sagot sa tanong kong bakit. Iniwan na nila ako dito pero nanatili si Kuya Sehun.
        “Hindi ko alam kung tama ba ako pero may karapatan kang malaman ang totoo, si Ellaine...at ang Orion Zodiac ay iisa,” sabi niya kaya napatulala na lang ako, hindi...
 
        [A/N] Hindi ko alam kung nakakaiyak ba ito o kung ano pero yaan niyo na! hahahaha xD
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet