Chapter 22 - Bestfriend's bonding

The 12 Zodiacs
✔Chapter 22
ELLAINE
        Maya maya bumalik na sina Tricia at Makino. Walang teacher kaya naman tumayo sila sa harap. Sa tingin ko napag-usapan na nila yung gagawin o kung ano man ang ipinunta nina kuya Suho rito.
        “May announcement ako guys, tumahimik muna kayo,” sabi niya. Tinignan ko naman siya dahil sa announcement daw. Mukhang maganda ang mood ng ating President dahil nakangiti siya ngayon habang kinukuha ang bawat atensyon namin.
        Agad namang nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kanya kanya nilang mga upuan. Mukhang nagtataka nga rin sila kung bakit masaya si Tricia.
        “Sa last day ng klase natin which is magkakaron tayo ng farewell, right?” Tanong niya. Nagsitanguan naman kami. ",naisipan na lang namin na magkaroon ng isang ball, para siyang...JS Prom. Mr. Kim and Mr. Wu presented to be our sponsor,” sabi niya, eh?
        Ano naman kayang naisip ng mga yun at naisipan pa yung ball na yun? Eh next year naman pwedeng magkita kita parin kami, weird nilang dalawa ah? Pero come to think of it, ito na ang prom na pwede kong maisayaw si Luhan.
        Last Prom kasi namin hindi siya pumunta. Tanging si Kai lang ang nagpunta sa kanilang magpipinsan kaya naman dinumog talaga siya. Siya kasi ang inaya ng karamihan sa mga babae maliban sakin.
        Sumama lang naman ako kasi niyaya ako nina Makino at Tricia. Sila pa nga ang bumili ng gown na sinuot ko kaya hindi na ako nakatanggi. Wala naman kasi akong pambili ng ganun. Saka first ball naming magkakasama yun kaya um-oo ako.
        “Pag uusapan pa lang namin yung theme pero papayag ba kayo sa idea na yun?” Tanong niya, syempre mga party gulls ang mga yan kaya pumayag. Papayag na lang din ako dahil mukhang exciting ang bagay na iyon.
        Nag-break time kina Tricia at Makino ako sumabay pero nakabusangot ang mga mukha nila habang nagke kwento ako sa kanila. Si Makino okay pa eh kaya lang si Tricia...hindi maging interesado sa chikahan ay bubusangot ng ganito?
        “Hey guys, kanina pa ako kwento ng kwento pero parang wala naman kayong naririnig. Ano bang problema?” Tanong ko. Hindi ko lang kasi maiwasan ang malungkot.
        Alam mo Ellaine napansin ko lang kasi. Dahil ba wala si Luhan samin ka na sasabay? Ngayon ka na lang ulit nasabay samin simula nung sabihin mong nagkakamabutihan na kayo ni Luhan,” tanong ni Tricia. Wala naman akong naging problema nung sinabi ko sa kanila.
        Sa katunayan natuwa pa nga sila dahil sa wakas daw ay napansin na ako ng taong matagal ko nang tinitignan. Ngayon naman, naiintindihan ko na kung bakit sila nakabusangot.
        “Guys, kahit ganun naman kayo parin ang best friends ko noh,” sabi ko sa kanila. Totoo naman yun. Lagi na lang kami magkakasama nitong mga nakaraang araw kaya naman si Luhan naman ang sinasamahan ko dahil minsan lang ito.
        “Well, ano mo ba si Luhan at inuna mo pa siya?” Tanong pa nito. Hindi ko nababanggit sa kanila na kami na pero ang sabi ko lang nagkakamabutihan na kami. Ano ba naman yan!
        “Guys don’t be jealous, Luhan.is.my.boyfriend?” Dahan dahan na sabi ko. Unti unting inangat nila ang ulo nila at tinignan ako ng deretso. Para bang hindi pa nagssi-sink in sa utak nila yung sinabi ko.
        'Ganun na ba kahindi kapaniwalang paniwala ang bagay na yun?! Ano yun, nagiilusyon lang ako? Kung ilusyon man yun ayoko na magising!'
        “What? Tama ba ang naririnig ko? Ikaw... at si Luhan?” Tanong niya, tumango tango naman ako at nanlaki ang mga mata. Sa wakas at nag-sink in na sa kanila!         
        “OMG! Fo real?” Tanong niya.
        Tumatango tango naman akong sumagot.
        “Yeah, for real,” sabi ko, edi iyon nagkwentuhan lang kami. Sinabi ko kung paano naging kami at bakit naging kami.
        Kinwento ko naman pwera sa wolf part, kinilig naman sila sakin kahit na raw hindi niya ako niligawan. Kapag niloko niya raw ako jojombagin niya daw si Luhan! Diba Jombag pang-beki lang yun? Kung anu ano natututunan ng babaeng 'to.
        “So paano yun? You know, nakatira kayo sa isang bahay?” Tanong ni Tricia, napakunot na lang ang noo ko sa tanong niya. Mukhang ang layo na naman ng nilalakbay ng utak nito.
        “What do you mean by that?” Tanong ko, hindi ko kasi malaman kung paano umikot ang utak ng kaibigan ko na ‘to eh. Parang pang ibang planeta!
        “You know, hindi ba kayo natutulog sa isang kwarto?” Tanong niya, napanganga naman ako dahil sa tanong niya. Ano pa nga bang aasahan ko sa magiging tanong niya?
        “What kind of question is that ?” Tanong ko. Napapa-english na lang tuloy ako ng wala sa oras. Maagang puputi ang mga buhok ko dahil sa kanya!
        “Ano ka ba naman, hindi mo na kailangang mahiya,” pang-aasar na sabi pa niya kaya binatukan ko siya. “,bakit mo naman ako binatukan?” Tanong niya habang hinihimas ang ulo niya.
        “Alam mo, kung anu ano na yang naiisip mo, of course hindi ako hahayaan nina Kuya Sehun matulog kasama si Luhan noh!” Sabi ko. Isipin ko pa nga lang ang ganung bagay parang hindi ko na kaya eh.
        “Wow~ Whose that kuya Sehun?” Tanong niya habang yung kilay niya pababa taas, mukhang interesado siya kay kuya Sehun ah?
        “Ahm pinsan ni Luhan at kapatid ni Kuya Suho,” sabi ko naman, pinaikot ko ang tinidor ko at kinain ang spaghetti na kinakain ko. Kilala na naman niya si kuya Suho.
        “Don’t tell me pati si Suho guy nakatira sa bahay na tinutuluyan mo?” Tanong niya, kulang na lang idikit ang mukha niya sa muha ko. Nanlalaki na rin ang mga mata niya.
        “Ah-huh,” sabi ko sabay tango tango at pinagpatuloy ang pagkain. Ang tagal ko nang hindi nakakakain ng pagkain sa canteen, lagi kasing luto ni Kyungsoo ang kinakain ko pero sulit naman.
        “Grabe! Pinalilibutan ka pala ng mga hot at gwapong lalaki hindi mo sinabi!!!” Sigaw ni Tricia na kulang na lang ay sakalin at patayin na ko.
        “Hindi mo naman kasi ako tinatanong kaya wala akong dapat sabihin sayo,” sabi ko, tinanggal ko na ang kamay kong nakahawak at sumasakal sakin.
        “Ang sama mo talaga, hindi mo na nga kami pinapansin ni Makino ganyan pa trato mo samin,” sabi niya sabay pout. Hindi ko rin minsan maintindihan dumadaloy sa utak ng isang ito. Hindi ko malaman kung isip bata ba o maton talaga.
        “Sorry na Tricia, babawi ako sayo. Mamaya mall na lang tayo?” Tanong ko sa kanya, she love shopping kasi kaya for sure hindi yan tatanggi!
        “Sureness! Hindi ko tatanggihan yan!” Malapad na ngiting sabi niya pero napalitan din ng ngiting aso. “,akala ko naman sina Kyungsoo lang, iyun pala buong angkan” Sabi niya, hindi parin pala nawawala sa isip niya yan.
        “Kung gwapo na sina Luhan, kai, Kyungsoo at Xiumin ano pa ang iba niyong mga kasama? Diyos?” Tanong niya sakin.
        “Well, sort of~” Sabi ko, nagtitili naman siya at walang pakialam sa mga tao dito sa canteen na kanina pa tumitingin sa kanya. Totoo naman kasi yung sinabi ko. Lalo na si kuya Lay kaya lang parang ang sungit naman niya at laging simangot.
         “Wala silang pakialam, basta kinikilig ako,” sabi niya na lang at nakuha pang irapan ang buong tao sa canteen, haha!
        “Minsan nga dalin mo ko sa bahay niyo ah?” Sabi niya. Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya.
        “Hindi ko sure, sa kanila ka magpaalam hindi sakin,” sabi ko. Kung dadalin ko pa sila sa bahay baka may malaman lang sila. Tapos tatanggalan kaming tatlo ng ala ala tungkol sa kanila? Huwag na!
        Naisip ko naman kung mawalan kami ng alaala tungkol sa kanila. Sa susunod ba may gusto paring ako kay Luhan at tinitignan ulit siya mula sa malayo?
        “Aw, sayang naman pero nakakatuwa,” sabi niya, kung anu ano pang mga bagay ang napagkwentuhan namin. Si Makino tahimik lang.
        Parang may kung anong iniisip pero ang hirap niyang basahin, ayoko namang tanungin kung ano yung nasa isip niya. Dati kasi tinanong ko kung anong nasa isip niya ang sagot niya ‘Iniisip ko kung anong panonoorin ko, horror o cannibal?’ kaya naman ayoko na magtanong.
        Ayoko sa lahat yung mga ganung panoorin. Parang feeling ko kasi ako yung pinapatay! Ihhh Ayoko na isipin!
        After naming kumain bumalik na kami sa room, napagpasyahan naming gumala muna after school kaya sinabi ko na kay Kyungsoo. Baka kasi hintayin pa nila ko.
        “Don’t Worry, akong bahala. Sasabihin ko na lang kina Kuya Sehun,” sabi niya sabay pat na naman ng ulo ko.
        Naging hobby na niya yun ah? Anong akala niya sakin? Aso? Tsss. Nag mall kami ng mga kaibigan ko kaya naman enjoy! Ang tagal din simula nung huli naming gala ng mga kaibigan ko kaya feeling ko ang laki ng kasalanan ko sa kanila dalawa.
        Pangalawa, may tinatago ako sa kanila pero ano bang magagawa ko diba?Alangan namang sabihin kong wolf si Luhan. Yung mga pinsan naman niya ayun mga zodiac, may kapangyarihan like flame, frost, lightning at kung anu ano pa.
        Baka mapagkamalan pa ako ng mga kaibigan ko na may sira na ako sa ulo, masakit yun for sure! Kahit hindi ko pa nararamdaman.
        Kung anu anong mga ginawa namin sa mall, gala, lakad, bili, tawanan, at kung anu ano pa. Napukaw na naman ng atensyon ko ang isang wolf. Yung binili ko noon kulay itim pero yung nakita ko ngayon kulay pink!
        Ang cute! Kamukha lang naman nung binili ko dati pero iba lang ng kulay. Saka meron ba talaga pink na wolf sa totoong buhay?
        “Wow Ellaine~ Kelan ka pa nahilig sa wolf?” Tanong ni Tricia. Napatingin naman ako sa kanya sabay balik ng tingin ko sa teddy bear.
        “Hindi ko alam eh,” sabi ko na lang, hindi ko alam pero simula noon nahiligan ko na ang wolf. Gusto ko na ding makakita ng wolf araw araw pag gising ko at bago ako matulog, feeling ko ang cute ng mga wolf sa paningin ko...
 
        [A/N] Grabe! Para na siyang nag-crave sa isang wolf. hahaha xD Thanks for reading...
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet