Chapter 31 - ang wakas (Second half)

The 12 Zodiacs
✔Chapter 31
ELLAINE
        Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon, inis galit o pagkapoot. Grrrr. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon! Nagsanib na silang dalawa dahil mga salamangkero sila pero simpleng Zodiac lang kami ni Luhan na walang alam sa mahika. Haist!
        Pareho na kaming hinihingal ni Luhan kakaiwas sa mga binabatong mahika nila samin pero ito lang ang nagawa naming dalawa, ang umiwas sa mga ito...
        Kung kami naman ang magbabato, nasasangga o naglalaho naman ang mga katana namin kaya wala na akong choice kundi ang kidlat. Naiinis na ako! Kanina pa ako naasar dahil pagod na pagod na rin ako, inipon ko ang lahat ng lakas ko para dito at tinodo ang aking kidlat.
        Nagconcentrate ako at huminga ng malalim. Inalala ang bawat sinanay namin nina kuya Lay. Nakakagaan sa pakiramdam. Para bang ang kidlat ang sama ng loob ko at ngayon ay nailalabas ko na. Ano na kayang nangyayare kay Luhan?
        “Argh~” Sigaw nilang dalawa dahil tinamaan ko sila pero pagod na ko, wala na ata akong lakas para ipagpatuloy ‘to. Nakita ko namang pumikit si Luhan.
        May mga batong naging hugis patulis sa paligid, kinokontrol niya ang mga ito at biglang nag apoy ng sumugod kina Travis, tinamaan na naman sila. Pero kulang parin ang mga iyon, nakuha pa nila kaming gamitan ng kapangyarihan nila kaya ang tanging nagawa ko na lang ay lumipad pero si Luhan...
        Hindi! Tinamaan siya pero hindi ko siya makita dahil sa usok na nanggaling sa kapangyarihan nila, pinuntahan ko siya. Binugaw ko na ang lahat ng mga usok na nasa paligid ko mahanap ko lang si Luhan! Swear kapag may nangyareng masama kay Luhan mapapatay ko silang dalawa!
        “Luhan? Luhan!” Tawag ko sa kanya pero nagulat ako...mabalahibo ang mukha, pulang pula ang mga mata, matulis na pangil at malaking katawan. Iba na ang itsura ni Luhan ngayon.
        Nakita kong nakatayo si Jackson sa likod ni Luhan at akmang titirahin si Luhan pero tumakbo ako palapit kay Luhan upang isangga ang katawan ko sa kung ano man ang inihagis niya. Kaya ang kinalabasan? Ako ang tinamaan...
        "E-Ellaine?” Rinig kong sabi ni Luhan pero ang sakit ng likod ko, parang hihiwalay ang likod ko sa katawan ko sa sobrang sakit!
SUHO
        Napatayo kaming lahat sa kinauupuan, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nung una ang kapatid ko? Ngayon naman si Ellaine. Papasok na sana ako pero may nakaharang sa ring. Isang malaking bilog na parang mahika.
        “Anong nangyayare?” Narinig kong tanong nina Kyungsoo nang akmang papasok din sila. Mukhang pare pareho kami ng iniisip. “,nilagyan nila ng mahika, nakakainis,” sinipa ni Kyungsoo ang mga bato sa paligid.
        Wala na kaming magagawa kundi ang manood, pero si Ellaine. Kasalukuyang hawak ni Luhan si Ellaine sa kanyang bisig at pumapatak ang mga luha niya.
        “Si Ellaine ang may gawa ng mga 'yan,” biglang sabi ni Kuya Lay.
        “Anong ibig mong sabihin kuya Lay?” Tanong ko sa kanya, bigla na lang kasi siyang nagsasalita pero alam kong alam niya ang nangyayare sa labanan.
        “Si Ellaine ang gumawa ng harang na yan,” sabi niya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
        “Ha? Nahihibang na ba siya? Bakit naman niya gagawin ang bagay na yun?” galit na tanong ko, hindi ako makapaniwala...
        “Dalawa lang ang pwedeng dahilan niya, una ayaw niyang may makialam satin sa laban at pangalawa alam niya kung anong ginagawa niya,” sabi niya, napahilamos na lang ako ng mukha ko, ano bang iniisip mo Ellaine?
        Binitawan na ni Luhan si Ellaine at hinarap ang dalawang kalaban niya, ibang iba na si Luhan. Kung dati hindi makabasag pinggan ang isang yan at puro yabang lang, ngayon? Hindi ko na siya kilala.
        Nagpatuloy siya sa pakikipaglaban ng mag isa, talagang galit na si Luhan dahil konti na lang mawawala na ang ring na kinatatayuan nila ngayon. Hanggang sa maisahan nila si Luhan.
        “Ito na ang kinatatakutan ko, hindi niya parin kayang kontrolin ang kapangyarihan niya. Lagi na lang niyang inuuna ang galit niya,” inis na sabi na lang ni kuya Lay.
        Nakuha nilang itali si Luhan at pinagbubugbog na nila, hindi ko na kayang manood. Wala akong magawa kundi ang maupo at magdasal. Nakita ko na rin ang iba kong mga pinsan na nakatulala na lang sa kanila, hindi na ako nanonood ngayon. Ito na ba ang katapusan?
        Unti unti na bang mamumuno ang mga witches saming mga zodiacs? Habang nag-iisip ay nakita ko ang mga wolf na hawak nina Luhan at Ellaine kanina, nanghihina rin silang dalawa.
        Si Baby Lulu hinahanap at inaabot ang kamay ni Baby Ellaine na parang hirap na hirap sa paglalakad hanggang sa mahawakan nila ang kamay ng isa’t isa. Bigla silang umilaw na dalawa at lumipad. Naramdaman kong napatayo si kuya Lay sa inuupuan niya kaya tinignan ko ang arena.
        Si Luhan at Ellaine, gaya nung maliliit na wolf ay lumilipad na rin sila, nakahiga silang dalawa sa ere at magkahawak ang mga kamay.
        “Ngayon ko lang nakita ang bagay na ito,” sabi ni kuya Lay, tinignan ko siya at nakakakita na siya. Alam kong nakikita niya ang dalawa. Iba na ang kulay ng mga mata niya. Ang ganda ng kulay nilang dalawa pero hindi ko naman alam kung anong nangyayare sa arena. Baka mapahamak naman ang dalawang yan.
        “Ang kapangyarihan ng Zodiac, ngayon ko lang ito nakita sa personal,” sabi ni kuya lay, kapangyarihan ng mga zodiac? Ibig sabihin...
        Pagtingin ko sa arena biglang umilaw ng napakalakas, at the last thing I’m doing is nakanganga at hindi makapaniwala sa nilalang na nakikita ko ngayon.
        Isang wolf na kulay itim na may highlights na kulay pink, ang mukha ay parang mukha ng isang babae pero pwede ring lalaki, nakakalito. Nawala na rin sina Luhan at Ellaine sa arena na kung tama ako sila nang dalawa yan!
        Nakatingin lang ang lahat sa kanilang gagawin, napatulala rin ang mga kalaban sa nasa harap nila at kasalukuyang natutuklasan.
        “Ang Orion Zodiac, Ito ang tunay na anyo ng Orion Zodiac,” rinig kong sabi ni kuya Lay na parang tuwang tuwa dahil sa nakikita niya. Himala rin at nakakakita na siya ng dahil lang dito, nalilito na talaga ako.
        Orion Zodiac? Ibig ba nun sabihin ay nabubuhay ito sa katawan ng dalawang tao at iyon ay sina Ellaine at Luhan?
        Nagsimula na namang sumugod ang mga kalaban pero hindi na sila nakapalag pa. Hinang hina na ang dalawa hanggang sa sumuko na ang mga ito, nagbago ang anyo nilang dalawa at bumalik sa pagiging Ellaine at Luhan na magkahawak ang mga kamay.
        Papalabas na dapat sila pero sinugod sila ni Travis, pero bago pa makalapit si Travis ay may hinagis si Jackson sa likod niya dahilan para madapa si Travis at mawalan ng malay.
        “Huwag mo nang lapitan, nakita mo namang happy ending na sila eh,” sabi niya at kinindatan si Ellaine na kumaway lang sa kanya.
        Ang galing! Nakakapanindig balahibong paligsahan. Hindi ko inaasahang may ganito kalakas na nilalang sa mundo. Akala ko si kuya Lay na ang pinakamalakas bukod sa hari. Halos tumigil ang tibok ng puso ko habang pinapanood sila.
        Wait! Teka ang kapatid ko?
 
        [A/N] Yung susunod po ay ending na pero pagkatapos nun pakibasa ang author's note ;)
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet