Chapter 17 - Pamatay gutom

The 12 Zodiacs
✔Chapter 17
ELLAINE
        After naming mag gala sa labas dinumog siya ng mga pinsan niya at tinanong kung saan ako dinala ni Lulu. Si Lulu naman walang sinabi at pinagbabatukan ang mga pinsan niya, ako? Pinapasok na ni Lulu sa kwarto ko.
        “Matulog ka na, and stop thinking about me,” seryosong sabi niya pero tinawanan ko na lang siya.
        “Hindi naman kasi ikaw ang iniisip ko noh!” Mapang-asar na sagot ko, nakita kong napakunot na naman ang noo niya pero hinayaan na lang niya ako. Kunwari pang nagtatampo pero mawawala rin naman iyan.
        “Sleep well,” sabi niya. Nag-good night na ako sa kanya at akmang isasara ko na yung pinto pero pinigilan niya ako. “Kiss?” Tanong niya habang nakangiting aso.
        “Puro ka na lang kiss.” Then I gave him a kiss on his cheeks, nag pout naman siya! Ang kyut niya! Sa wakas nakita ko na siya ngumuso. Sarap halikan...pero 'wag na lang dahil baka mawili.
        “Sige na nga” Sabi niya pero nagulat ako dahil hinalikan niya ako. Akala ko pa naman ay matutulog na siya. Nagulat na lang kami pareho sa taong biglang dumating.
        “Tama na yan, patulugin mo naman si Ellaine, Luhan,” may halong pang-asar na sabi ni Kuya Sehun sa kanya, umalis naman si Luhan dahil tinaboy na siya ni Kuya Sehun.
        “Batang iyun talaga oo, ikaw naman Ellaine matulog ka na. 'Wag mo masyadong isipin ang mokong na yun,” sabi niya. Ginulo pa niya ang buhok ko.
        “Opo, good night kuya Sehun,” sabi ko at kiniss din siya sa cheeks. Good night kiss lang naman iyon noh!
         “Hoi! Ano yan?” Hindi pa pala nakakapasok si Lulu sa kwarto niya. Bigla bigla na lang lumitaw sa kung saan.
        “Dun ka na nga, nag good night lang eh. Seloso!” Napatawa na lang ako sa sigaw ni Kuya Sehun. Inisnaban pa nga siya ni Luhan.
        “He! Good night Ellaine,” sabi niya.
        “Good night Lulu!” Sabay flying kiss. Umakto naman siya na parang sinalo iyon at saka inilagay sa kanyang labi. Pumasok na ako dahil kanina pa ako nakadungaw sa pintuan. Baka hindi pa lalo ako makatulog nito.
        Ang saya ko dahil nalaman kong mahal niya ako, tapos mahal ko din siya. Hindi ko naman alam kung hanggang kelan kami magiging ganito.
        Kinabukasan...
        Pagbaba ko ng hagdan, tama ba ‘tong nakikita ko? Para akong nananaginip parin sa mga oras na ito! Nakita kong nakangiti at sabay kumain si Lulu sa mga pinsan niya AT nagtatawanan pa sila. Tell me, end of the world na ba? Bakit nag iba ang ihip ng hangin?
        “Good Morning Ellaine!” Si Kuya Sehun ang unang bumati at nakapansin sakin kaya napatingin na rin yung iba. “Good Mornng Ellaine!!!” Bati din nung iba sakin. Napakataas din ng energy nila ngayon ah?
        “Good Morning din sa inyo!” Sabi ko, inayos pa ni Lulu yung upuan para makaupo ako. Nagpasalamat ako at sinaluhan sila sa pagkain. Nakakapanibago ang aura ng buong magpipinsan. Parang kulang na lang ay magkaroon ng rainbow at sparkling something sa paligid namin.
        “Walang anuman!” Nakangiting sagot sakin ni Luhan. Grabe! Level up na ‘to, si Luhan ba talaga ang nasa harap ko? Ay! hindi, si Lulu na siya ngayon! Dahil hindi na siya yung masungit na lalaki na nakilala ko noon.
        “Lulu? Akala ko ba ayaw mong tinatawag kang ganun?” Tanong ni Xiumin. Nakakatuwa siya kumain. Lalong tumataba ang pisngi niya dahil sa dami ng kinakain niya.
         “Oo nga, si Ellaine lang dapat ang tumawag sakin nun!” Sabi ni Lulu.
        “Sus! Pauso ‘tong si Luhan oh!” Tukso ni Chen. Nagpatuloy pa sila sa pag-aasaran hanggang sa biglang tumayo si Kai.
        “Mauna na ko, may gagawin pa kasi ako sa council office,” sabi ni Kai sabay alis. May katungkulan din pala kasi siya sa council office tulad ni Tricia kaya naman hinayaan na lang namin siya, sabay sabay kaming lumabas at naglakad.
        Si Lulu naman kung dati makalayo sakin para akong may nakakahawang sakit ngayon naman para na siyang linta kung makalapit sakin.
        “Lulu este Luhan, 'wag ka namang masyadong nakadikit kay Ellaine napaghahalataan ka eh,” sabi ni Xiumin kaya medyo dumistansya siya samin.
        “Tss. Oo na nga,” naasar na sabi nito. Then nauna na siyang naglakad samin, napatingin na lang ako sa kanya. May bumangga naman sakanyang babae pero sinungitan lang niya. Kapag kasama namin ang mga pinsan niya ang sungit niya kahit sakin pero kapag kaming dalawa lang ang sweet naman niya.
        Unti unti ko na siyang nakikilala, ayaw niyang ipakita yung nararamdaman niya sa ibang tao kundi sa mga taong gusto lang niya ipakita yun. Tulad nalang kagabi, napakita niya ang isang side niya kay Kuya Sehun na sa tingin ko ay natutuwa din sa pagbabago ni Lulu.
        I smiled, sa tingin ko kaya ko siyang tulungan. Kahit hindi ko alam kung papano, hahanapin ko ang tinakda para hindi na sila mahirapan. Kung sakaling magkaroon ako ng ideya sa kung sino siya hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa kanila.
        “Tara na Ellaine,” yaya ni Kyungsoo. “,ano namang iniisip mo kanina? Bigla ka na lang kasing napatulala eh, masama ba pakiramdam mo?” Tanong niya.
        “May naisip lang ako, hayaan mo na lagi lang akong lutang,” sabi ko na lang para hindi na niya ako guluhin pa.
        "Baka naman si Luhan lang ang iniisip mo. Mag-aral muna mabuti bago isipin yung mokong na yun!" Sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Nakaramdam naman ako ng kakaibang aura! Aura ng taong parang papatay!
        Nakakatakot talaga yun...parang konting galaw ko lang babagsak na ang katawan ko sa sahig! Tumingin tingin ako sa paligid kahit kinikilabutan ako at nakita si Vivian na masamang nakatingin sakin. Sabi ko nga eh!
        Pagpasok ko nakabusangot na naman ang mukha ni Lulu na nakatingin sa labas, nakakunot ang noo at hindi maipinta ang mukha. Ano na naman kaya ang problema ng isang ito? Kanina lang umaga ang lapad pa ng ngiti niya pero ngayon nakabusangot.
        “Ano namang problema ng isang yan?” Tanong ko kay Kyungsoo. Tinignan naman ni Kyungsoo si Luhan.
         “Hayaan mo, siguro badtrip kasi naman pinansin pa nina Chen at Xiumin kanina eh, you know!" Sabi ni Kyungsoo. Tumango tango naman ako sa kanya.
        Umupo na lang ako sa upuan ko at tinignan siya, napatingin siya sa pwesto ko pero umiwas lang din siya ng tingin at tumingin sa labas. Mukhang nagtatampo nga siya hindi lang kina Xiumin kundi pati sakin. Mamaya ko na lang siya kakausapin.
        Kung boring dati ang klase mas boring naman ngayon, wala na akong natutunan sa mga tinuturo ng mga teacher. Ang boboring naman kasi nila magturo eh! Hindi ba nila naisip na kailangan din na ma-entertain ng mga estudyante kahit na mahilig magsipag-aral ang mga estudyante rito?
        Na tipong kahit gaano katalino ang isang estudyante ay hindi mawawala sa genes nila na tamarin. Ikaw man na paulit ulit na lang ang ginagawa ay hindi tamarin? Imposible yun, kung robot ka pa nago-overheat din yun! Okay ano connect ng robot?
        After class niligpit ko na ang gamit ko, nagugutom na ako eh. Dear tiyan, konting tiis na lang. Malapit na tayo sa canteen oh!
        Pagbaba ko papunta na dapat akong canteen dahil naaamoy ko na ang amoy ng mga pagkain na tumatawag sakin kaso lang may humigit sa kamay ko.
         “Hoi! Ano ba? Gutom na ko!” Sigaw ko sa kanya. Hindi naman nagsalita si Lulu at hinila lang ako. Oo, sino pa ba ang hahatak ng kamay ko eh kung hindi si Lulu lang naman diba? Sino ba ang in-expect niyo? Si Johnny depp?
        Pagdating namin sa taas pinaupo niya lang ako. “Extend mo yung paa mo,” utos niya kaya naman ginawa ko. Nagulat na lang ako nung umupo din siya at nahiga sa hips ko.
        “Hoi, ano bang ginagawa mo? Nagugutom na ko,” sabi ko. Hindi pa ba siya nagugutom sa halos apat na oras na pagaaral ang ginugol namin kanina.
         “Matutulog ako, hindi kasi ako nakatulog ng ayos kagabi eh,” sabi niya. Nakapikit parin siya kaya kita ko ng malapitan ang mukha niya. Ang haba ng pilik mata niya, maliit pero magandang ilong, ang mapula niyang labi na medyo may cut pa.
        “Eh kasi naman nagugutom nga ako,” ngitngit ko. Umupo naman siya at kinamot ang ulo niya.
        “Sige, pamatay gutom muna,” nakangising sabi niya. Parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa pamatay gutom na ito ah?
        “Ha?” Sabi ko, nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Hindi na ako nakaangal dahil pinasok na niya yung dila niya sa bibig ko, sounds gross! Sorry naman hindi ko kasi ma explain eh. Pero... 'Shocks! Hinahalikan ako ni Luhan ngayon!'
        Parang nag aaway yung dila namin ngayong dalawa, tinutulak ko siya dahil baka may makakita samin pero hindi parin siya nagpatinag at patuloy sa pag halik. He started exploring my mouth at hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko kaya I did what he’s doing, feeling ko nga expert na ako sa paghalik eh kahit hindi naman talaga.
        Pagkatapos namin maghalikan session ay pareho kaming hingal na hingal, may kinuha siya sa sulok at tiyaka ko lang napansin na may dalawang lunch box dun. “Kanino galing yan?” Tanong ko sabay turo sa lunch box.
        “Kay Kyungsoo, pinagluto ko siya kanina. Tara, kain na tayo,” sabi niya umupo naman ako ng pag indian sit at sinaluhan siya sa pagkain.
        “Bakit naman kailangan mo pang gawin yun? Eh kakain din naman tayo,” nalilitong tanong ko.
        “Bakit? Nagustuhan mo naman diba?” Tanong niya sabay subo ng kanin sakin.
        “Ano ba?! Hindi nakakatuwa,” sabi ko. Itinigil naman niya ang pagpapakain sakin na parang bata at tinignan ako sa mata.
         “Bakit? Mas gusto mo bang puro pamatay gutom kesa kumain na lang tayo? Pagbibigyan kita,” sabi niya.
        “No thanks, kumain ka na nga,” sabi ko. Kinuha ko yung isang lunch box at ako ang nagpakain sa sarili ko. Hindi naman ako baldado noh!
        “Ang galing mo ngang humalik parang in-eexplore mo yun---“ Hindi ko na siya pinatapos at pinasakan ng ulam ang bibig niya. Ayaw pa kasing tumahimik!
        “Manahimik ka na lang” Sabi ko habang natatawa, kung anu ano naman kasi ang sinasabi ng taong ‘to eh. Natawa na lang din siya sa ginawa ko at kumain na ng tahimik.
        
        [A/N] Ano masasabi niyo? Kadiri ba? :/
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet