Chapter 3 - What?

The 12 Zodiacs
Chapter 3
ELLAINE
        Nakatulala lang ako sa kawalan, Nasa loob ako ng room at super ingay nila sa pamumuno ng aming president. Inaalala ko parin yung tumulong sakin kahapon pero hindi naman nagpakilala sakin. Yung tungkol naman sa nakita ko sa rooftop? Ayun may daga! Ewan ko nga kung san galing ang hayop na yun kaya napasigaw na lang ako. Pero hindi ako takot sa daga. Babawasan ko na lang ang paginom inom ng kape para hindi ako ninenerbyos ng ganun.
        “Okay ka lang ba Ellaine?” Tanong ni Tricia sakin, tumango tango na lang ako kahit hindi naman talaga ko okay.
        “Hayaan mo na yan, maya maya dadating na ang prince charming niya *wink*” Inaasar na naman niya ako. Ayoko naman sabihin na nacurious ako sa tumulong sakin, ang sinabi ko na lang ay kakilala ko lang pero nahihiyang magpakita sa kanila.
        “Kyaaaaaaah~”
        “Andiyan na sila!”
        “Tahimik na, nasa kabilang room lang yung president…”
        Napaayos ako ng upo at kunwareng nagsusulat sa notebook ko. Nandito na sila, naexcite naman daw ako. Hindi ko tuloy matanggal ang pagkakangiti sa labi ko. Parang nagrereact agad ang hormones ko kapag naririnig ko yung mga sigawan nila.
        Pagpasok nila, si Luhan agad ang tinignan ko. Ang gwapo parin niya hanggang ngayon pero parang may sugat siya sa noo niya. Naka band aid ito at madalas ko siya nakikitang may sugat sa mukha niya. Baka sa susunod magkapeklat pa, bawas kagwapuhan. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa iniisip ko.
        As ussual si Kai lang ang tinitignan nila pero ako? Stick to one, kay Luhan lang ako *Bleh* Pero nung mapatingin siya nagsulat lang ako. Hindi na rin ako nakangiti at sinuot ang bored look ko. Bakit ba ang tagal ng teacher namin para matignan ko na siya ng mas matagal?
        “Nakatingin siya sayo Ellaine,” sabi ng katabi kong si Makino. Well, ano pa bang magagawa ko kung alam na niya? Kahit kelan ang weird ng isang to. Ang lakas ng pakiramdam.
        “Hayaan mo, baka napatingin lang,” sabi ko. Mahirap na rin kasi ang mag-assume tungkol sa mga ganyang bagay. Pero mas mahirap kapag nasaktan ka na, diba? Parang ang lalim ng hugot ko noh?
        “Ang nega mo, isipin mo na lang ikaw ang tinitignan niya” Sabi naman ni Tricia. Pagtingin ko hindi na siya sakin nakatingin. Napa-pout na lang ako, pinagtutulungan nila akong dalawa!
        “Hindi naman talaga ko, tignan mo sa board na nakatingin,” sabi ko na lang. Nakakainggit tuloy yung board, buti pa siya tinitignan ni Luhan.
        “Hay! Ewan ko sayo pero ikaw talaga ang tinitignan niya,” sabi na lang niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin ako sa bintana. Nakita ko yung puno kahapon, mamaya pupunta ako ulit dahil baka makita ko ulit yung lalaki. Paano ko nalamang lalaki? Malamang mabubuhat ba ako ng babae? Pero malay mo si Superwoman yung tumulong sakin.
        “Good morning class, go back to your proper sits,” utos ng teacher namin. Another boring subject na naman.  Nag-drawing na lang ako. May talent kasi ako sa pagguhit kaya ginagamit ko, sayang naman kung ipagsasawalang bahala ko lang.
        “Class dismiss.” Bilis ng oras noh? Dismissal na agad hindi man lang naglunch. Pero kasi kanina hindi ko na nakita yung lalaki. Kaya ito ako ngayon nanlalatang lumabas at pumunta ng locker ko. Hindi ko maiwasan ang ma disappoint dahil naghintay ako nung break, lunch at nung vacant namin pero wala talaga akong nakita.
        “Bakit ang lungkot mo ata?” Tanong ni Makino.
        “Wala naman, pagod lang.” Kahit pagod ako nakukuha ko paring ngumiti, ayoko kasing mahawa sila kapag malungkot ako tuwing pagod. Dapat everyday and everyone happy!
        “Mauuna na ako, hinahanap na ako ng kapatid ko,” pagpaalam ni Makino. Nag-paalam na din si Triciai sakin, ako naman inayos ang locker room ko. Ako na lang ang mag-isa dito pero hindi na naman ako takot dahil madalas din akong mag-isa tuwing uwian. Ayoko kasing may makaalam kung saan ako nakatira. Remember? Sa isang tent sa gubat, ang creepy nga naman nun lalo na at babae ako.
        Pagdating ko sa tent…
        Inayos ko na yung gamit ko at naglagay ng bonfire. Hindi naman kita yun dahil ilang buwan ko na ginagawa yun. Madalas akong mag-isa at wala naman akong nagiging bisita kaya hindi ko na masyadong inaayos ang mga gamit ko. Hindi rin naman ganun karami ang mga meron ako sa bahay.
May narinig naman akong tumunog sa labas, parang kaluskos ng isang…parang may tao ata.
        “May tao ba diyan?” Tanong ng isang hindi pamilyar na. Hala? May nakasunod ba sakin kanina? Tulad ng sabi ko wala namang ibang nakakaalam na dito ako nakatira.
        “M-may tao dito…”  No use naman kung magtatago ako diba? Kaya nagsalita na lang din ako at lumabas ng tent ko upang makita kung sino ang taong iyon.
        “E-Ellaine?” gulat na bulalas ni…
        “Kai, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko. Paano niya kaya nalaman ang lugar na ito? Posible bang sinusundan niya ako? Imposible…
        “Ako dapat ang nagtatanong niyan,” sagot naman niya. Tumingin siya sa paligid pati sa loob ng tent ko. Anong ginagawa niya dito? Paano niya ako nahanap?
        “Dito ako nakatira,” tanging nasagot ko na lang. May rumehistro namang pagtataka sa mukha niya pero nawala rin naman agad iyon.
        “Sa isang…tent?” Tanong niya. Hindi ako makapaniwalang kausap ko siya ngayon. Nandito siya sa harap ko at tinatanong ako, may hawak pa siyang flashlight.
        “Oo, matagal na ako dito,” nakayukong sabi ko sa kanya. Nahihiya kasi ako dahil baka pagtawanan niya ako pero hindi niya iyon ginawa. Naalala kong malaki ang respeto niya sa mga babae kaya alam kong alam niyang mahihiya ako kapag tumawa siya.
        “Tara sumama ka sakin,” sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad paalis. Hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi pero hindi nagtagal nagpakaladkad na lang ako.
        “San ba tayo pupunta?” Tanong ko. Hindi kaya naligaw siya?
        “Sa bahay namin,” sabi niya.
         “Ano namang gagawin natin dun?” Tanong ko.
         “Dun ka muna,” sagot niya. Napatango na lang ako pero nang unti unting nag-sink in sakin ang sabi niya.Naalala kong kasama niya sina Luhan at isa pa niyang pinsan pero hindi ko alam kung saan. Pero ano daw? Dun muna ako?
        “Pero hindi na kailangan, dun na lang ako sa tent ko,” sabi ko. Bigla na naman kasi akong kinabahan thinking na makakasama ko si Luhan sa bahay nila. Is he out of his mind?
        “Hindi mo ba alam na may mga mababangis na hayop sa gubat na yan?” Sabi niya. Medyo kinilabutan ako pero nawala din yun.
        “Matagal na akong nakatira diyan at wala pa akong nakikita,” sagot ko sa kanya. Hawak niya yung kamay ko habang hinihila niya ako, yung kamay ko at hindi yung wrist ko. Gusto kong mag blush dahil dun, kung may makakakita samin na fangirl niya tiyak na h-huntingin nila ko.
        “Anong gusto mo? Hintayin na makita ka ng mga hayop at kainin ka?”Tanong niya. May point siya dun pero paano yung gamit ko. Bago pa ako makapagtanong natanaw ko na ang bahay nila. Tiyak na iyon yun dahil wala namang ibang bahay pa akong nakikita.
        “Ito pala ang bahay niyo,” manghang sabi ko. May kalakihan kasi ang bahay nila kompara sa bahay ko, I mean, sa tent ko.
        “Pasok…” Tinulak naman niya ako sa loob. Nakita kong nagulat si Luhan sa pagpasok ko and so do I. Napatigil naman yung isa sa pag inom ng kape. Baka siya yung isa niyang pinsan na kasama niya dito sa bahay.
        “Hello," Sabi ko sabay smile at kaway sa kanya. ",Ako po si Ellaine, magandang gabi,” bati ko sa kanila.
        “Ah, hello din. Ako pala si Sehun, magandang gabi din,” bati  ni Kuya Sehun . Maka-kuya noh? “Tawagin mo na lang akong kuya Sehun, okay?” Pwede naman pala eh. Yung gulat na ekspresyon niya kanina ay napalitan ng isang malapad na ngiti. Yung tipong parang may narealize na something. Wait! May na realize? Baka isipin niya na girlfriend ako ni Kai, no! Kay Luhan lang ako!
        “Okay po, Kuya Sehun,” sabi ko na medyo may awkwardness parin naman.
        “Anong ginagawa niya dito?” Tanong ni Luhan nang hindi man lang ako tinapunan ulit ng tingin. Ayaw ata niyang nandito ako. Hindi ko napigilan ang malungkot dahil dun.
        “Dito muna siya tutuloy,” sabi ni Kai. Bigla namang naibuga ni Kuya Sehun ang kape na iniinom niya. Hala? Bakit? Hindi ba ako welcome dito? Hindi ko tuloy maiwasan ang malungkot at mapayuko.
        “Talaga?! Pero bakit?” Tanong ni Kuya Sehun. Hindi ko maintindihan ang taong ito. Kanina gulat tapos sasaya ulit, magugulat ulit tapos sasaya na naman. Ang gulo ng personality. Tumayo naman si Luhan at pumunta ng kusina, parang ayaw ni Luhan na nandito ako ah? Well, hindi na dapat ako magulat sa ganyang reaksyon niya.
        “Siya yung nakatira sa tent sa hindi kalayuan,” sabi ni Kai kay kuya Sehun. Umupo siya sa pinto at isinandal ang likod niya sa gilid nun.
        “Okay lang naman sayo, hindi ba, Luhan?” Tanong ni Kai. Nakita kong kumunot ang noo ni Luhan.
        “Bahala kayo,” sagot niya. Nakatawa si Kuya Sehun. Hala? Ayaw nga ni Luhan ang nandito ako, okay? Paulit ulit na ko. Kahit na nasasaktan na ako pilit parin dumadaloy sa utak ko yun.
        “Hayaan mo na yang si Luhan,” sabi ni Kuya Sehun “,buti at nakilala na kita sa wakas,” dugtong pa niya. Kilala niya ko?
        “Eh?” Nasabi ko na lang.
        “Kain na tayo,” sabi ni Kai. Inabot niya sakin yung noodles. Ganito lang din ang kinakain ko sa tent ko eh. Parang lumipat lang ako ng bahay.
        “Naku! Marami akong ganito sa tent, gusto kong balikan,” sabi ko.
 
         “Bukas na, madilim na at baka mapahamak ka pa,” sabi ni Kuya Sehun. Ang bait niya. Bakit hindi namana ni Luhan ang kabaitan sa mga pinsan niya?
Pagkatapos kumain…
        Halos magulantang ako nang bigla akong may narinig na bumaldog at tumama sa kung saan. Dali dali ko namang hinanap kung saan nanggaling yun at nakita si Luhan.
        “Aray~” Daing ni Luhan. Nilapitan ko siya nang makitang napaupo siya sa sahig. Ihagis ba naman ni Kuya Sehun yung takure ng tubig eh. Kaya pala laging may bukol at sugat si Luhan kapag papasok siya.
        “Ayos ka lang ba Luhan?” Pag-aalalang tanong ko sa kanya.
         “Ayos lang ako, wag mo kong lalapitan,” sabi niya. Hala? Galit? Lumabas siya at hindi ko alam kung saan pupunta. Ganun ba talaga siya kagalit sa mga babae, o sakin lang talaga siya ganun kagalit at kahit hawakan siya ayaw niya.
        “Loko talaga yun! Kunware pa eh,” sabi ni Kuya Sehun. Bakit nakukuha pa niyang tumawa ngayon? Hindi ba siya nag-aalala?
        “Bakit mo naman kasi binato ng takure eh?” Tanong ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang masigawan siya. Ang sakit kaya nun kahit hindi ako yung binato nasaktan ako eh.
        “Okay lang yun sakanya, hindi na yun nasasaktan,” Sabi ni Kai. “,sanay na yan sa ganyan, lagi nga niyang hinahanap eh.” Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi pero nag-aalala ako kay Luhan.
        “Dito ka nga pala matutulog Ellaine,” sabi ni Kuya Sehun. Pinakita nila sakin ang kwarto ko. Kung titignan mo sa labas ang liit ng bahay nila. Pero sa loob malaki.
 
        “Wag ka mag-alala bukas, sabay sabay tayong papasok,” sabi ni Kai na ikinalaki ng mata ko sabay sabay? Ano na lang sasabihin nung iba? Lalo na yung fans ni Kai? Hindi kaya dumugin ako, hindi ba nila yun naisip? Hindi ko na nagawang itanong yun dahil pinatulog na nila ako. Ngayon palang kinikilabutan na ako, anong gagawin ko? Pupudpurin na naman ako ni Tricia ng mga tanong nito!
 
        [A/N] Sabi ko every Sunday ang update pero kapag na edit ko na ng mas maaga try ko i-post para hindi kayo mabitin xD Hahaha xD Enjoy! Kawawa naman si Luhan, laging nagkakabukol >.<
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet