Chapter 14 - Talk

The 12 Zodiacs
✔Chapter 14
ELLAINE
        Nagising ako ng may kumaluskos sa kwarto ko, nakita ko na lang na bukas ang veranda ng kwarto ko at ang lakas ng hangin sa labas. Nilapitan ko naman yun at tumanaw sa labas bago isara yung bintana. Hindi ko na masyadong inalala kung ano yun!
        Alam ko naman kung sino yung pumasok sa kwarto ko. Akala ko nga nananaginip lang ako pero hindi pala...
        Niligpit ko muna yung gamit ko at tinuloy na ang pagtulog ko, sa tingin ko naman kaya kong umarte ng wala pa akong alam sa mga nangyayare sa paligid ko simula bukas. Tulad nang kung paano ako umasta nung mga nakaraang araw.
        Kinabukasan...
        Maaga akong nagising, kailangan ko paring sundin ang schedule ko kahit papano. Bahala na kung sino ang mga makakasabay ko basta act normally. Ayoko munang masyadong isipin ang mga hindi mahahalagang bagay!
        Pagkatapos ko lumabas na ako ng kwarto ko pero bago pa ako makababa nang tuluyan ay nakita ko na si Kai na pababa na rin. Anong gagawin ko, babatiin ko ba? Hm, naku naman!
        “Good Morning Kai!” Masayang bati ko sa kanya habang nakangiti. HIndi ko alam kung totoong ngiti ba ang ginawa ko pero hayaan na nga lang.
         “Morning,” sabi niya rin sakin habang nakangiti sakin, sabay na kaming bumaba at nakita ko silang lahat sa hapag.
        “Good Morning!” Masiglang bati ko sa kanila, act normally Ellaine! 'Wag mo munang isipin yung nalaman mo sa ngayon. Siguro may tamang oras para mapagusapan niyo ang bagay na yun. Go with the flow na lang!
        “Good Morning , kain ka na at sabay sabay na tayong pumasok,” yaya sakin ni Chen. Muli niya akong inakbayan at iginaya sa upuan.
        Umupo na ako ng tahimik at kumain, wala na naman si Luhan ngayon. Iniiwasan niya ba ako? Ibig sabihin ba nun tama yung isa kong hinala?
        “S-Si Luhan?” Medyo nahihiyang tanong ko.
        “Nauna na, may gagawin pa raw siya dahil inutos ng president sa kanya,” si Kuya Sehun ang sumagot, tumango naman ako. 
        Bakit ganun? Nung nalaman ko yung bagay na yun mas lalo akong nag alala kay Luhan? Hindi ba dapat kapag ganito ay matakot ako sa kanya at iwasan siya?
        Maya maya tumayo na kami at pumasok na, naglalakad kami ulit ng tahimik. Napagdesisyunan ko ngang magbaon ng headset kung sakaling wala ulit klase mamayang hapon.
        “Ellaine!” Hinawakan ako ni Xiumin at alam kong siya ang yelo. Ayon sa nabasa ko kaya niyang payeluhin ang mga tubig at kahit anong bagay. Frost, eh?
        “Bakit?” Tanong ko sabay harap sa kanya. As ussual kita ko na naman ang nakangiti niyang mukha. Paano ko naman iiwasan ang ganitong tao? Napaka-genuine at napakanatural niyang tignan.
        “Hm, ano kasi pwede bang manood ka samin mamaya ng soccer, kasali si Luhan!” Biglang sumigla ang boses niya pagkabigkas ng Luhan. 
        “Oo naman! Ikaw pa ba? Anong oras ba?” Tanong ko.
        “Mamaya pagkatapos ng break, mga 1:00 ang simula. Practice lang naman eh,” sabi niya. Pumayag na lang ako dahil manonood din yung iba naming mga kaklase.
        Tiyak na malalaman ko din kung anu ano ang mga taglay nilang mga kapangyarihan mamaya kung sakaling makita ko sila. Habang tinititigan ko si Kyungsoo may naalala naman ako...
        “Don’t worry, wala nga akong naramdaman eh...”
        “'Wag mo na siyang alalahanin, okay lang yan… 'Yan pa eh mas matigas pa yan sa bato.” 
Hindi ako pwedeng magkamali at siya ang bato, napapatango na lang ako sa isip ko. Earth ata iyon? Medyo nakalimutan ko na ang ilang nabasa ko.
        “Okay ka lang ba Ellaine?” Tanong ni Kai, “,kanina ka pa kasi lutang, parang wala ka sa sarili mo eh,” hinawakan naman niya ako sa braso ko.
        “Okay lang ako, may iniisip lang,” sabi ko, buti na lang at nandito na kami at makakaligtas na ako sa mga tanong nila. Ayoko munang sagutin dahil baka madulas lang ako. Sabi kasi ni Tricia madaldal daw ako!
        Hindi naman eh konti lang! Nasa room na si Luhan nang dumating ako at another boring dicussions na naman mula sa mga teachers namin.
        After morning class nag-break na kami, wala na namang klase mamayang hapon. May meeting daw kasi ang mga teachers eh. Nagmi-meeting pa eh ilang araw na lang bakasyon na!
        “Tara na Ellaine, iniwan na ako ni Luhan dito!” Hinawakan na naman niya ako. Bakit ganun? Feeling ko palamig ng palamig ang feeling ko, o baka naman kasi alam ko na kaya ganun?
        Pagdating namin nag warm up na yung iba, maya maya din dumating na sina Kai kaya tumabi sila sakin at nakinood. Excited na akong manood sa kanila!
        “Ready na guys, maya maya magsisimula na tayo!” Sabi nung coach o trainer ata nila yun, may nakasabit na pito kaya pwedeng referee na rin. Hindi ko kasi alam kung anong suot ng mga referee sa soccer kahit napanood ko na dati.
        Nagsipwesto naman sila at hindi nagtagal nagsimula na din naman sila, alam kong hindi magtatagal si Xiumin dahil na din sa init ng araw, kaya pala dati pinalabas ni Luhan si Xiumin. Unti unti ko tuloy napagdudugtong dugtong ang mga nangyare noon.
        Habang nanonood kay Luhan na sinisipa yung bola, parang kakaiba na yung dereksyon ng bola. Tinitigan ko pa ng mabuti at tama nga ako, hindi na dumidikit yun sa lupa kapag sinisipa niya. Posible ba yun?
        Hindi pa rin ako makapaniwala ngayon, all this time ginagamit niya ang kapangyarihan niya para manalo sa larong ‘to. Pero pwede rin namang hindi, kung marunong talaga siya ay hindi na niya kailangang gawin yun.
        “Kinakabahan si Luhan,” biglang sabi ni Chanyeol sa tabi ko. Napatingin naman ako kay Luhan. Bakit naman siya kakabahan eh practice game lang naman ‘to diba? Sabi ni Xiumin kanina hindi naman ito competition o elimination.
        Pagkatapos ng practice nagpahinga na sila, sila Luhan ang nanalo hindi na ako magtataka. Kaya pala sinabi nilang undefeated ang team nila dahil sa kakayahan ni Luhan pero parang ang unfair naman nun.
        “Ellaine…” Papauwi na sana kami pero tinawag ako ni Luhan, sinenyasan niya akong sumunod sa kanya kaya naman ginawa ko. Kung ano man ang mapag usapan namin wala na akong pakialam.
        Kung tatanungin niyo kung ano ang nasa isip ko? Hindi ako dapat matakot sa kanya...dahil alam ko...hinding hindi niya ako sasaktan.
        Oo nga, ang mean niya sakin hindi lang minsan kung hindi madalas. Pero hindi naman ibig sabihin na kapag mean na ang isang tao ay kaya na nitong manakit ng ibang tao.
        Sa paguusap na ito...malalaman ko ang totoo...malalaman ko ang lahat tungkol sa kanila.
Mga bagay na gustung gusto ko na ng kasagutan.
At sana…
Kapag nangyare ang bagay na yun...hindi ko pagsisisihan ang naisip at magiging desisyon ko...
 
        [A/N] Miss Author! Malapit na po matapos? Haha xD Hindi pa :P
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet