Chapter 7 - Monthly Period

The 12 Zodiacs
Chapter 7
LUHAN
        Hindi ako sumabay sa kanila pumasok at maagang gumising, tatambay na lang ako ulit sa taas ng puno para makapag-isip. Kagabi nung bumalik na ako sa wisyo ko nakita ko na naman siya.
*Flashback*
        “Kamusta ka na Luhan?” Bungad niya sakin, nayukom ko ang palad ko at handa na siyang sugurin pero pinigilan niya ako ng magsalita siya ulit. ",nagtataka ka na siguro sa inaasta mo?”
         “Anong ginawa mo sakin? Anong nangyayare sakin?!” Pasigaw na tanong ko sa kanya, alam kong siya ang dahilan ng mga nangyayare sakin ngayon. Walang duda, dahil simula ng lagyan niya ako ng bagay na yun ay naging ganito na ako.
         “Wag ka mag-alala, sa oras na ito sumanib na sayo ang kapangyarihan ng pagiging isang wolf,” sabi niya, nakakasar na siya. “,ibig sabihin tuwing gabi magiging isa kang ganap na wolf.”
         “Matagal na akong wolf! Pero hindi ko na siya makontrol ngayon," pagkasabi ko nun ay nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Ngayon pa ba siya magugulat? ",ibig sabihin ba nun lalo ko nang hindi makokontrol ang kapangyarihan ko?” Tanong ko.
        “Tama ka pero don’t worry tuwing gabi lang naman yan pagkatapos ng ilang linggo makokontrol mo na yan,” sabi niya, buti na lang. Hindi ko na pinansin ang pagkagulat niya pero nabahala ako sa naging reaksyon niya na iyon.
         “Alam kong hindi lang yun ang kahinaan ko,” sabi ko. “,sabihin mo sakin ang lahat, ayokong magmukhang tanga pagdating sa sarili ko!”
         “Kung ayan ang gusto mo, isa lang naman ang magiging kahinaan mo. Iyon ay si Ellaine,” sabi niya, napantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya.
         “Huwag na huwag mo siyang hahawakan,” sabi ko, nanginginig na ang kamao ko. Handa na akong sugurin siya ngayon! Kapag may nangyare kay Ellaine hindi ko na alam ang magagawa ko.
         “Wala naman akong gagawin sa kanya pero gusto ko lang sabihin sayo na kapag nasaktan siya,” Unti unti siyang lumapit sakin habang nagsasalita.
        “,mas doble ang sakit na mararamdaman mo...at kapag hindi mo pa nahanap ang taong itinakda ay magiging ganyan ka na habang buhay.” Pagkatapos nun naglaho na lang siya na parang bula.
         Paano na ‘to? Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung makakaya ko ‘tong mag-isa dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang kontrolin ang kakayahan ko.
        “Hindi ka naman nag-iisa eh,” sabi ni Sehun sabay peace sign habang si Kyungsoo naman galing sa ilalim ng lupa, si Chen naman bigla biglang umakbay sakin, si Chanyeol at Xiumin lumabas galing sa likod ng puno.
         “Anong ginagawa niyo dito?” Gulat na tanong ko. Ibig sabihin ba nun alam na nila na nangyayare sakin ang bagay na ito una palang?
         “Alam na namin simula pa lang ang tungkol sa lagay mo, ikaw ba naman ang pumasok sa bahay ng ganun ang aura!” Sabi ni Chanyeol.
         "Kahit na lagi kang masungit, alam parin namin kung anong ussual na Luhan sa hindi," sabi nila. Napailing na lang ako, kahit kelan ang mga 'to. Akala ko puro pang-aasar lang ang kayang gawin araw araw eh.
         Napahawak naman ako sa ulo ko nang batukan ako ni Chen. “Bakit mo naman ako binatukan? Masakit ah!” Tanong ko kay Chen.
         “May balak ka pa kasing itago samin kung hindi lang namin nahalata eh,” sabi niya sakin, inalis ang pagkakaakbay at kinamot ang tenga. Kadiri!
        “And don’t worry about Ellaine, ako ang bahala sa kanya,” sabi ni Kai sakin na parang nangaasar. Napakunot naman ang noo ko dahil sa inis.
         “Huwag na lang, ako ang poprotekta sa kanya,” sabi ko, nag asaran pa kami hanggang sa makarating kami sa bahay namin.
         Sa tingin ko hindi naman ako mag-iisa, kasama ang mga gunggong kong mga pinsan pupuksain namin ang kasamaan. Well ang korny nung last line na yun ah? Pero sana naman wag na nilang idamay pa si Ellaine sa kalokohan ng mga witch na yun. Dahil kung sakali, ako ang tatapos sa walang kwenta nilang buhay.
 *End of Flashback*
        Nandito na ako sa puno at nakatingin na sa langit, mukhang uulan pa ata. Bigla ba namang kumidlat, napatingin ako sa taong nagtatago sa isang puno. Kaya naman pala, loko loko din ‘tong isang ‘to. Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya na ikinagulat niya.
        “Holy Mentos in a Can, Luhan naman bakit ka nanggugulat?” Naghehesterical na tanong niya sakin habang nakahawak sa dibdib niya.
        “Nakita mo namang hindi na magkanda ugaga yung mga players sa pagligpit dahil akala nila uulan tinakot mo pa,” sabi ko. Tinabihan ko naman siya at pinanood ang kabaliwan na ginagawa niya.
         “Oo nga noh, sorry naman!” Napakamot niyang sabi at tinigil na ang ginagawa, nga pala si Chen ‘tong kaharap ko, kesho baliw ang isang ‘to at pakidlatin masasapok ko ‘to eh.
         “Ano bang ginagawa mo dito at naisipan mong manakot?” Tanong ko, naupo na lang ako sa damuhan at nanood sa mga taong dismayado.
         “Nakakaloka naman ‘tong ulan na ‘to”
        “Kung ituloy na lang niya kaya nakakabanas~”
        “Argh~ What the hell is your problem ba Mr. Kidlat?” 
        Sigaw ng mga babae. Muli na namang kumidlat kaya binigyan ko ng masamang tingin si Chen. Mukha naman silang natakot dahil dun, si Chen naman tawa ng tawa sa tabi ko. Hawak hawak pa yung tiyan niya.
        Hindi lang mapang-asar ang isang 'to, may toyo rin. Kaya pala hindi kami nauubusan ng supply ng toyo sa bahay dahil lagi siyang meron...
         “Tigilan mo na nga yan, mamaya may makakita pa sayo,” sabi ko sabay bato ng bato sa kanya pero hindi ko ginamit ang kamay ko.
        “Bakit mo ba ko binato?” Tanong niya sabay himas ng ulo niya. 
         “Ako ba yun? Nakita mo?” Pabalang na tanong ko.
         “Oo nakita ko,” sabi niya.
         “Bakit hindi ka umilag?” Tanong ko, nakapikit na ako ngayon pero bigla siyang natahimik at pagdilat ko nakanganga na siya.
         “N-Nakokontrol mo na?” That thing shut me up, oo nga noh? I didn’t even use my hands at sa isip ko lang yun sinabi.
         “Hindi ko alam,” sabi ko na lang, napatingin ako sa langit at may araw na. ayon sa langit... “,aray!!” Biglang sumakit ang puson ko. What the hell is this? Bago sakin ‘to ah? Napakahapdi, parang pinipilipit ang bewang ko dahil sa sakit. Napahawak ako sa puson ko.
        “Anong nangyayare sayo?” Tanong ni Chen.
         “Ang sakit ng puson ko,” sabi ko.
         “Hala? Puson? Diba sumasakit ang puson ng babae kapag meron sila?” Sabi niya, binigyan ko naman siya ng Bakit-babae-ba-ako look! “,eh bakit ga---“ Mukhang alam na niya ang ibig sabihin nun.
         “Naku! Mukhang meron si Ellaine, maitanong nga,” sabi niya, akmang aalis pero pinigilan ko siya. Ang sakit, imagine-in niyo. Sa mga babae namimilipit sa sakit kapag meron paano kung samin mga lalaki tapos dodoble pa yung sakin? Nakakaloko ang nararamdaman ko!
         “Tara sa clinic,” sabi niya sabay tayo pero sinigawan ko naman agad siya.
         “Tanga ka ba, ano na lang iisipin ng nurse kapag sinabi kong masakit ang puson ko, puntahan mo na si Ellaine!” Sigaw ko. Hindi kasi ginagamit ang utak kaya nabubulok na lang eh.
        Pagkaalis niya tumakbo na ako pabalik sa bahay, pupunta sana ako ng kwarto ko pero hinitak na ako ng sofa at doon bumaluktot.
        “Anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ka mahiga, daig mo pa caterpillar na magiging paru paro ah,” sabi ni Sehun, I raise my hand using my middle finger sabay curse.
        “Chill, nagbibiro lang,” sabi niya sabay lapit sakin “,ano bang trip mo ha Luhan, namumutla ka na,” sabi niya, hinawakan niya ako pero tinapik ko lang siya “,sabihin mo kasi sakin kung anong nangyayare para magawan ko ng paraan!”
         “Masakit ang puson ko,” sabi ko. Narinig ko namang may kumatok sa pinto.
        “Wait bubuksan ko lang.” Pagbukas niya pumasok si Ellaine na masakit din ang puson, naupo ako para hindi halatang masakit din ang puson ko.
        “Sumakit kasi yung puson niya sa klase kaya inuwi ko na,” sabi ni Kyungsoo. “,hindi ka pa rin pumapasok?” Tanong niya sakin.
        “Ouch~ ang sakit talaga ng puson ko,” sabi ni Ellaine, binuhat na ni Sehun si Ellaine sa kwarto ako naman ramdam ko ang sakit ng puson.
        “Wow~ may monthly period ka rin?” Tanong ni Kyungsoo sakin, binigyan niya ako ng hot compress “,tinuruan ako nung nurse kung paano gagawin kapag meron.” Natawa naman si Kuya Sehun sa sinabi niya. Diba dapat sa babae na lang pinasama si Ellaine sa clinic?
        “Mukha ba akong nagkakaron?” Tanong ko pero inabot ko parin yung hot compress sa kamay niya at nilagay sa tiyan ko, sa ilalim pa ng damit para sure.
         “Well sa ngayon para kang si Ellaine, sabay pa kayong nagkaron,” sabay tawa, alam kong alam niya kung bakit nagkakaganito ako pero nakakainis nakuha pang asarin ako.
 
         Maya maya nawala na din yung sakit, it means wala na ding masakit kay Ellaine. Buti naman, feeling ko hihimatayin ako sa sobrang sakit eh. Ganun pala nararamdaman ng mga babae kapag meron sila, pero ang kinaibahan lang mas masakit yung akin. Ngayon alam ko na kung bakit madalas masungit ang mga babae.
 
        [A/N] Tahaha xD Ano kayang mangyayare kung mga lalaki na lang ang nagkakaron? Wala lang tanong ko lang :3
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet