Chapter 27 - Luhan's Past

The 12 Zodiacs
✔Chapter 27
SUHO
        Nandito lang ako sa labas ng silid niya, hindi naman gaya ng bahay namin ay simple lang ito at kurtina lang ang pinto. Hindi rin ito kalakihan at kasya na kaming apat para sa ilang linggong pagsasanay, linggo na lang kasi ang natitira at magsisimula na ang tournament.
        Si Luhan kaya? Sana naman 'wag niyang ma isip na mag senti habang wala kami, pero mukhang kampante naman si kuya Lay. Minsan hindi ko alam kung anong nasa isip ni Kuya Lay at ng iba ko pang mga pinsan, si Sehun lang ata ang naiintindihan ko dahil kapatid ko rin siya.
        Narinig ko rin ang mga sinabi niya, alam ko namang hindi mapanganib ang little wolf na yan na si baby Lulu daw. Dahil kung mapanganib naman yan gagawa na si kuya Lay ng paraan para mapaalis yan dahil pwedeng malagay sa panganib ang orion.
        Alam ko ring miss na miss niya na si Luhan, ako man eh. Yung lalaking 'yun hindi ko alam na magbabago siya ng dahil sa isang babae. Hindi ko akalaing pareho sila ni kuya Lay na magiging babae lang ang kahinaan.
        I mean dati gusgusing bata lang siya nung nakita namin siya na pakalat kalat sa gubat kung saan madalas kong tambayan...
*Flashback*
        Nandito na kami sa bahay namin at kagagaling lang namin sa eskwela, nakakapagod lalo na ang utak kong madami ng laman!
        “Hoi Suho, ano? Tutunganga na lang ba diyan?” tanong ni kuya Lay, kami lang nina Kuya Lay, Tao, Baekhyun at Kris ang nandito dahil nagpapaka independent na kami.
        'Yung kapatid ko namang si Sehun eh naiwan kina mama pati na rin ang mga pinsan ko, natuklasahan kasi namin na may gubat dito. May mga kapangyarihan naman kami kaya kaya na naming ipagtanggol ang mga sarili namin kung may mga wolf man dito.
        Nagmistulang playground naming lima yun dahil na rin sa bored na kaming tumambay maghapon sa bahay na yun. Ang laki naman at medyo nakakatakot tapos lima lang kami. Nakababatang kapatid ni kuya Lay si Baekhyun kaya parehong masungit! Shh lang kayo...
        Wala na kasi ang mga magulang nila kaya hindi naman maiwan ni kuya Lay si Baekhyun, kung pwede nga lang ay dito na din tumira si Sehun.
        Naghabulan lang kami at nagpaunahang umakyat sa pinakamataas na puno, ang ganda nga ng tanawin dito eh...para ka lang nasa paraiso. Ang layo na ng narating namin kaya naman inabutan na kami ng dilim sa daan.
        “Awoooo...” Sa hingi kalayuan may narinig kaming ungol ng isang lobo at dahil curious si kuya Lay sa mga ganyang bagay pinuntahan niya I mean namin.
        “Tara na kuya, baka kung ano pang mangyare satin,” sabi ni Baekhyun, tama siya. Hindi namin alam baka malaking lobo ang isang 'yan.
        “Tignan lang natin,” ang kulit talaga ni Kuya Lay pero wala na kaming nagawa kung hindi ang tignan ang narinig namin. Baka kasi tao lang din iyan o naligaw na aso.
        “May tao ba diyan?” Tanong namin, si kuya Lay lang ang lumalapit sa tunog na narinig namin, unti unti siyang lumapit hanggang sa...
        “Ahhh!!!” Sigaw ni Kuya Lay ng bigla siyang kalmutin ng wolf sa mata, nilapitan namin siya at akmang papatayin ang wolf ng pigilan ako ni kuya Lay. Bakit niya ko pipigilan? Sinaktan na nga siya nitong wolf.
        “Huwag niyo siyang sasaktan,” sabi niya habang hawak yung mata niya at nilapitan ang wolf. Maliit palang ito pero mukhang mapanganib na. Ano bang nasa isip ni kuya Lay?
        “Pero kuya Lay, sinaktan ka ng wolf na yan,” sigaw ni Baekhyun. Nag-aalala na rin siya sa kalagayan ngayon ng kuya niya.
        “No, 'wag niyo siyang sasaktan ni hawakan,” sabi niya, nilalapitan parin niya yung wolf. Natatakot ako para kay Kuya Lay. Baka kung ano na naman ang gawin sa kanya ng wolf na 'to!
        “Shh, 'wag kang matakot. Tutulungan kita,” sabi ni kuya Lay.
        "Kuya Lay…” Hindi na namin siya napigilan dahil nahawakan na niya yung wolf. Hinagod ni kuya ang wolf at binuhat Kalmado na rin itong buhat ni kuya Lay.
        “Baka kung anong gawin satin ng wolf na yan,” patuloy na sabi parin ni Baekhyun pero nakita kong nakangiti si kuya Lay.
        “No, natatakot lang siya. Aalagaan ko siya,” sabi niya, dumudugo na ang mata niya pero pinagaling din niya.
        Yun nga lang hindi na siya makakita, hindi na niya mapagaling ang mata niya kaya nabulag na siya pagkatapos ng nangyare. Sinimulang itrain ni kuya Lay si Luhan habang maliit parin siya pero wala namang improvements na nangyayare sa kanya.
        Tuwing lumalaki din si Luhan unti unting natatanggal ang balahibo niya at nagiging tao hanggang ngayon. Hindi niya alam na isa na siyang wolf noon, noong bata siya pero ni isa hindi namin nasabihan maliban sa mga nakakita that night.
        Nang unti unti ng magkaisip si Luhan nalaman naming mailap siya sa ibang tao, takot makihalubilo sa ibang tao. Nung lumaki na siya parang bulang nawala ang closeness nila ni kuya Lay nung bata pa siya dahil ang sungit na niya.
        Kaya naman laking pasasalamat namin at nagbago siya ng dahil kay Ellaine, na hindi ko naman in expect na siya ang Orion.
*End of Flashback*
        Hindi na namin nabanggit ang tungkol sa nangyare, si Baekhyun? Alam kong hanngang ngayon galit parin siya dahil sa nangyare. Kuya niya ang nawalan ng paningin dahil kay Luhan pero hindi naman niya yun binabanggit at iniiwasan na lang makausap si Luhan.
        Galit din siya dahil nang makilala ni kuya Lay si Luhan ay nawala na ang atensyon niya kay Baekhyun na si Luhan lagi ang kasama. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong na iinggit siya kay Luhan, pero ngayon naman kahit wala na si Luhan? Si kuya Lay naman ang tumahimik.
        Napagaling niya nga ang kalmot ni Luhan sa mukha niya pero hindi na bumalik ang paningin niya, naaawa ako sa kanya...
        Ngayon? Kailangan namin siyang tulungan, alam kong may mas matindi pang bagay ang masasalubong nila ni Ellaine sa tournament na ito.
        But sadly hindi ko pa alam ang bagay na yun. Ang tanging magagawa lang namin ngayon ay palakasin sila ni Luhan. Alam ko namang nagsasanay ngayon si Luhan dahil naging mensahero ang ganap ni Kai.
        Tuwing may oras siya ay dumadalaw siya rito nang hindi alam nina Luhan o ni Ellaine. Siya ang nagsasabi kung gaano kalakas na ngayon si Luhan. Kung anong kaya na niyang gawin at kung ano na ang nangyayare sa iba.
        Sinasabi ko naman sa kanya na magiging okay lang si Ellaine. Hindi naman namin siya sasaktan noh! Hindi naman namin siya hinanap para lang patayin kundi upang makapunta siya sa tamang landas.
        Ayokong makagawa siya ng masama kung sakaling makilala niya ang ibang mga witches. Kailangan namin siyang mabantayan lalo na at hindi namin alam kung kelan lilitaw ulit ang lalaking iyon.
        Ang lalaking nagbigay ng shard kay Luhan. Oo nga at hindi mapanganib para kay Luhan ang shard na iyon sa katawan pero...magiging mapanganib naman si Luhan kung sakaling hindi niya makontrol ang sarili niya.
        Dahil sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako...
 
        [A/N] Uwaa! Dahil sineswerte ako ay nawalan ng net samin! Pero hindi ako papayag, kailangan maibalik. Tahaha~ Salamat nga pala sa inyo, hindi ko na babanggitin ah? Sa mga naghihintay parin ng UD nito kahit medyo medyo late UD :3
        Lovelots <3
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet