Chapter 13 - Changes

The 12 Zodiacs
✔Chapter 13
SEHUN
         Hinintay ko si Ellaine hanggang sa makauwi siya, ang totoo niyan wala sa bahay ang mga pinsan ko at nasa arena. Doon ginaganap ang mga madudugong laban namin, minsan lang kami sumali dun pero tiyak naman lagi ang panalo namin.
        Hindi naman pumunta si Luhan dahil malay ko dun, pero may nabuo na akong conclusion.
         Pinulot ko yung isa sa papel na nahulog ni Ellaine kaninang nagmamadali siyang umakyat, ang una kong nabasa sa papel na yun ‘Wolf’ alam kong may alam na siya samin. Pero ayokong matakot siya samin, malaki na ang naging parte niya sa bahay at sa pamilya namin. Ang daming nagbago sa mga ugali ng mga pinsan ko nung nakilala nila si Ellaine.
         Si Kyungsoo naging madaldal at maaalalahanin na siya, si Chanyeol nagiging madaldal na din kahit na ramdam niya ang panghihina kapag magkasama sila ni Xiumin, ganun din si Xiumin.
         Si Kai naman nagiging open na sakin tungkol kay Ellaine, kulang na lang isipin kong may gusto din siya kay Ellaine eh.
         Si Luhan? Lagi na siyang wala sa bahay, maiintindihan ko pa sana tuwing gabi pero kahit hapon wala pa siya sa bahay, hindi naman niya sinasabi kung nagkikita pa sila nung coat man na yun.
         Si Chen? Ayun, madalas na niyang pinapansin ang mga kaklase nilang babae ayon kay Kai at nakikihalubilo na din sa iba, ako?
         Hindi ko maintindihan ang sarili ko at nagiging isip bata ako kapag nandiyan siya.  Ayoko pa sanang layuan niya kami kapag nalaman niya, tulad na lang ngayon ang tahimik niya habang kumakain kahit na kaharap niya lang ako.
         Natatakot ako na kapag umalis siya sa bahay dala ang mga impormasyon na yun ay mapahamak siya lalo na at ayaw ng mga witches na malaman ng mga simpleng tao na totoo sila.
        Napabuntong hininga na lang ako ng may bigla kumaluskos, si Luhan. Ramdam ko ang nakakatakot na aura niya hindi tulad ng dati, nagbabago na siya. Siguradong nag eensayo siya tuwing gabi.
         “Nakauwi na ba si Ellaine?” Tanong niya, tignan mo ‘to Ellaine agad ang nasa isip.
        “Oo, Luhan sa tingin ko, may alam na siya,” sabi ko, wala namang dahilan para hindi sabihin kahit na kanino pa sa kanila eh.
         “Oo alam ko, at kasalanan ko yun,” sabi niya, pula parin ang mata niya pero kahit papano na kokontrol na niya na mag anyong tao.
        “Ano? Ano na naman bang nangyare?” Tanong ko. Kahit naman lagi kong inaasar 'tong pinsan ko na ito ay may pakialam parin ako sa kanya. Kinwento niya sakin yung nangyare kanina noong sinundan siya ni Ellaine sa rooftop.
        “Natatakot ako kuya Sehun, alam kong hindi lang basta basta yung nakita ko.” This is the first time, unang beses niya akong tinawag na kuya kaya naman natutuwa ako sa kanya.
        “Akong bahala, simula bukas mag training ka na. Sa lalong madaling panahon kailangan aminin na natin sa kanya...ayokong magtago sa kanya,” Sabi ko.
        “Ganun din naman ako...ako ang magsasabi kuya, hayaan mo akong magsabi,” pagmamakaawa niya. Alam ko kung anong nasa isip niya kaya naman tinapik ko ang balikat niya.
        “May tiwala ako sayo, mauuna na ako sa taas. Pumasok ka na din baka makita ka ni Ellaine,” sabi ko sa kanya at dumeretso na sa kwarto ko.
         Hindi magtatagal magiging ayos na din ang lahat tungkol kay Ellaine, alam ko namang naguguluhan lang siya sa mga nalaman niya pero hindi magtatagal maaayos din ‘to.
LUHAN
        “Nakauwi na ba si Ellaine?” Tanong ko pagkapasok ko sa bahay namin. Medyo nagpahangin pa ako saglit pagkatapos kong iwan si Ellaine dahil sa pagkainis ko sa sarili ko. Naging pabaya ako kaya ganun.
        “Oo, Luhan sa tingin ko, may alam na siya,” sabi niya. As expected, alam ko na malalaman din ni Kuya Sehun na alam na ni Ellaine.
         “Oo alam ko, at kasalanan ko yun,” sabi ko, kung hindi naman talaga ako nagpadalos dalos hindi pa niya malalaman eh.
         “Ano? Ano na naman bang nangyare?” Sinabi ko sa kanya yung nangyare kanina, hindi ko naman talaga sinasadya eh. Nataranta lang ako dahil sa naging sitwasyon namin.
        “Natatakot ako kuya Sehun, alam kong hindi lang basta basta yung nakita ko” Napayuko na lang ako habang sinasabi yan, ayokong umiyak at maging mahina sa harap niya ngayon kaya pinigilan ko.
        “Akong bahala, simula bukas mag training ka na. Sa lalong madaling panahon kailangan aminin na natin sa kanya,” sabi niya. “,ayokong magtago sa kanya,” dagdag pa niya.
         “Ganun din naman ako,” sabi ko.
         “Ako ang magsasabi kuya, hayaan mo akong magsabi,” at the same time kapag natanggap niya kami aamin na ako, sana nga lang matanggap niya kami dahil baka hindi ko kayaning kamuhian niya kami.
        “May tiwala ako sayo, mauuna na ako sa taas. Pumasok ka na din baka makita ka ni Ellaine,” sabi niya, alam kong natatakot din siya dahil kung nagkataong hindi niya kami matanggap ng buo kailangan naming alisin ang alaala niya.
        Lahat ng alaala namin sa kanya at mga bagay na nalaman niya, tulad ng nangyare sa kasintahan ni Kuya Lay. Kaya natatakot din kaming malaman ng mga kuya namin dahil kung nagkataon gagawin nila agad yun kay Ellaine.
        At iyon ang hindi ko hahayaang mangyare, ipaglalaban ko si Ellaine kahit pa mga kapatid at pinsan kong nakatatanda sakin ang makakalaban ko.
        Pagkapasok ni Kuya Sehun sa kwarto niya pinuntahan ko muna ang kwarto ni Ellaine, natutulog na siya at nakita ko ang mga nakakalat na papel sa higaan niya. Hinawakan ko lang ang mukha niyang mahimbing na natutulog, magiging ayos din ang lahat Ellaine. Hindi ko hahayaang magalaw ka ng kahit sino man.
         Nang bigla siyang gumalaw lumabas na ako ng kwarto niya at nagtago, hindi pa ako handa ngayon pero sisiguraduhin kong bukas na bukas sapat na ang lakas ng loob ko para sabihin sa kanya.
         Hindi na ako magpapakahina sa harap ng kahit sino man, makikita nila na nagbago na ako. Hindi na ako yung Luhan na lagi nilang binubully at inuutus utusan. At ikaw naman Coat man, maghanda ka dahil pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin. Kung hindi dahil sa shard na nilagay mo hindi ko na kakailanganing gawin ang mga ginagawa ng mga wolves.
         Kabilang na ako sa 2nd class na type ng wolf dahil sa shard at naiinis ako dahil dun, kinakailangan kong sumali sa paligsahan na inihanda ng hari.
         Ang hari ang namamahala at nakatataas na pinuno, ang pinuno ng zodiac at witches. Kahit na iisa lang ang pinuno namin hindi maiwasan ang pagbabanggaan naming lahat lalo na at malapit na ang paligsahan.
         Kaya naman simula bukas mag eensayo na akong mabuti para matalo sila, hindi man ako magtagumpay ay mahanap ko man lang ang itinakda bago mahuli ang lahat. Bago pa kami maunahan ng mga witch at wizards sa paghahanap.
         Siya lang ang makakatulong samin para matalo ang mga witches sa paligsahan na ito, actually hindi ko alam kung bakit kailangan siya pero yan ang sabi ni coat man sakin. Kapag nahanap ko na siya hindi ko siya ibibigay sa kanya dahil hindi ko siya ganun kakilala.
        Hindi ko alam kung kakampi ba talaga namin siya o ginagamit niya lang ako upang magawa ang paghahanap na hindi niya kayang gawin.
         Minsan naisip ko, kakampi ba namin si coatman o isa siya sa kalaban namin dahil sa inaasta niya, pati ako hindi ko alam kung hahanapin ko pa ba ang itinakda o hindi na lang.
 
        [A/N] Kakampi ba o hindi ang coatman? Comment now ^O^
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet